Part 51

1.1K 54 1
                                    

"DARREN, ano 'yon?"

"Kuya, si Marjorie! Nakita ko si Marjorie!" Itinuro ni Darren ang papalayong taxi. At nang maalala niya ang kaniyang kotse ay biglang hinawakan naman siya sa kamay ni Jonathan nang akmang sasakay siya para sundan ang taxi.

"Darren, huwag ka na namang gagawa ng kalokohan, please?"

"Kuya, nakita ko talaga si Marjorie sa taxing 'yon! Believe me!" giit ni Darren sa kapatid. He was sure of what he saw. "Si Marjorie talaga iyon dahil nagkatinginan pa nga kami!"

"Baka naman namalikmata ka lang," sabi pa rin ni Jonathan.

"No. I'm not stupid, and I'm definitely not blind. Siya talaga 'yon. Si Marjorie. Bakit kasi pinigilan mo ako? Eh, di sana nahabol ko siya. Eh, di sana kasama na natin ngayon ang mga babaeng mahal natin. Sinayang mo ang pagkakataon, Kuya!" paninisi ni Darren sa kapatid. Inis na inis siya. Sobrang panghihinayang niya dahil mahahabol niya dapat ang taxi.

Hindi na nakaimik si Jonathan. Hindi niya iyon sinasadya. Nabigla lang siya. Hindi nga niya alam kung ano'ng nakain niya kanina at pinigilan niya si Darren. Pero malamang ay nag-alala lamang siya sa kapatid. Sa sobrang distracted nito ay baka hindi rin nito magawang mag-drive nang maayos. Mahirap na.

Habang si JL ay pasimpleng naniningkit naman ang mga mata kay Darren. Sabihin ba naman 'yon na nakaharap siya?

"Walang modo talaga. Ang sarap talagang tirisin ng gunggong na ito. Pero sige lang, Darren, hindi bale at may araw ka rin sa akin. Buwisit ka!" nagngingitngit na naisaloob na lamang ni JL.

"Tumigil na kayong dalawa. Walang magagawa ang pagtatalo niyo," pamamagitna naman na ni Aling Susan sa dalawang anak. "Halika na, Darren, umuwi na tayo."

"No! Hahanapin ko siya!" matigas na pagsuway ulit ni Darren sa ina. Pagkatapos ay sumakay pa rin sa kotse nito at pinaharurot.

"Darren, bumalik ka rito!" sigaw ni Aling Susan sa bunso pero wala nang naging saysay pa. Nakalayo agad ang kotse ni Darren. "Jonathan, sundan mo ang kapatid mo," pag-uutos na lang nito sa panganay.

"Hayaan niyo muna siya, Mommy. Ganoon talaga ang mga in love, nagpapakatanga," sabad ni JL sa usapan bago pa-sweet na kumapit sa braso ni Jonathan.

"Tumahimik kang babae ka! And don't you dare call me mommy again! Hindi kita anak para tawagan mo akong mommy! Kahit kailan ay hindi kita matatanggap sa pamilya namin!" subalit galit na singhal dito ni Aling Susan.

Napasinghap si JL. Itnikom na lang niya ang bibig kahit gigil na gigil na talaga siya sa pamilya ni Jonathan. Wala siyang pake kung ayaw sa kanya dahil hindi naman sila ang makakasama niya sa buhay o sa bahay. Ayaw rin naman niya sa mga ito kaya patas lang. Letse sila.

"Tama naman si JL, Mom. Hayaan muna natin si Darren," awat ni Jonathan sa ina. "Itatawag ko na lang kayo ng taxi para makauwi na kayo."

"Huwag mong sabihin na mananatili ka na ulit dito kasama ang babaeng 'yan?! Akala ko ba sa bahay ka na ulit kasi hindi mo na siya masikmura pang pakisamahan?!"

"Kailangan po ako ni JL ngayon. Kailangan ako ng anak ko." Inakbayan ni Jonathan ang ina. Wala na siya kahit konting pagdududa na buntis si JL dahil totoong buntis talaga ito. Napatunayan na iyon sa pinuntahan nila na doktor kanina. Iyong resulta ng paternity test na lang ang dapat nilang hintayin.

"Nasisiraan ka na talaga!" bulyaw ni Aling Susan. "Hanapin mo si Ashlene! Siya dapat ang magiging ina ng mga anak mo at hindi ang babaeng higad na 'yan!"

"I'm sorry, Mom, pero alam mo naman na noon pa ako nananabik sa anak. Saka ayaw niyo ba 'yon aalagaan ko ang magiging unang apo mo? Isa pa ang sabi ng doktor kanina ay dapat full support ang ama sa anak niya para lalabas itong malusog. Ayaw niyo ba na maging malusog ang magiging apo mo, Mom?" pang-aamo pa ni Jonathan sa ina.

"Paano naman iyong totoo mong asawa? Kakalimutan mo na lang si Ashlene?!" Parang gusto na namang manikip ang dibdib ni Aling Susan.

"Of course, I will still look for her. Siguro magha-hire na lang po ako ng taong maghahanap sa kaniya. Bigyan niyo lang ako ng time para maiayos ko ang lahat," pakiusap ni Jonathan.

"Ewan ko sa 'yo! Bahala ka! Kagaguhan mo kasi! Sana lang talaga ay hindi mo pagsisisihan ang ginawa mong ito sa asawa mo!" Pumiksi ang ginang sa akbay ng anak at pinara ang taxing saktong paparating.

"Mom, ihahatid na lang pala kita," tawag ni Jonathan sa ina pero parang walang narinig na si Aling Susan.

Napailing na lang si Jonathan. Inihatid na lang niya ng tingin ang papalayong sinakyang taxi nito. Walang duda, sa ina nila namana ni Darren ang katigasan ng ulo.

Samantala'y maluha-luha naman sa tabi si JL. Masayang-masaya kasi siya. Her heart swelled at what she'd just heard.

Hindi na raw siya iiwan ni Jonathan dahil sa anak nila. Aalagaan daw ni Jonathan ang anak nila. Mga iyon pa lang ay sobrang tumaba na ang kaniyang puso. Sa wakas matutupad na ang pangarap niyang magiging masayang pamilya sila ni Jonathan.

REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon