Part 73

12.7K 218 0
                                    

SA KOTSE habang wala pa sina Jonathan na lumalabas sa ospital ay tinawagan ni Ashlene si Marjorie.

"Kumusta kayo d'yan?"

"Okay lang naman po, Ate."

"Eh, si Darren?"

"Hindi ko na alam, Ate. Umuwi na kasi ako nang matakasan ko siya. Siguro ay na kay Uncle Migs na niya siya ngayon."

"Mabuti kung gano'n pero huwag tayong pakampante, sabihin mo kay Mama mag-empake na kayo."

"Pero bakit po?"

"Lilipat kayo ng tirahan. Madali kayo."

"Saan naman kami lilipat, Ate?"

"Kahit saan na makita niyo. Hindi kayo dapat makita d'yan ni Darren," madiin niyang sabi. Hindi niya namamalayan na palabas na sina Jonathan sa ospital.

"Sige po, Ate."

"May pera pa ba kayo?"

Palapit na sina Jonathan sa kinaroroonan niya.

"Meron pa po. May natira pa sa pinadala mo."

"Mabuti kung gano'n. Basta huwag na huwag kang magpapakita sa kaniya, Marjorie. Ipangako mo sa akin na iiwasan mo muna si Darren. Ayokong masira ang mga plano ko dahil sa kaniya."

"Opo, Ate. Huwag ka pong mag-alala."

"Salamat, Marjorie."

"Marjorie?" bigla ay singit ng boses ni Jonathan. "Tinawag mong Marjorie ang kausap mo, JL? Sinong Marjorie 'yan?"

Mulagat ang mga mata ni Ashlene na nilingon si Jonathan. Dumagundong ang puso niya sa kaba. Kanina pa ba ito sa likod niya? Shit, bakit hindi niya namalayan ito?

"I'm asking you, JL. Sino'ng kausap mo? Si Marjorie na ba 'yan na kapatid mo?" ulit ni Jonathan na tanong.

Mas nabahala si Ashlene. Madali niyang itinago ang cellphone sa likod at pinatay.

Pati man si Marjorie na nasa kabilang linya ay bigla ring patay ang cellphone nang narinig nito ang boses ni Jonathan.

"N-no, it's not her. Uhm... iyong inupahan kong tao 'yon para hanapin ang kapatid ko." Pasalamat ni Ashlene dahil nakapag-isip siya agad ng palusot.

"Ipinapahanap mo rin pala si Marjorie?"

"Syempre kapatid ko 'yon. Kung nagsawa ka na sa paghahanap sa totoong asawa mo, pwes ako hindi. Kahit gano'n na pinagtaksilan ako ni Marjorie ay kapatid ko pa rin siya. Sa kabila ng lahat ay mahal ko pa rin siya." Alam ni Ashlene ang buong kuwento kaya madali lang sa kaniya na magdrama.

Biglang lungkot si Jonathan. May kung anong natamaan sa puso niya sa mga sinabing iyon ni JL. But God knows he never forgot Marjorie, especially his wife. Umaasa pa rin siyang babalik ang kaniyang asawa sa kaniya kahit na ganito na nabaling na ang atensyon niya sa anak niya. At syempre hindi niya puwedeng sabihin iyon kay JL.

"Sige, pumasok ka na sa kotse. Uuwi na tayo," pag-iiba ni Jonathan sa usapan nang makalapit na rin sina Aling Susan at Yaya Marites. Iniabot ni Jonathan kay JL si Baby Zia.

Ayaw sana ni Ashlene na kargahin ang sanggol pero para mawala ang pagdududa sa kaniya ni Jonathan ay kinuha niya ito. Kandung-kandong niya ang anak ni JL sa buong byahe. Nasa tabi niya si Yaya Marites at nakaalalay lang. Si Aling Susan ang katabi ni Jonathan sa harapan.

"Sigurado ka bang kaya niyo na si Baby?" paninigurong tanong ni Aling Susan sa kanila nang malapit na itong bumaba.

"Yes, Mom. Don't worry," si Jonathan ang sumagot.

