Part 82

11.4K 199 2
                                    

"SABING sino ka?! Sagot!" madiing ulit na tanong ni Jonathan kay Ashlene sabay dikwat sa braso nito.

"Ano ba, Jonathan! Nasasaktan ako!" Mangiyak-ngiyak si Ashlene. Ang kaba sa dibdib niya ay halos marinig na niya. Naglalaban ang mga masamang tingin nila ni Jonathan.

"Ano 'yung mga narinig ko?! Sino 'yong tinawagan mo?! At sinong JL ang tinutukoy mo na pababalikan mo rito kamo?" sunod-sunod na tanong pa sa kaniya ng asawa. Nagliliyab sa galit ang mga mata nito. "So, tama ang hinala ko ganoon ba? That you are not JL?"

Hindi sumagot si Ashlene. Lumuluha lang siya na napapangiwi.

"Kung hindi ikaw si JL ay sino ka?! Who the hell are you?!" mas malakas at madiin na bulyaw na ni Jonathan sa kaniya. Mas humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso.

"Aray ko, Jonathan!" angal niya ulit na napapangiwi.

Hinawakan pa siya ni Jonathan sa isa pang braso. Niyugyog-yugyog. "Tell me who you are! And where is JL?! What did you do to her?!"

Rumagasa ang mga luha ni Ashlene. Napaiyak na siya nang tuluyan. "Oo na! Sasabihin ko na kung sino ako! Ako... ako si—" pag-amin na dapat niya sa totoong pagkatao niya.

"Kuya Jonathan, si Baby Zia po!" subalit bungad ulit ni Yaya Marites. Takot na takot na naman ang yaya.

Bumitaw agad si Jonathan kay Ashlene at lumingon sa yaya. "Bakit? Ano'ng nangyari?"

"Kanina pa kita hinahanap, Kuya. Pinapatawag ka po kasi ng doktor. Bilisan mo po!" natatarantang sabi ng yaya.

Tumingin muna si Jonathan kay Ashlene bago ito nagtatakbo pabalik sa loob ng ospital para sa anak.

Hindi naman malaman ni Ashlene kung ano ang gagawin. Kung susunod ba siya o tatakas na lang.

Ngayon ay mas matinding guilt pa ang kaniyang nararamdaman. Sa huli ay nagdesisyon siyang umalis na lang. Naisip niya ay wala rin naman siyang magagawa. Baka makasama lang siya sa sitwasyon.

"JL, where you going? Kumusta ang anak niyo?"

Sa pagmamadali niya papuntang parking lot ng ospital ay halos hindi niya sana napansin na kasalubong niya si Aling Susan. Buti at nagsalita ang ginang.

Kahit kay Aling Susan ay nakaramdam ng guilt si Ashlene. Naalala niya ang pagmamaldita niya rito. "Paano ko nagawa ang mga bagay na iyon sa mabait kong biyenan? God!"

"JL, tinatanong kita. Kumusta ang anak niyo?"

"Nasa loob po ng hospital, Mommy," napilitang sagot ni Ashlene.

"Eh, bakit parang aalis ka? Ayos na ba siya?"

"Hindi pa po pero may pupuntahan po kasi ako." Hindi siya halos makatingin sa mga mata ni Aling Susan. Hiyang-hiya siya dahil binastos niya ito dahil sa kabaliwan niya, sa kabaliwan ng may amnesiang si Ashlene.

"Ganyan ka ba talagang ina, ha, JL?! May sakit ang anak mo pero magagawa mong umalis?"

"Dahil mas mahalaga po ang pupuntahan ko."

"May mas mahalaga pa ba sa anak? Wala ka talagang kuwentang ina, JL!"

"Sorry, Mommy," sa isip-isip ni Ashlene. Kung alam lang sana ng kaniyang biyenan na hindi siya ang ina ng bata, na ginaya lang niya ang mukha ni JL dahil sa paghihiganti, pero wala nang kuwenta pa kung magpapaliwanag pa siya. Ang dapat mangyari sa ngayon ay makabalik si JL dito sa Maynila para sa anak nito.

"Excuse me po," paalam niya at walang anumang tinungo na ang kaniyang kotse.

"Huwag ka nang babalik na babae ka! Hindi ka karapat-dapat na maging isang ina!" dinig na dinig niyang sigaw sa kaniya ni Aling Susan na siyang nagpatulo na naman sa kaniyang mga luha.

Agad niyang pinaharurot ang kaniyang sasakyan nang makasakay siya. Nasasakal na siya sa matinding konsensiya. Kailangan niyang makalayo agad sa lugar na iyon. Hindi na siya makahinga.

"Sorry, sorry po. Hindi ko sinasadya ang mga nagawa ko," at paulit-ulit niyang usal habang nagmamaneho't umiiyak.

Nang mahimasmasan ay saka niya naisip na kumustahin ang ipinalakad niya sa kaniyang mga tauhan. Tinawagan niya si Jake.

REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon