Part 90

13.2K 214 2
                                    

SA PAGBABALIK ni Jonathan sa Qurino Hospital ay mas mabigat ang dalahin niya. Guilting-guilty siya sa asawa.

"Ashlene, gumising ka na please? Gusto ko na ulit na makasama ka, Hon." Buong puso na binabantayan na naman ni Jonathan ang kaniyang asawa, ang tunay niyang asawa, ang totoong mahal niyang asawa.

Halos hindi niya ito maiwanan, ni kumain ay nakakaligtaan na niya.

"Pare, ano iyong itinawag mo? Are you really serious?" Dumating si Gomer na hindi niya inaasahan. Humahangos ang kanyang kaibigan.

Kanina ay tinawagan niya kasi ito para sa naging desisyon niya. Ang ibenta ang shares niya sa negosyo nila.

"Huminahon ka muna," aniya sa kaibigan.

Napasuklay sa sariling buhok si Gomer. "Paano ako hihinahon gayong alam ko kung gaano kahalaga sa iyo ang Armor Auto Buy and Sell tapos bibitawan mo lang? Baka naguguluhan ka lang. Pag-isipan mo muna, pare."

"Pare, nakadesisyon na ako. Ibebenta ko na ang shares ko kaya pakiasikaso naman para sa akin dahil wala akong oras sa ngayon."

"Pero paano ang mga pinaghirapan mo ro'n? Sa ating tatlo ni Briks ay alam nating ikaw ang mas madaming nagawa sa Armor. Wala ang negosyo nating iyon kung wala ka."

"Wala na sa akin iyon, pare. Alam mo naman na wala na ako halos pera. Nagamit ko na lahat sa pagpapagaling ni Ashlene noon tapos sa paghahanap sa kaniya, at sa lahat na. Sa anak ko, kay JL, kaya hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Why don't you tell this to Tita Susan? Baka matulungan ka ng mommy mo kung ano man ang problema mo."

"No. Ayokong idamay si Mom sa problema ko. Ako ang gumawa sa problemang ito kaya dapat ako lamang ang susulusyon. Isa pa, siguro panahon na para hawakan ko na rin ang aming kompanya. Tumatanda na si Mommy. Kailangan sigurong tulungan ko siya doon."

"Ang kaso ay sayang ang shares mo, pare, kung mapupunta lang sa iba."

"It's okay, pare. Ang mahalaga sa ngayon ay maiayos ko muna ang gulong sinimulan ko." Pagkasabi niyon ay hinalikan niya si Ashlene sa kamay.

Noon lang tila napansin ni Gomer ang babaeng nakaratay sa kama at puro benda ang katawan. "Who is she? Ano'ng nangyari sa kaniya? Siya ba ang dahilan ng pagkagipit mo ng

"Oo, pare," malungkot lalo na sagot niya. Hinaplos-haplos naman niya ang noo ng asawa. "Pare, siya si Ashlene."

"What?! Hindi nga?"

"Oo. Siya 'yan. Ang asawa ko."

"Saan mo siya nakita?"

Mapait ang kaniyang naging ngiti. "Sa tabi ko lang dahil ilang araw na rin pala siyang nagbalik sa bahay."

"What does it mean? Ang gulo yata, pare?"

"Mahabang kuwento, pare."

"Pare, I will listen. Gusto kong malaman ang lahat bilang kaibigan mo at para maunawaan kita sa pinagdadaanan mo."

Mabigat man sa loob niya na alalahanin ang lahat ay ginawa nga niyang ikuwento kay Gomer ang mga nangyari.

"Grabe!" As he expected ay manghang-mangha si Gomer.

"Grabe talaga. Sa sobrang galit niya sa 'kin ay naisip niya lahat ng mga bagay na iyon," nanlulumong aniya.

"Pero ang galing. Parang sa teleserye lang ang nangyari sa inyo. Sino'ng mag-aakala na si Ashlene si JL?"

Mapaklang napangisi siya.

"So, plano mo ngayong ibalik ang mukha nila kaya kailangan mo ng malaking halaga, ganoon ba?"

Tumango siya. "Ako ang nagkamali kaya dapat na ako rin ang aayos ng lahat."

Gomer patted his shoulder in a show of sympathy. "I understand you now, pare. Sige don't worry, ako na ang bahala sa gusto mong mangyayari. Aasikasuhin ko agad."

Marami pa silang napag-usapan na magkaibigan. Dikawasa'y isang tawag ang natanggap na niya mula kay Darren.

"Nasa'n na kayo?" tanong niya agad sa kapatid nang sinagot niya iyon.

"Alam mo talagang kasama ako sa pag-uwi, ah?"

"Alam kong hindi ka magpapaiwan."

Bumuntong-hininga si Darren. "Nandito na kami. Susunduin mo ba kami?"

May kung anong tumubong hindi maipaliwanag na damdamin sa dibdib niya. Galit? Excitement? Halu-halo na. Ni hindi niya sigurado kung ano'ng sasabihin niya o gagawin niya kapag nakaharap na niya ang mga taong nagkonsinti sa baluktot na ginawa ng kaniyang asawa. Ang sure lang niya ay may konting paninisi siyang naramdaman sa mga ito. Para sa kaniya, kung hindi kasi nila kinonsinti si Ashlene ay sana hindi mauulit ang ganito ulit sa kaniyang asawa.

"Kuya, you still there?" untag sa kaniya ni Darren nang medyo matagal na wala siyang salita.

"Oo."

"So, ano? Susunduin mo ba kami?"

"I can't drive. Mag-taxi na lang kayo. Dumiretso na lang kayo rito sa Quirino Hospital."

"Okay, got it."

Nag-igting ang mga panga niya nang ibaba na niya ang tawag.

"Pare, relax lang. Walang may gusto sa nangyari," pampakalma sa kaniya ni Gomer.

"Naniniwala ako na kung hindi nila kinonsinti si Ashlene ay hindi ulit mangyayari ito sa kaniya. Tingnan mo ulit ang asawa ko, pare. Wala na naman malay at hindi ko na naman alam kung kailan gigising."

"Naiintindihan kita pero huwag mo naman na isisisi ang lahat kina Marjorie. Sabi nga ni Marjorie ay asawa mo mismo ang nagplano. Siguro'y napilitan lang sila. Maybe they have no choice. Gano'n."

Natigilan siya. Ewan niya, pero masama talaga ang loob niya kay Marjorie at Aling Marcelina.

REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon