PAGDATING sa hotel na pansamantalang titirhan niya ay agad nag-shower at nagbihis si Ashlene. Aalis ulit siya. Maghahanap siya ng mga taong makakatulungan niya sa mga plano niya.
Hindi naman siya nahirapan dahil agad siyang nakakilala ng tatlong lalaking tambay sa eskinitang kaniyang pinuntahan.
"Madam Ash na lang ang itawag niyo sa akin," nakangiting pakilala niya sa mga lalaking pinapakain niya sa isang mamahaling restaurant para makuha niya agad ang loob ng mga ito.
"Madam Ash, salamat po sa mga pagkain," sabi ng isang lalaki.
Mas ngumiti si Ashlene. "Maging mabait lang kayo sa akin at maging masunurin ay hindi lang pagkain ang ibibigay ko sa inyo."
"Ano po'ng ibig mong sabihin, Madam Ash?" tanong ng isa.
Ngumisi si Ashlene sa lalaki bago siya may kinuha sa bag niya. At lumaki ang mga mata ng mga lalaki sa inilabas niyang makapal na bugkos ng pera.
"Gusto niyo ba ng ganito? Ng pera?" tapos ay nakakatakam niyang suhol.
Nagkatinginan ang mga lalaki. Natigil ang mga ito sa paglamon.
"Kung gusto niyo ng ganitong karaming pera, eh, dapat susundin niyo lahat ng ipag-uutos ko sa inyo."
"Wala pong problema sa 'kin. Sabihin mo lang ang gusto mo, Madam Ash, at gagawin ko agad." Natakam agad sa pera ang isa namang lalaki.
Natawa konti si Ashlene tapos ay sumeryoso ulit. "Pwes, sa 'yo na ito." Pina-catch niya sa lalaking iyon ang pera. Ten thousand pesos iyon na puros tag-isang daang papel kaya medyo mukhang makapal.
"Wow!" Tuwang-tuwa ang lalaki habang inaamoy ang pera.
"Ako rin po, Madam Ash. Sabihin niyo lang ang gusto niyo ay gagawin ko agad," sabi na ng isa na nainggit.
"Ako rin po, Madam Ash. Gawin niyo po akong tauhan," sabi na rin ng isa.
Nagdiwang ang loob-loob ni Ashlene. Sa wakas ay hindi na siya nag-iisa. May mga aso na siya na puwede niyang utusan anumang oras na gustuhin niya.
"Humanda ka, JL. Malapit mo nang matikman ang impyernong buhay na inihanda ko sa iyo. Ipaparanas ko rin sa 'yo ang pakiramdam na maagawan ng mahal sa buhay habang walang kalaban-laban tulad ng ginawa mo sa akin."
Nakangiting kumuha pa siya ng pera at ibinigay sa dalawang lalaki. Tuwang-tuwa siya na pinanood ang mga ito.
ILANG ARAW pa ang lumipas.
"Jonathan!!!" malakas na malakas na sigaw ni JL. Nagdidilig ang buntis sa garden nang biglang humilab ang tiyan niya.
"Ate, ano'ng nangyayari po?" Ang kasama nila sa bahay na magiging yaya rin ng anak niya ang unang sumaklolo sa kaniya.
"Marites, manganganak na yata ako! Tawagin mo ang Sir mo! Bilisan mo!" utos ni JL sa dalaga.
"Ay! Ay! Opo!" Nataranta na rin ang kasambahay. "Kuya! Kuya Jonathan! Si Ate JL po! Manganganak na!" Ito na ang nagsisigaw habang papasok ng bahay.
Hindi katagalan ay lumabas sa gate ng bahay ang humaharurot na kotse ni Jonathan.
Kapansin-pansin din ang isang kotseng itim na laging naka-park sa di-kalayuan na sumunod. At ang nagmamanehong lalaki na mukhang goons ay agad may tinawagan.
"Madam, manganganak na po si JL?"
"Are you sure?"
"Opo, Madam. Nagkakagulo na nga sila rito. Papunta na sila sa ospital."
"Okay. Mabuti naman kung gano'n. Umpisa na ng palabas natin." Nakataas ang noo na pinatay ni Ashlene ang tawag, pagkuway napangisi. Sa wakas, dumating na ang kaniyang pinakahihintay na sandali. Mauumpisahan na niya ang kaniyang plano.
Sabi na nga ba niya't kabuwanan na ngayon ni JL. Ilang araw rin siyang nagkulong sa hotel niya pero ngayon oras na para lumabas siya.
At simula ngayon. Siya na talaga si JL Arizala. Ang bagong panganak na si JL Arizala.

BINABASA MO ANG
REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)
Romance(R18) Gawa ng aksidente ay na-comatose si Ashlene. Nanatili siyang tulog ng ilang buwan dahilan para kumuha si Jonathan ng private nurse. Ang hindi alam ni Jonathan ay ang desisyon niya na iyon ang magdadala ng kaguluhan sa buhay nila na mag-asawa...