Sixty Seven

4.2K 30 3
                                        

Blangko ang utak ko ngayon, natulos ako sa aking kinauupuan abang nasa tabi ko ang babaeng umiiyak na lumabas mula sa office ni Yves kanina. May mga sinabi siya sa akin na hindi ko mapaniwalaan, pero ramdam ko na nagsasabi siya ng totoo. She was beautiful, a few years older than me and she's been claiming na nakasama niya sila Yves at Diorr before. She knows me dahil nakatira na rin ako sa kanila ngayon at sinasabi niya rin na ako ang pumalit sa kanyang pwesto. This woman was their ex na willing nilang bayaran basta magkaroon lang sila ng anak. Gano'n din ba ako? Ginagamit ba nila ako para magkaroon sila ng sarili nilang baby at ako lang ang paraan para matupad ito? Bago ko pa siya tanungin ng ibang bagay, may tumawag sa akin at nakita kong mabilis na palapit sa amin si Professor Quielle. Nang makita siya ng babae, agad itong tumayo at nagmamadali na tiong umalis.

"Jaeda? Ayos ka lang?" tanong niya sa akin at napailing naman ko. "What did she do? Did she say anything?" hindi ako makasagot dahil shock ako sa aking natuklasan. Feeling ko parang nag-crack ang puso ko at unti-unti na itong nadudurog. The happy memories na naranasan ko mula sa lalakeng gustong-gusto ko ay parang salamin na nabasag sa harap ko. Everything was all fake, an illusion na ginawa ko para sa aking sarili. "Jaeda..." tumingin ako sa kanya. Gusto kong umiyak pero ayaw bumagsak ng aking luha.

"A-Ayos lang po ako, Professor..." mahina kong sabi. Dahan-dahan akong tumayo at hinawakan niya naman ako. "Kilala niyo po ba siya?" natigilan siya at lalo lang naman naging malakas ang aking feeling na totoo nga ang sinasabi ng babae at mukhang may alam din si Professor.

"Not personally..." tipid niyang sagot. "Sigurado ka bang ayos ka lang? Gusto mo bang tawagan ko si Yves? Namumutla ka kasi."

"Hindi na po, nasa klase na siya at ayoko siyang maistorbo. Uhm, pupunta lang ako sa infirmary, biglang sumakit ang ulo ko." akma akong aalis pero pinigilan niya ako.

"Jaeda, kung anuman ang sinabi niya sa'yo sana huwag ka munang maniwala. Kausapin mo muna si Yves tungkol rito." alala niyang sabi sa akin. Bahagya lang naman akong ngumiti sa kanya at tumango. Nagpaalam ulit ako sa kanya at lumakad na ako. Nang makalayo na ako, sinubukan kong habulin ang babae. Hinanap ko siya sa buong campus pero hindi ko na siya nakita pa. I want to know kung anong parte niya sa buhay nila Yves at Diorr at gusto ko rin malaman kung ano ba talaga ang totoo.

Napahawak ako sa aking dibdib na sobrang nananakit na. Hindi ko alam kung saan ako pupunta or kaya ko bang harapin ang dalawa. I was just walking around at hindi ko na rin matandaan na may klase pa pala ako. Marami akong gustong itanong sa babae at gusto ko rin na kausapin sila Yves at Diorr kaya lang natatakot rin ako sa kanilang isasagot. Tumigil lang ako nang my humawak sa braso ko at paglingon ko, nakita ko si Louis na nag-aalala ang mukha.

"Jaeda, kanina pa kita tinatawag. You look lost... May nangyari ba? May ginawa na naman ba si Regina sa'yo?" tanong niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at yumkap ako sa kanya na kanyang kinagulat. Sa kanya na akong humagulgol ng iyak at niyakap niya rin naman ako. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking likod na kanyang hinhagod ang isa ay hinahaplos ang ulo ko. We were like that for a couple of minutes at nang kumalma na ako, humiwalay ako sa kanya. "Tell me, anong nangyari?" umiling lang naman ako. "Jaeda..."

"I don't want to talk about it..." sumisinok kong sabi at pinahiran ko ang aking luha. "Uhm, may time ka ba para ihatid ako?"

"Sure, ihahatid kita pauwi..." agad niyang sabi.

"No! Sa iba ako pupunta, I am more comfortable there." hindi na siya nagtanong pa at pumayag na lang siya. Hawak niya ang aking kamay at pumunta kami sa parking. Binuksan niya ang pinto ng kanyang sasakyan at pumasok na ako. Sumakay na siya sa driver's seat, pinaandar niya ang sasakyan at umalis na kami. Sinabi ko sa kanya kung saan kami pupunta, and after a few minutes, tinigil na niya ang sasakyan sa harap ng isang condominium building.

Desiring My Prof. And His BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon