Seventy

3.2K 15 2
                                        

Napasigaw ako nang biglang sugurin ng aking ama si Yves at malakas niya itong sinuntok sa mukha. Mabilis naman akong nilapitan ng aking Mama at inilayo ako. Ilang beses na sinuntok ni papa si Yves at umawat naman si Diorr na malakas nitong itinulak. Umiiyak naman ako at sumisigaw rito na tama na habang hawak ako ni Mama at ayaw ako na pakawalan. Kababati lang naming tatlo kanina, okay na kami. Naipaliwanag na nilang lahat sa akin after ng encounter ko sa babaeng siniraan sila kahapon. Hindi ko inaasahan na susulpot na lang ang magulang ko. I don't even know the reason why they are here and my father is so angry at sinasaktan niya ngayon si Yves.

"Walanghiya ka! PInagkatiwalaan kita dahil kaibigan kita! Pero binababoy niyo na pala ang anak ko! Kasama pa ang boyfriend mo, ha! Gago ka!" at sinuntok niya itong muli. Hindi naman lumaban si Yves at hinayaan lang nito ang kanyang ama kahit may pasa at duso na sa kanyang mukha.

"Pa! Tama na!" awat ko sa kanya. Binalingan niya naman ako at matalim niya akong tinignan. "Please, tama na! Bakit mo ba ginagawa 'to?!" sigaw ko sa kanya.

"Sumama ka sa Mama mo, aalis na tayo rito! Isa ka pa! Akala ko pa naman matino ka na kasama mo sila rito! Kailan ka pa naging ganyan!" galit niyang sabi sa akin.

"Hindi ko po alam ang sinasabi niyo! Pero wala kayong karapatan na pumunta rito at saktan si Yves at Diorr!" sigaw ko ulit a kanya at lalo pang namula ang mukha nito sa galit.

"Hindi mo alam ang sinasabi ko?! Sinamantala ng dalawang 'to at ikaw ay nagpauto ka naman! Akala mo hindi namin alam kung anong namamagitan sa inyong tatlo!" natigilan naman ako. "At ikaw Yves! Gago ka! Anong ginawa mo sa anak ko! Akala ko mapapabuti siya sayo pero binaboy mo siya!" akma niyang susugurin ulit si Yves pero humarang na si Diorr.

"Please, Mr. Venetta, ako na lang ang saktan niyo. Hindi lang si Yves ang may kasalanan nito. Pero maniwala ka sa amin, wala kaming masamang intensyon sa anak niyo." malakas din itong sinuntok ni Papa pero hindi ito natinag at nanatili itong nakatayo at nakaharang. "I'm really sorry pero hindi kami nagsisisi na mahalin ang anak niyo."

"Nababaliw na ba kayong dalawa! Sinali niyo pa si Jaeda sa kalokohan niyo! Sa experiment ninyong dalawa! Hindi pa kayo nakuntento sa isa't-isa sinali niyo pa ang anak ko! Ikaw Yves, kaibigan pa naman kita, I trusted you!"

"Hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa'yo." sabi ni Yves na pinunasan ang dumudugo niyang bibig. "Hindi ko mapigilan, unang kita ko pa lang kay Jaeda alam ko na siya na ang babae para sa amin. Nakikiusap ako sa'yo na huwag mo siyang pagalitan dahil ako naman ang may kasalanan g lahat ng 'to. We love her, we love, Jaeda at hindi na magbabago pa 'yon."

"Wala akong pakialam sa nararamdaman niyo! Ilalayo ko ang anak ko sa mga taong katulad niyo! Mula ngayon, wala na akong kaibigan na manlolokong katulad mo!"

"Pa! Tama na! Tama na! Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya na kasama ko silang dalawa! I have never been so happy in my life! Hindi ako nagpauto! Hindi nila binilog ang ulo ko! I am a grown up woman and I know what I am doing!"

"Tumigil ka na!" nagulat ako nang malakas niya akong sinampal. Napahawak ako sa kumikirot kung pisngi at hindi ako makapaniwala na tumingin sa kanya. "Get in the car, aalis na tayo!"

"NO!" malakas kong sabi at siya naman ang natigilan. Napakumyom ang aking mga kamay and I stand my ground. Kanina lang pinag-uusapan namin na sasabihin sa aking parents kung anong namamagitan sa aming tatlo. Tapos ngayon nalaman na nila. How did they even find out? Isang tao lang naman ang nakakaalam ng sikreto namin. Don't tell me na sinabi ni Louis sa kanila. I would be really sad pag ginawa niya nga ito. "I'm sorry, Pa, Ma, wala na akong pakialam kahit magalit kayo sa akin pero hindi ako sasama sa inyo. I have made my decision at hindi niyo na mababago ang isip ko." matigas kong sabi.

Desiring My Prof. And His BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon