Sixty Eight

2K 11 1
                                        

Hindi ako mapakali habang nakauwi na ako sa bahay. I am holding my phone at ilang beses ko na ring tinawagan si Jaeda, pero hindi ko na ma-contact ang kanyang phone. Kahit na sinabi na ni Kloss na kasama niya si Havana, hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala. Tangina naman talaga at nagkausap pa sila! Why did that woman have to ruin everything! Anong sinabi niya kay Jaeda? Anong sinabi niya na ayaw niya kaming makita at ayaw niya ring umuwi? Dapat sinigurado ko na nakalabas talaga siya ng university. Napasigaw ako sa inis at tinapon ko ang aking phone sa sofa. Gusto kong tawagan ang babaeng yon para tanungin kung anong sinabi niya pero ayoko itong makaharap at baka mapatay ko siya. Hindi ko rin ito sinabi muna kay Diorr dahil alam kong iiwan niya ang kanyang trabaho para lang rito!

Anong gagawin ko?! I can't! I can't lose her! Mababaliw ako! She's the one that I want, siya na ang gusto ko sa buhay namin ni Diorr and I know my boyfriend feels the same way. Siya na ang babae para sa amin. She's the one we've been longing for. The woman who made us complete kaya hindi ko hahayaan na mawala siya sa amin. Mawawala ako sa katinuan pag nangyari 'yon. I knew na kami lang ni Diorr all this time and we were happy, but not really happy enough dahil may kulang. Si Jaeda ang nag-fill sa space na 'yon, she's the last puzzle piece to make our life complete. Ayaw namin siyang ma-overwhelm kaya hindi pa namin sinasabi ang totoong nararamdaman namin sa kanya. One week pa nga lang na hindi namin siya makasama, sobrang nangulila na kami. Ano pa kaya pag tuluyan na siyang mawala sa amin?

I didn't expect na magbabalik ang babaeng 'yon. Kung pwede ko lang siyang kaladkarin palabas ng aking office, ng university ginawa ko na! But I don't want to create a scene at baka kung ano pang isipin ng mga to na makakita sa amin. How did she even know Jaeda in the first place?! Matagal na ba niya kaming sinusubaybayan? Is there her plan all along dahil hindi ako pumayag sa gusto niya? Our contract had ended simula no'ng iwan niya kami na walang pasabi. What was worst ay hindi ito nakuntento sa binayad namin sa kanya sa ilang buwan na pagsasama namin. Nagawa niya pa kaming pagnakawan! Then she has the nerve to show her face again and demand money from me! Tapos sisiraan pa niya kami kay Jaeda!

Dahil sa gulo ng isip ko, hindi ko na napansin na dumating na pala si Diorr. Napalinhgon na lang ako sa pintuan na bumukas at pumasok si Diorr na may ngiti sa kanyang labi. Pero bigla itong nawala nang namkitaniya ako. Mabilis siyang lumapit sa akin at yumakap naman ako sa kanya.

"Hey... What happened? Nasaan si Jaeda?" tanong niya. Hinawakan ko naman ang kanyang kamay at hinila ko siya paupo sa sofa.

"I need to tell you something, pero mangako ka muna na kakalma ka at wala kang gagawin." sabi ko sa kanya. Napakunot noo naman siya, tapos ay tumango. Malakas naman akong bumuntong hininga at sinabi ang pagpunta ng babae sa aking office and what she needs. Nakita ko ang pagbabago ng reaction ng kanyang mukha at mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay. "Sinabi sa akin ni Tempest na nakita niya ito na kausap ni Jaeda. I don't know what she said to her, but right now mukhang ayaw niya tayong makita."

"What do you mean ayaw niya tayong makita? Hindi ba dapat hinahanap natin siya para kausapin siya at makapag-explain tayo?" galit niyang sabi.

"She's with Havana right now. Tinawagan ako ni Kloss kanina and he said that she's safe at doon muna siya magi-stay. We should give her time para makapag-isip siya ng mabuti. Na-shock siya siguro sa kung anuman ang sinabi ng babaeng 'yon sa kanya." hindi siya sumagot pero napatiim bagang siya. "I'm sorry, sorry at hinayaan ko na makalapit ito kay Jaeda. Sana sinigurado ko na nakaalis talaga siya sa university."

"No... Sinabi na sana natin kay Jaeda kung ano ang nangyari noon. We should have told her the truth before we started this whole relationship with her. I'm just scared kung anong iniisip niya ngayon. Tama ka, let's give her time at sana ay bigyan niya tayo ng chance para makapagpaliwanag tayo sa kanya. But, I want to face that woman. I will talk to her para tigilan na niya tayo."

Desiring My Prof. And His BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon