Chapter 10

5.6K 97 0
                                    

Kinabukasan, muli, maagang nagising si Marcus excited na namang pumasok sa paaralan. Sa hapagkainan....

Don Faustino: Kumusta ang school apo?

Marcus: Okay naman po.

Don Faustino: Masaya ka ata pagdating mo dito sa bahay kahapon. Ano bang nangyari sa school mo? Kwentuhan mo naman kami.

Marcus: May nakilala po kasi akong bagong kaibigan. Ewan, pero parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

Don Faustino: At ang pangalan?

Marcus: Samantha.

Biglang nabulunan ang mga magulang ni Marcus na sina Edgardo at Esther sa sinabi niya.

Esther: Maganda ba siya?

Marcus: Opo.

Edgardo: Mabait ba siya?

Marcus: Oo naman po.

Esther: Malapit na ba kayo sa isa't isa?

Marcus: Hindi pa naman po masyado.

Edgardo: May plano ka bang ligawan siya?

Marcus: What?

Esther: Gusto mo ba siya?

Marcus: Ha?

Edgardo: Gusto ka rin ba niya?

Marcus: Wait.

Esther: May pupuntahan ba kayo mamaya?

Marcus: Sandali lang!

Sa pinakaunang pagkakataon ay sumigaw si Marcus sa harap ng kanyang mga magulang at kanyang lolo, sa harap pa ng hapagkainan. Biglang tumahimik at kumalma ang lahat.

Marcus: Sorry, but what are those questions for?

Hindi nakasagot ang dalawa sa halip ay nagpatuloy ang mga ito sa pagkain.

Don Faustino: Sige na apo. Tumuloy ka na at baka mahuli ka na sa klase mo.

Napabuntong hininga na lamang ang binata nang wala siyang natanggap na sagot mula sa mga makukulit niyang mga magulang. Pagkaalis na pagkaalis ng binata ay biglang binagsak ni Don Faustino ang kanyang kamao sa mesa na labis na ikanagulat ng dalawa.

Don Faustino: You're too obvious!

Samantala, sa paaralan.... particularly sa library ay nakita ni Samantha si Marcus na nagbabasa ng libro, nilapitan niya ito at kinausap. Sa pagkikita nilang muli ay nagbigay ngiti ito sa binata, pero hindi sa dalaga.

Marcus: Hi.

Samantha: Why?

Marcus: Why what? Why did I greet you hi? Is that your question?

Samantha: Why? Bakit mo ako binigyan ng bisikleta?

Marcus: Wala lang.

Samantha: Wala lang?!

Biglang tumaas ang boses ni Samantha sa natanggap niyang sagot mula kay Marcus.

Sssssshhhhhhhhhh... wika ng ibang estudyante sa loob ng library.

Muling hininaan ng dalaga ang boses na halos hindi naman marinig ng binata.

Samantha: Wala lang? That's all you can say? Wala lang? Are you kidding me?

Marcus: What?

Habang pilit niyang pinapakinggan ang kausap. Tumagilid na lamang siya at hinarap ang tenga sa kausap marinig lamang niya ito. Lumapit naman ng konti ang dalaga sa kausap na kaharap niya lang at nasa kabilang parte ng mesa.

Samantha: Take it back. Gusto kong bawiin mo 'yon.

Marcus: Ano? Hindi kita marinig?

Habang nakakunot ang noo dahil nga sa hindi niya marinig si Samantha. Kaya lumapit pa nang konti ang dalaga sa tenga ni Marcus na dalawang pulgada na lamang ang layo mula sa bibig niya.

Samantha: Niloloko mo ba ako?

Marcus: Ano?

Sabay lingon, at dahil sa malapit na nga sila ni Samantha sa isa't isa ay nagkasulubong ang kanilang mga ilong. Naglapat ito sa isa't isa. Biglang napaatras si Samantha at nagulat sa sobrang bilis nang pangyayari.

Samantha: Meet me outside.

Habang nakaturo ang daliri sa labas at saka iniwan ang kausap. Sa pag-alis ni Samantha ay hinawakan naman ni Marcus ang kanyang ilong at biglang ngumiti. Niligpit niya ang kanyang mga gamit pagkatapos ay sinundan ang dalaga sa labas.

V ( A Vampire's Kiss )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon