HABANG nag-i-enjoy si Ashlene sa paghihiganti kay JL, hindi niya alam ay nakabalik na sa bahay nila si Jonathan.
"Yaya, si Baby Zia?"
Nagulat ang yayang dalaga nang nagsalita sa likod niya ang amo niyang lalaki. "Naku, Kuya, dumating ka na pala? Akala ko pumasok ka sa trabaho?"
"Pinirmahan ko lang 'yung nga papeles at umuwi na rin ako agad. Ewan pero kasi kanina pa ako nag-alala na hindi ko maintindihan. Ang anak ko nasaan? Is she okay?!"
"Gano'n po ba. Pero huwag po kayong mag-alala, Kuya, kasi si Baby ay tulog lang po. Okay lang po siya."
"Salamat naman kung gano'n." Nakahinga nang maluwag si Jonathan at umakyat na siya sa hagdanan para puntahan ang anak na agad niyang nami-miss. Nang naalala rin niya ang ina ng kaniyang anak ay nilingon niya ulit si Yaya Marites. "How about your Ate JL? Nasaan siya?"
Buti at nakatalikod si Yaya Marites sa amo dahil napangiwi ito.
"Yaya, did you hear me? Nasa'n ang Ate JL mo? Nasa silid ba?"
Napakagat-labi ang dalaga at napilitang humarap. Gusto nitong pagtakpan ang among babae pero wala naman itong magagawa kundi ang sagutin ang among lalaki. "Eh, Kuya, wala po siya."
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Jonathan. "What do you mean wala siya?"
"Umalis din po siya, Kuya, kaninang umalis ka."
"What?" Hindi makapaniwala si Jonathan.
"Pinigilan ko po siya, Kuya. Sinabi ko po na baka mabinat siya, kaso umalis pa rin po, eh. Nagmamadali nga po."
"Bagong panganak siya! Hindi ba niya naisip 'yon?!"
"Sorry po, Kuya, hindi ko po kasi napigilan."
Naningkit ang mga mata ni Jonathan. Napaisip ng malalim. Hindi siya makapaniwala na iniwan agad ni JL ang anak nila. Gusto na talaga niyang magduda.
SA KABILANG banda.
"Aaahhhh!" mahabang palahaw pa ni JL habang tinitiis ang kirot ng asido na sumusunog sa kaniyang mukha. Hirap na hirap na ito.
Kabaliktaran ni Ashlene na ngiting-ngiti. Walang mapagsidlan ang kasiyahan niya sa sandaling iyon na pinapanood si JL na naghihirap. Hindi naaawa si Ashlene. Epektebo ang pagpapatigas niya ng kaniyang puso para sa mga tulad ni JL na kabit. Noon pa ay isiniksik na niya sa isipan na tama lang sa isang malanding kabit na mawalan ng ipinagmamalaki nitong ganda.
"Sige, kalasan na siya," mayamaya ay utos niya sa mga tauhan.
Nang makalaya ang mga kamaya, nag-iiyak si JL habang dinadama ang duguang mukha nitong nasunog na nang tuluyan ng asido. Nanginginig ang katawan nito sa sobrang hapding nararamdaman.
"Aaahhh!" at panaka-naka ay hiyaw nito sa tuwing nasasagi ang sugat nito. "Ang sama mo!" sa kabila ng lahat ay garalgal ang boses pa rin na sumbat nito sa kanya kalaunan.
Ngumisi lang si Ashlene. Ni katiting ay wala pa rin siyang nararamdamang awa. JL deserves it, and how she wished lahat ng mang-aagaw ng asawa tulad nito ay maparusahan din. Ang dapat sa kanila ay mabuhay na puno ng pagdurusa. Sila dapat ang nagdurusa, hindi ang mga ligal na asawa.
"Dalhin niyo na 'yan," utos niya pa sa mga tauhan niya.
"Sa'n po, Madam? Hindi ba natin siya tutuluyan? Baka ipahamak tayo niyan?"
"Hindi, huwag niyo siyang papatayin. Hindi siya dapat mamatay dahil mas mala-impyerno pa ang mabuhay na wala ang iyong mga minamahal sa buhay. Hayaan niyo siyang magdusa rito sa lupa."

BINABASA MO ANG
REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)
Romance(R18) Gawa ng aksidente ay na-comatose si Ashlene. Nanatili siyang tulog ng ilang buwan dahilan para kumuha si Jonathan ng private nurse. Ang hindi alam ni Jonathan ay ang desisyon niya na iyon ang magdadala ng kaguluhan sa buhay nila na mag-asawa...