Agad na naglakad ang Pamilya V papasok sa naturang lugar. Pagpasok nila ay isang napakalawak na silid ang sumalubong sa kanila at sa gitna ay isang higanteng hagdanan papuntang ikalawang palapag na nasa gitnang parte ng kwarto. Umakyat sila rito at pumanhik sa itaas. Isang nakakalulang pinto na naman ang papunta sa isang bagong kwarto. Mga ingay ng mga bisita ang unang napansin ng pamilya. Napakaraming bisita mula sa iba't ibang angkan. Halatang-halata na pinaghandaan ng lahat ang araw na iyon. Lahat ay nakasuot ng mga magagarang damit na gawa sa itim na tela. May iba simple lang, may iba fashionista kung tingnan at ang iba ay magarbo talaga. Habang papasok ang apat ay hindi maiwasan ni Marcus na tumingin sa paligid niya. Puro mga magagandang nilalang ang kanyang nakikita, mapababae man o lalaki. Mapabata o matanda. Mapataba o payat. Puti, maitim o kayumanggi. Lahat ay nakakabighani.
Isang cocktail party ang nagaganap at bawat pamilya ng konseho ay may mga mesa talagang nakalaan. May lumapit kina Don Faustino at inihatid sila sa kanilang puwesto.
Butler: This way sir, ma'am.
Sumunod naman sila at malapit sa entablado ang sa kanila.
Esther: Okay ka lang anak?
Marcus: Yah, I'm fine.
Nang laking gulat ni Marcus nang mahagip ng kanyang mga mata si Jack kasama ang pamilya din nito na nasa balkunahe sa ibabaw na parte ng naturang kwarto. Aalis sana si Marcus mula sa kanyang kinatatayuan nang biglang may nagsalita.
Host: Good evening everyone! You look so fabulous tonight, huh? I am so happy that once again ay nagkasama-sama tayong muli para ipagdiwang ang napaka-espesyal na gabing ito. Ang huling gabi na buo ang pulang buwan na sa kung saan nagsimula ang lahat.
Hindi maalis sa isipan ni Marcus ang katotohanan na bampira nga talaga si Jack. Tingin siya nang tingin sa itaas.
Don Faustino: Is there something wrong apo?
Marcus: Ha? Ah, wala po lolo, everything's fine.
Palusot ng binata.
Host: And tonight let's all welcome Her Royalty, Queen Vladina.
Lahat ay nagpalakpakan at nagbigay galang sa kanilang pinuno.
Napakaraming guwardiya ang nakapalibot at nakasunod kay Reyna Vladina papunta sa kaniyang trono. Nang narating na niya ito ay biglang tumahimik ang lahat.
Reyna Vladina: Magandang gabi sa inyong lahat. Ako'y lubos na nagagalak sa inyong pagpunta sa okasyong ito. Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya ngayong nagtipon-tipon tayong muli bago matapos ang huling gabi ng Pulang Buwan. Pero bago tayo tuluyang magsimula.
Biglang naglabas ng malalaking itim na payong ang mga guwardiyang nakapalibot sa Mahal na Reyna at binuksan ito. Biglang bumuhos ang tubig sa mga sprinklers na nakalagay sa itaas. Nabasa ang lahat maliban sa Mahal na Reyna. Pagkatapos ng ilang segundo ay biglang sumigaw ang iilan sa mga bisita at nagliyab bigla ang kanilang mga katawan at unti-unting natutupok na parang mga uling na nasusunog. Ang iba ay kumaripas sa pagtakbo pero pinagbabaril sila ng mga security. Ang iba naman ay nagtangka pang atakihin ang Mahal na Reyna nang pinagpuputukan sila ng mga nagbabantay rito. Pero nang rumami na sila at hindi na makontrol ng security ang mga iilang nagwawalang bisita ay ang reyna na mismo ang gumawa ng paraan. Biglang umilaw ang kanyang singsing at sa bawat bampirang aatake sa kanya ay inihaharap niya ang kanyang palad at nakokontrol niya ang mga ito. Ang iba ay binabali niya at ang iba naman ay pinapasabog niya sa pamamagitan ng pagsara niya ng kanyang kamay. Gulat na gulat si Marcus sa mga nangyayari. Biglang hinawakan ng kanyang ina ang kanyang kamay at maging ang ibang bisita ay parang wala lang sa kanila ang nangyayaring kaguluhan.
Pagkatapos ng sampung minuto ay humupa ang tensyon. Tumigil sa pagtagos ang tubig na nanggagaling sa mga sprinklers at sinarang muli ng mga guwardiya ang kanilang payong. Nang muling nagsalita si Reyna Vladina.
Reyna Vladina: See you in the other room once you're done changing.
Bilin niya bago niya tuluyang nilisan ang kwarto.
BINABASA MO ANG
V ( A Vampire's Kiss )
VampireNaging batas na ng lahi ng mga bampira ang umibig sa isang mortal at magsilang sa isang kalahating-tao at kalahating imortal. Itago ang tunay nilang katauhan hanggang sa tumungtong sa tamang edad para na rin sa kaligtasan ng buong angkan. Isa na ri...