"Kung gano'n ay ibaba mo na lang ako d'yan. Uuwi na muna ako para makapagpahinga. I will just visit you tomorrow."

"Sige po."

Humalik muna si Aling Susan sa apo bago bumaba sa kotse. "Take good care of your daughter, Jonathan."

"Yes, Mom."

Isang masamang sulyap naman ang iginawad ni Aling Susan kay JL.

Hindi na lang pinansin ni Ashlene ang matanda. Gustong-gusto nga niya 'yon; ang kainisan siya ni Aling Susan bilang si JL.

Pagdating naman sa bahay ay iniakyat agad ni Yaya Marites ang tulog na sanggol.

"Hindi ka pa magpapahinga?" tanong ni Jonathan nang umupo si Ashlene sa couch sa may living room.

"Dito muna ako," tugon ni Ashlene. Ang totoo ay gusto niyang paunahin si Jonathan sa silid nila para matawagan niya ulit si Marjorie. Nabitin siya sa pag-uusap nila kanina. Marami pa siyang sasabihin sa dalaga.

"Sige, magbibihis lang ako. Babalik ako rito," ani Jonathan at umakyat na ito sa taas.

Agad idinayal ni Ashlene ang number ni Marjorie nang wala na ang asawa. Habang hinihintay niya na sagutin ng dalaga ang tawag niya ay binuksan niya ang TV para aniya kahit biglang bumaba si Jonathan ay hindi nito ulit basta-basta maririnig ang pag-uusap nila ni Marjorie.

Subalit pagka-on niya sa TV ay natigilan siya dahil flash news ang palabas. At ang ibinabalita ng reporter sa TV ay ang pagkatakas daw ng isang pasyenteng sunog ang mukha sa Malvaro Hospital.

Halos magsalubong ang kaniyang mga kilay. Alam niya agad na si JL ang ibinabalita. Nawala sa isip niya ang tinatawagan niya. Napatay niya ang tawag dahil nabahala siya, kasunod ang TV.

"She's really a pathetic whore!" then she muttered. Hawak niya ang baba niyang napaisip. Kailangang gumawa siya ng paraan bago pa masira ni JL ang lahat ng plano niya. Mayamaya lamang ay idinayal na niya ang number ng kaniyang isang tauhan.

"Jake, nasaan kayo?" tanong niya agad nang sinagot siya.

"Dito lang, Madam. Bakit po?"

"Kumpleto ba kayo?"

"Oo, Madam."

"Mabuti naman dahil kailangan niyong pumunta sa address na iti-text ko sa inyo. At kapag nakita niyo si JL ay itaboy niyo siya. Dalhin niyo siya sa malayong lugar. Kahit saang lugar."

"Areglado, Madam."

Pinatay ni Ashlene ang tawag at itinext nga ang address. Mabilis na tumipa ang mga daliri niya sa touch screen ng kaniyang cellphone.

Address ng bahay nila at address ng bahay ng nanay ni JL ang itinext niya sa mga tauhan niya dahil sigurado siyang pupuntahan ni JL ang dalawang address oras na magkaroon iyon ng tsansa.

"Who are you texting?" nang sulpot na naman ni Jonathan sa kaniyang likuran.

Nabanas agad siya. Sa isip-isip niya ay bakit ba ito sulpot nang sulpot? Nagdududa na ba ito? Hinuhuli na ba siya?

"Uhm... wala. Iyong kaibigan ko lang."

"Si Flower?"

"Flower? Ano'ng sinasabi mo?"

Napamata sa kaniya si Jonathan. "W-wala. Sinong kaibigan mo ang ka-text mo pala?" pero saglit ay tanong pa nito.

"Hindi mo kilala, eh. Sige, magbibihis lang din ako." Mabilis na tumalilis si Ashlene.

Naiwan sa salas si Jonathan na nahulog sa malalim na pag-iisip. Bakit parang hindi kilala ni JL ang matalik nitong kaibigan na si Flower?

Nahihiwagaan na talaga si Jonathan kay JL. Meron ba siyang hindi alam na nangyayari?

REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon