Muling nabuhay si Esther sa tulong ni Edgardo. Muling bumalik ang kanyang lakas at sa pagbukas ng kanyang mga mata ang unang narinig niya ay ang iyak ng kanyang supling. Agad niya itong kinarga at hindi maipinta ang ngiting lumilikha sa kanyang mga labi sa unang pagkakataon na nasilayan niya ang kanyang anak. At muling bumalik din ang ngiti sa labi ni Edgardo nang makita niyang muli ang kanyang pinakamamahal habang karga-karga nito ang kanilang sanggol.
Esther: Napakaganda niya mahal ko.
Nang bumalik sa isipan ni Edgardo ang mga taong bayan....
Edgardo: Mahal, kailangan na nating umalis dito.
Esther: Bakit?
Edgardo: Hindi mo ba naririnig?
Nakiramdam si Esther, sa tulong ng kanyang bagong katauhan at kapangyarihan ay dinig na dinig niya ang sigaw ng mga paparating nang mga tao mula pa sa bayan.
Esther: Papatayin nila tayo. Edgardo anong gagawin natin? Hindi ako makakapayag na saktan nila ang anak ko.
Edgardo: Ganun din ako. Huwag kang mag-alala tatakas tayo ngayon din.
Esther: Saan tayo pupunta?
Edgardo: Kay papa'.
Agad na nagligpit ang mag-asawa, pero, huli na ang lahat. Narating na ng mga galit na mga kababayan nila ang kanilang tahanan at sa pagdating nila, agad na inutos ng isa sa kanila na sunugin ang kubo ng mag-asawa na siyang ginawa naman nila kaagad. Pinalibutan nila ang buong bahay para masigurado nila na hindi makakatakas ang dalawa. Dahil nga gawa lamang sa mga kahoy at nipa ang kubo ay agad na kumalat ang apoy at agad na natupok ang ilang bahagi nito. Hindi kaagad umalis ang mga tao, hinintay talaga nilang maubos ng apoy ang buong bahay at makita ang sunog na mga katawan ng mag-asawa. Ang tagumpay na halos nasa kamay na nila ay biglang naglaho nang biglang tumakas ang pamilya sa pamamagitan ng bubong. Sa angking lakas at kapangyarihan ni Edgardo bilang isang bampira ay nakuha niyang tumalon nang napakalakas habang karga-karga niya ang kanyang mag-iina. Nagulat ang mga taong nakasaksi sa pangyayari at sa isang iglap ay naglaho sa Baryo San Roque sina Esther at Edgardo kasama ang bagong silang nilang anak na pinangalanan nilang... Marcus.
Sa isang mansyon na kulay itim sa isang liblib na lugar na malayo sa siyudad na pagmamay-ari ng mayamang si Don Faustino V ay isang bisita ang hindi nila inaasahang darating sa gabing yaon. Agad na tumakbo ang katulong na nakasuot ng normal na kasuotan ng isang normal na kasambahay pero itim at puti nga lang ang kulay ng tela nito, at sa pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang dati niyang amo, si Edgardo kasama ang asawa nito na si Esther at bagong miyembro ng Pamilya V, si Marcus. Agad na dumating ang iba pang kasambahay at tinulungan ang mag-ina na magiging amo na rin nila. Inalok ng isang katulong ng tuwalya si Edgardo pero tinanggihan niya ito at naglakad ng diretso.
Esther: Saan ka pupunta?
Tumigil sa paglalakad si Edgardo at hinarap muli ang asawa.
Edgardo: Kay papa'. Sasamahan ko rin kayo mamaya ng anak natin. Sila na muna ang bahala sa inyo.
At saka nagpatuloy sa paglalakad.
Naglakad si Edgardo sa isang malawak at mahabang hallway sa loob ng malaking bahay nila. Naglalakad siya sa isang dekalidad na red carpet habang pinapalibutan siya ng mga larawan ng kanilang angkan na nakalagay sa mga dingding ng naturang bahagi ng mansyon. Mga larawan na kinunan at ipininta pa sa ibang bansa. At sa dulo ng hallway na 'yun ay isang napakalaking pinto. Maging ang loob ng mansyon ay kulay itim, maliban na lamang sa sahig. At nang narating na nga ni Edgardo ang kanyang destinasyon ay bigla siyang huminga nang malalim. Hindi niya muna binuksan ang pinto, tumayo muna siya sa harapan nito na tila hinahanda niya ang kanyang sarili para sa haharapin niya sa loob. Kakatok na sana siya nang biglang... may nagsalita.
Tumuloy ka.
Hindi pa lamang lumalapat ang kanyang kamay sa kahoy sa kung saan gawa ang pinto ay nakatanggap na siya kaagad ng sagot ng nasa loob ng naturang silid. Agad niyang binuksan ang pinto at sa kanyang pagpasok ay nakita niya ang kanyang amang nasa wheelchair nagpapainit sa harap ng isang tsiminea.
Edgardo: Papa'.
Biglang sumara ang pinto nang napakalakas sa likuran ni Edgardo at napapikit na lamang siya sa bilis ng pangyayari.
Don Faustino: Buti naman at naisipan mo pang umuwi.
Hindi pa rin hinaharap ng ama ang anak.
Edgardo: Kasama ko ang mag-ina ko at dito na rin sila titira.
Don Faustino: Alam na ba niya kung sino at ano ka?
Edgardo: Opo, sa katanuyan ay isa na po siya sa atin.
Don Faustino: Ganun ba?
Ginalaw ni Don Faustino ang remote controlled niyang wheelchair at tuluyang hinarap ang anak.
Don Faustino: Gusto kong makita ang aking apo.
Wika ng matanda.
BINABASA MO ANG
V ( A Vampire's Kiss )
VampireNaging batas na ng lahi ng mga bampira ang umibig sa isang mortal at magsilang sa isang kalahating-tao at kalahating imortal. Itago ang tunay nilang katauhan hanggang sa tumungtong sa tamang edad para na rin sa kaligtasan ng buong angkan. Isa na ri...