Chapter 6

7K 122 0
                                    

Pagdating ng sasakyan na ginamit ni Marcus papuntang paaralan ay agad itong napansin ng lahat. Sa isang paaralan na kilala sa buong Pilipinas na may mataas na antas pagdating sa patuturo nag-enroll ang binata. Ang paaralan na kilala rin sa pagiging mamahalin at pugad ng mga mayayaman. Kung mahirap ka, ang tanging paraan mo lang para makapasok rito ay ang utak mo. Kaya naman hindi lahat na nag-aaral sa University of Manila - Recoletos ay puro anak ng kilalang pulitiko, sikat na artista o maimpluwensyang negosyante. Ang iba ay nagmula lang sa simple at payak na pamumuhay, isa na dito si Samantha, kilalang-kilala sa buong campus. Isang maangas, boyish at tigasin ng naturang paaralan. Maraming nasasayangan sa kanya, maliban kasi sa magandang hubog ng kanyang pangangatawan ay angkin din niya ang kagandahang inaasam ng lahat ng kalalakihan. Anak ng isang driver ng delivery truck si Samantha May a.k.a Mayang na isa sa mga scholar ng unibersidad. Sa kabila kasi ng pagiging pilya niya ay mabait na anak si Samantha. Pinapangarap niyang makapagtapos at tuluyang makatulong sa pamilya. Nang tuluyan nang makapasok ang magarbong sasakyan ni Marcus sa loob ng campus ay agad na nagtinginan ang lahat at tila huminto ang oras. Hinintay nilang lumabas ang nakasakay rito, isa sa mga naghihintay si Samantha. Maging ang mga nasa second and third floor ay huminto at naki-osyoso. Ang matagal nang hinihintay ng lahat, ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan. Nakakatitig ang lahat rito, alam nila na bago ang estudyante na nasa loob ng sasakyan dahil first time nila itong nakita sa campus. Nang tuluyan na nga itong bumukas ay mas lalong tumaas ang excitement ng lahat. Nagsitayuan ang mga nakaupo at nagsilabasan ang mga nasa kwarto. Hindi nagtagal lumabas na nga nang tuluyan si Marcus at sa unang pagharap niya sa mga tao ay biglang tumahimik ang paligid, at biglang... nagtawanan ang lahat. Hindi nila akalain na isang nerdy neat white boy ang lalabas. Biglang lumabas ang driver ng sasakyan, at kinalabit ang dalang baril na pagkalaki-laki sa harap ng nakararami. Nang nakita ito ng lahat ay agad na naglaho ang tawanan at nagpatuloy ang mga tao sa kani-kanilang mga ginagawa. Ang iba ay nagpatuloy sa paglalakad, ang iba nagpatuloy sa pakikipag-usap, ang iba naman ay nagsibalikan sa kanilang mga kwarto.

Driver: Sir, sigurado po ba kayo na okay lang kayo dito?

Marcus: Opo. Pwede na po kayong umalis. Salamat po.

At saka tuluyang iniwan ang driver at naglakad papunta sa kanyang assigned room. Hindi kalayuan ay pinagmamasdan lang pala siya ni Samantha na tila may pinaplano na hindi maganda sa bagong dating na estudyante.

Isa pang grupo ang kilala sa buong campus, ang grupo ni Jack na kilala sa tawag na The Black Hunters. Sa tuwing dumadaan sila ay tumatabi ang lahat. Grupo ng mga mayayamang angkan sina Jack kaya naman maging ang faculties and staffs ng naturang paaralan ay takot sa kanila. Kaya nilang utusan ang kahit na sinong estudyante sa buong unibersidad, lahat nanginginig kapag sila na ang kaharap. Ang pagdating ni Marcus sa campus ay nabalitaan ng grupo at agad nilang hinanap ang binata. Isa-isa nilang tinatanong ang bawat mag-aaral na nadadaanan nila na sa tingin nila ay may alam kung saan ang hinahanap nila. Pero lahat sila ay walang alam... biglang uminit ang ulo ni Jack at nabuntong lahat ng kanyang galit sa isang estudyanteng lalaki na kasing payat ng posporo na kanilang pinagtanungan. Tinulak niya ito sa mga lockers at binuhat sa pamamagitan ng damit nito. Parang nagkarga lang ng sanggol ang sigang si Jack.

Jack: Wala ka ba talagang sasabihin, ha? Imposible namang wala kang alam kung saan ang bagong dating. Nakita mo ang pagdating niya pero hindi mo alam kung saan siya pumunta.

Estudyante: Hindi ko po talaga alam. Pasensya na po.

Hindi na makapagtimpi pa si Jack sa sobrang galit... susuntukin na sana niya ang walang kalaban-laban na mag-aaral nang biglang....

Marcus: Tama na 'yan!

Napahinto si Jack at nilingon ang sumigaw sa kanya. Binitawan niya ang kanyang biktima at pinalaya. Kumaripas naman ito sa pagtakbo na parang isang daga na nakawala sa kamay ng gutom na leyon.

Jack: So, ikaw pala ang bagong dating na estudyante. Welcome to our school.

Agad na pinalibutan ng grupo ni Jack ang nag-iisang binata.

Marcus: Ayoko ng gulo.

Jack: Sino ba ang nanggugulo? Nakikipagkaibigan lang naman kami ah. Hi, I'm Jack.

Inabot ni Jack ang kanyang kamay sa bagong kakilala, pero hindi ito ginantihan ni Marcus na siyang nagpausok ng ilong ng leader ng kilala at kilabot na grupo. Nilapitan pa lalo ni Jack si Marcus at tiningnan, mata sa mata. Nang biglang....

Samantha: Tama na 'yan!

Jack: Samantha! My love....

Walang takot na lumapit si Samantha kay Jack at pinagtanggol si Marcus.

Samantha: My loves ka dyan. Pwede ba Jack, magpakalalaki ka naman. Pumili ka nga ng kapareho mo, huwag 'yong walang kalaban-laban.

At agad na umalis si Samantha habang hila-hila niya si Marcus gamit ang braso nito. Napatingin bigla si Marcus sa kanyang braso na ngayon ay hawak-hawak ng babaeng hindi niya kilala o kaano-ano. Napatingin siya bigla kay Samantha at tila bumagal ang takbo ng oras. Biglang nawala sa isipan ng binata ang mga nangyari. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya, ang tanging alam niya ay masaya siya at masarap sa pakiramdam ang kung ano man ang nararamdaman niya habang hawak siya ng bagong kakilala.

Samantala, naiwan naman si Jack na pilit na pinipigilan ang galit na nararamdaman niya.

Jack: May oras din kayong dalawa sa akin.

Bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang dalawa na naglalakad papalayo sa grupo niya.

V ( A Vampire's Kiss )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon