Chapter 45

18 1 0
                                        

Save Him

Chivalry's POV

Tangina sa kamalasan, bigla nalang may tumawag sa akin. Nasa kanila raw isa sa kaklase ko, sa sobrang pag-aalala ko.

"Tangina, bobo naman nitong nag-message sa akin. Saang parte ng Makati dinala si Icarus?"

Hayop, Makati lang sinabi. Tangina, malawak itong makati, saan banda? Bwisit.

Istorbo sa love life ko ang mga puta.

"Ayon, bwisit."

Malapit lang pala sa amin, pinagod pa 'ko peste. Mas maigi na sigurong mag-mask muna ako, baka mabigla si Icarus e.

Wala pa 'kong ka-tulong, mukhang mahihirapan ako. Takte, wala naman akong pwedeng tawagan, ayokong may malaman sila. Baka maaga akong pumanaw. Si Marcus at Amelia, wala pa rito sa pilipinas. Nag-papahinga pa sila, may tama pareho ang bwisit.

Mabilis kong natunton yung pinag-tataguan nila, kaunti lang sila pero alam kong mahihirapan ako. Pare-pareho silang mga naka-tago mukha, tanging mata lang nila ang makikita mo. Miski balat sa katawan balot na balot.

Baliw ang tangina, ang init-init.

"She's here!" Ingay naman nito.

"Who's here?" Si kamatayan, gago.

Surprise sana gagawin ko, kaso papansin 'tong-ewan, pare-pareho sila ng suot nakakalito.

"Long time no see, Valor."

Ngumiwi ako, kahit alam kong hindi nila nakikita reaksyon ko. Ayokong marinig ako ni Icarus. Gusto kong ako mismo magpa-kilala sa kanya. Ayokong mag-isip siya ng kung ano-ano kapag narinig niya boses ko, baka isipin niya ka-sabwat ako nitong mga pangit na 'to e.

"Valor doesn't want to talk, it looks like we need to resort to violence."

Simple akong umatras, hindi ko rin pina-halata na kinabahan ako. Pinapa-kalma ko sarili ko, dahil alam kong isa sa kanila susugod ano mang oras. Pansin kong may hawak ng baril yung lalaking nasa dulo, tangina. Sana hindi ito ang katapusan ko.

Tama ako, isa sa kanila ang sumugod. Na-sundan din agad iyon, kumbaga salitan ang pag-sugod nila. Samantalang puro depensa lang ang ginagawa ko, nilalayo ko sila kay Icarus. Baka kasi gawing pain sa 'kin, tapos pumayag pa 'kong patayin siya.

"Have you become coward, Valor? Why didn't you attack us first?"

Ay tangina, ang yabang. Tignan natin kung hanggang saang hukay iyang yabang mo kapag sinaksak kita.

Ginawa ko ang sinabi niya, ako naman ang sumugod.

Ngayon baliktad na, sila naman ang sumasangga sa akin. Napapansin kong mabilis silang mag-palit-palit, dahil na rin siguro sa pagod. Mukhang nilabanan sila ni Icarus ang, mga nanghihina ang kingina.

Mas binilisan ko pa kilos ko, ayokong maabutan ako ni Icarus. Maganda na nakikipag-laban ako habang siya tulog, baka biglang tumulong e.

"Fuck, damn it."

Panay lang kami sugod, nadaplisan na 'ko samantalang sila tatlo nalang ang natira. Tumba na yung tatlong mayabang, sila nalang natitira kasama yung pangit na may baril. Mukhang pinapanood kami, kumakain siya e. Siguro akala niya action itong pinapanood niya.

"Argh."

Hindi ko hinayaang maagaw ni Icarus atensyon ko, patuloy lang ako sa pag-atake at depensa. Alam kong nag-tataka siya sa mga nangyayari, pero sana hindi siya mag-tanong. Baka ikamatay naming pareho kapag inagaw niya atensyon ko.

"Ouch, aray tangina." Mahinang bulong ko, sapat na para hindi marinig ni Icarus.

Umatras ako nang kaunti, nilabas ko rin ang cellphone ko at binuksan yung location ko. Nag-send din ako ng voice message sa GC namin, kailangan ko ng tulong. May baril isa sa kanila, mahihirapan akong sumugod. Baka wala pa 'ko sa kalahati, may bala na agad sa dibdib ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 4 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Last Girl StandingStories to obsess over. Discover now