Fifty Three

4.2K 18 3
                                        

Naguluhan ako paggising ko ng umagang 'yon, it was a very familiar room of mine, a lot of books, poster ng aking favorite bands, anime, at kung anu-ano na ko-collect ko. Doon ko na napagtanto na umuwi pala ako sa amin. Walang dalawang lalake ang manggising sa akin ngayon using their talented mouth. Tumalikod ako mula sa aking bintana dahil sa silaw ng araw sa labas. Mukhang tirik na tirik na ito at late na akong nagising. Pagod din naman kasi ako sa biyahe kahapon at nag-mall pa talaga kami kahit kararating ko lang.

Oh well, nag-enjoy naman ako lalo na at may mga nabili na naman akong new books na gusto ko ng basahin. Nagtataka rin ako dahil hindi ako ginising ni Mama. Ayaw niya kasi na late akong gumigising sa umaga. Malakas akong bumuntong hininga at nag-inat ako. Tumitig lang ako sa aking kisame kung saan may nakadikit na glow-in-the-dark na maliliit na stars. I wonder kung natagpuan na nila ang sulat ko. Kung oo, eh, di dapat tumatawag sila sa akin ngayon.

Kinuha ko ang aking phone at nakita ko na may sinend na message si Havana. Binuksan ko ito at sobra akong nainggit sa picture niya kasama ang anak ni Gibi sa harapan ng isang cruise ship. Mabuti pa siya at magiging exciting ang kanyang sembreak, tapos hindi na pala siya papasok sa susunod na sem. Hays! Siya na talaga! Tapos dalawang daddies pa niya ang kasama niya. Habang ang kaibigan ko ay super blooming ng lovelife, ako naman ay mawawalan na. Hindi ko man gusto, pero kailangan. Bumangon na ko at pumunta sa banyo to do my business.

Pagkababa ko ng hagdan, naaamoy ko na ang masarap na pagkain na niluluto ng aking ina. Nang makarating ako sa kusina nagulat ako nang makita na may naka-spread na disposable na mga lalagyan ng pagkain sa mesa. Abala sa pagluluto ng pagkain ang aking ina sa malaking kaserola. Binati ko siya at nilapitan para halikan siya sa pisngi.

"Bakit may ganito? Anong ganap?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at sinabi na kumain na ako ng breakfast.

"Para sa mga bata yan sa ampunan. May malaking client kasi ang Papa mo. May gagawin silang event ngayon doon. Kaya nag-volunteer siya na magdala ng mga pagkain para sa mga bata. Merienda lang naman toh, tapos may cater sa pananghalian. Kaya kumain ka na dyan, you are coming with us."

"Hay naku, maraming event na naka-sched si Papa, noh? That's why I'm here to help you guys?" tanong ko sa kanya.

"Bakit ayaw mo ba? We do this all the time naman, helping people na mas nangangailangan. Tsaka kaysa naman na ma-boring ka sa bahay ng professor mo. Maiinggit ka lang pag nakikita mo silang magkasama ng boyfriend niya."

"Tama naman kayo... Ako na nga ang nahihiya lalo na pag naabutan ko na nagme-makeout sila. Ang gwapo pa naman nilang dalawa!" napatawa naman siya. Well, nong una inggit na inggit talaga ako sa kanilang lovelife. Pero kailan lang na kasali na rin ako sa kanilang relasyon. Hindi na ako virgin at nagkaroon pa ako ng dalawang boyfriends. Kung pwede ko lang itong sabihin sa kanya.

"Wala pa bang nanliligaw sa'yo? Baka puro ka na lang aral, ah!"

"Ma naman, sasabihin ko naman sa inyo pag meron na akong boyfriend. Pero wala namang nagkakagusto sa akin, eh. Kahit nerd lang na mabait at masarap ang katawan, solve na ko." napaaray ako nang bahagya nang batukan niya ako.

"Masarap ang katawan ka dyan!" napangiti lang naman ako at nagsimula na akong kumain. "Anak, sino pala yo'ng magaling na player ng football team sa university niyo? Wala bang something sa inyo?" muntik ko ng maibuga ang kinakain ko. Napaubo pa ako dahil doon. Bakit alam ni Mama ang tungkol kay Louis?

"Ma, si Louis Vitton ba ang tinutukoy mo?" tanong ko sa kanya at tumango siya. "Bakit mo siya kilala?!"

"Eh, sa nanonood kami ng game ng football team niyo. Ilang beses na nga rin siyang nag-thank you sa'yo. At diba no'ng last game, nakasuot ka pa ng jersey niya. Lagi kang nasa screen, kaloka ka! Tili ako ng tili hindi dahil sa game, dahil favorite ka ng camera." natigilan naman ako at napakurap.

Desiring My Prof. And His BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon