Habang nilalabanan ng pamilya ni Marcus ang grupo nina Jack ay inalalayan naman ni Samantha ang kasintahan na tumayong muli.
Marcus: Samantha umalis ka na. Iligtas mo na ang sarili mo.
Samantha: Hindi, hindi kita kayang iwanan na ganito.
Marcus: Delikado ang buhay mo rito. Mapapahamak ka lang.
Samantha: No, please. I won't leave you here. Kung aalis ako dapat kasama kita.
Marcus: Kailangan kong tulungan ang pamilya ko. Sige na tumakas ka na. Hindi pangkarinawan ang kalaban natin kaya sige na.
Samantha: Then make me one of you.
Pantay lamang ang sagupaan nina Jack at Don Faustino maging sina Esther at Edgardo laban sa mga barkada ni Jack.
Marcus: What?!
Samantha: Sige na please. Bite me now.
Agad na nilapit ni Samantha sa kasintahan ang kanyang pulso sa braso.
Marcus: No.
Samantha: If mahal mo ako Marcus hahayaan mo akong tulungan kita at ang pamilya mo.
Biglang naputol ang pag-uusap ng dalawa ng narinig nilang tumalsik sa mga bakal si Don Faustino na medyo nanghihina na rin.
Marcus: Lolo.
Samantha: Please, wala na tayong oras!
Dahil sa nakikita na ni Marcus na medyo tagilid na ang laban ay doon lamang siya nagdesisyon na gawing kalahating bampira na rin si Samantha. Kinagat niya ito malapit sa pulso sa may braso at agad na kumalat ang lason ng pagiging bampira sa buong katawan niya. Kumulog at kumidlat nang napakalakas. Tumingala sa langit si Samantha, lumabas ang kanyang dalawang mahahabang pangil at unti-unting pumupula ang kanyang mga mata habang sumisigaw. Nang tuluyan na nga siyang naging kalahating bampira ay tinulungan na niyang muli si Marcus na makatayo. Pinunit niya ang kanyang napakahabang damit para umikli ito para hindi sagabal sa kanyang pakikpaglaban.
Marcus: Lolo, kami na ang bahala sa kanya!
Agad na tumalon si Don Faustino at sinamahan sina Edgardo at Esther habang sina Marcus naman at Samantha ay hinarap si Jack.
Sa pinagsanib na lakas, kapangyarihan at pag-iibigan ng dalawa ay nalalamangan na nila si Jack pagdating sa pakikipaglaban. Tumagal din ang sagupaan ng ilang minuto hanggang sa nanghina na nang tuluyan si Jack. Bumagsak siya sa lupa at napahiga. Nilapitan siya ng magkasintahan. Tinapakan ni Marcus ang katawan ni Jack habang walang awang hinugot ni Samantha ang kanyang ulo.
Natalo ng lima ang grupong Black Hunters. Duguan, sugatan at pagod man ay masaya naman silang lahat dahil lahat sila ay buhay pa. Niyakap ni Marcus si Samantha nang napakahigpit.
Marcus: Salamat at ligtas ka. Pero hindi ako makakapayag na dadalhin mo ang sumpa ng pagiging isang bampira.
Samantha: Anong ibig mong sabihin?
Bigla na lang may binaon si Marcus sa kanyang sariling katawan habang hawak-hawak niya ang kamay nang kasintahan.
Nagulat ang pamilya ni Marcus sa kanyang ginawa, tatakbo sana si Esther sa anak pero pinigilan siya ni Edgardo.
Hindi alam ni Samantha kung ano ang nangyayari. Nang tiningnan niya ang kanyang kamay ay may hawak na siyang punyal na nakabaon sa tiyan ng kanyang kasintahan. Bumagsak sa lupa ang katawan ng binata. Lalapitan at yayakapin sana ni Samantha si Marcus nang sa pagyuko niya ay may kung anong puwersa ang kumuwala sa kanya.
Samantha: Aaahhh...!!!
Lumiit ang kanyang mga pangil at bumalik sa dati ang kanyang mga mata. Pagkatapos nang nangyari ay tuluyan na nga niyang niyakap ang kasintahan
Samantha: Marcus bakit mo 'yon ginawa? Bakit?
Hindi mababayaran ng kahit anong yaman sa mundo ang iyak ng dalaga sa naghihingalong kasintahan.
Marcus: Da... dahil...mmmm...mah... mahal ki, ki, kita. Ayokong maga... ya ka sa akin. Gus..to kong ma...maaa..maging masaya ka at manatiling pu...purong tao.
Samantha: No Marcus don't leave. Please stay.
Lumingon si Samantha sa pamilya ni Marcus na nakatayo lamang 'di kalayuan sa kanila walang magawa kundi ang umiyak at tanggapin ang katotohanan dahil alam nila na wala na rin silang magagawa pa.
Samantha: Do something please. Please have mercy.
Sa pagharap muli ni Samantha sa kasintahan ay siya namang pagpikit ng mga mata nito. At unti-unting may bughaw na liwanag ang bumabalot sa katawan ng binata at kinalaunan ay sumabog ito na parang mga tutubi. Mula sa mga yakap ni Samantha ay umakyat ang mga ito sa himpapawid nagbibigay liwanag sa kadiliman ng lugar na iyon.
Habang ang mga mahal sa buhay ni Marcus lalong-lalo na si Samantha ay wala na lang nagawa kundi ang tingnan ang mga nagpapaalam at lumalayong mga liwanag mula sa pumanaw na si Marcus.
Pagkatapos ng walong buwan, sa dalampasigan, si Samantha na nakatitig sa malayo pinagmamasdan ang palubog na haring araw. Ang dalaga na tuluyan nang natanggap ang lahat - lahat na si Marcus ang tanging lalaking minahal niya nang totoo ay hinding-hindi na babalik pa.
Wika niya sa kanyang isipan:
Nasaan ka man naroroon, kahit na wala ka na sa tabi ko, kahit na hindi na kita kasama ngayon, ang ala-ala mo'y mananatiling buhay sa puso't pagkatao ko. Saksi ko ngayon ang mga alon sa dalampasigan, ang mga ibon na nagsisiliparan at ang hanging malamig na sumasayaw sa paligid sa wagas kong pag-ibig na ala'y ko lamang sa iyo, magpakailaman.
Samantala, hindi kalayuan sa kanyang kinatatayuan ay pinagmamasdan lamang siya at binabantayan ng pamilya ni Marcus na pamilya na rin niya.
Ang isinasaad sa propesiya ay unti-unti nang natutupad. Ang lahi ng mga bampira ay malapit nang magtapos. Ang tuluyang pagkawala ng sumpa ay maisakakatuparan na.
Bulong ni Don Faustino sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang bagong miyembro ng kanilang pamilya na si Samantha at ang parating na isa pa na nasa loob ng sinapupunan ng dalaga.
"WAKAS"
BINABASA MO ANG
V ( A Vampire's Kiss )
VampireNaging batas na ng lahi ng mga bampira ang umibig sa isang mortal at magsilang sa isang kalahating-tao at kalahating imortal. Itago ang tunay nilang katauhan hanggang sa tumungtong sa tamang edad para na rin sa kaligtasan ng buong angkan. Isa na ri...