Agad na sumakay sa isang malaking van ang mga lalaking dumukot kay Samantha kasama ang dalaga. Piniringan nila ito at tinali ang mga kamay sa likod.
Samantha: Parang awa niyo na po pakawalan niyo po ako. Hindi po ako mayaman. Wala po kayong makukuha sa akin.
Pero tawanan lamang ang tanging natatanggap ng dalaga.
Samantala, sumakay naman si Marcus sa kanyang sasakyan at mabilis itong pinatakbo. Napakabilis ng kanyang takbo na nagawa niyang habulin ang van ng mga dumukot.
Ilang minuto ding nagtagal ang kanilang habulan hanggang sa nakarating sila sa isang junk shop ng mga bakal.
Giniba ng van ang gate ng naturang lugar at agad pumasok rito ganun rin si Marcus.
Lalaki 1: Sinusundan niya pa rin tayo.
Habang sinusundan ni Marcus ang sasakyan ng mga lalaki ay biglang tumalon si Jack sa gitna nang daan at hinarang ang sasakyan ng binata. Nang malapit na ito sa kanya ay sinuntok niya ito nang napakalakas at lumipad ito at lumagpas sa kinatatayuan niya. Nang makita ito ng iba tsaka palang sila huminto. Lumabas sila ng sasakyan kasama si Samantha.
Samantha: Bitiwan niyo ko!
Jack: Sige, kalagan niyo na yan, pati na rin ang piring.
Agad namang sinunod ng mga tauhan niya ang kanyang utos.
Samantha: Jack?!
Jack: You look great tonight Samantha. Kaya naman nag prepare din ako.
Pinagmalaki naman ni Jack ang suot niyang American Suit na halata rin namang mamahalin pero hindi ito pinansin ni Samantha, sa halip ay mas nakita niya pa ang sasakyan ng kasintahang nakabaliktad na bumagsak sa lupa.
Samantha: Oh my goodness. Marcus!
Kumaripas naman sa pagtakbo ang dalaga papunta sa sasakyan ni Marcus. Hinayaan naman ni Jack si Samantha sa kanyang ginagawa.
Pagdating ni Samantha sa sasakyan ay agad niya itong tiningnan sa loob pero laking gulat niya nang wala siyang makita.
Samantha: Nasaan si Marcus?!
Bahagyang nagulat si Jack sa sinabi ng dalaga.
Nang biglang tumalon si Marcus sa harap ni Samantha na nakaharap sa Black Hunters.
Samantha: Marcus?
Agad na nilapitan ni Samantha si Marcus at hinarap.
Samantha: Anong nangyari sa'yo?
Marcus: Samantha patawarin mo ako. May plano talaga akong sabihin 'to sa'yo pero hindi ko lang alam kung paano, kailan at saan. Samantha hindi ako purong tao... kalahati akong... bampira.
Rinig na rinig ito ni Jack maging ng mga kasamahan niya. Agad niyang nilingon ang mga ito at sinenyasan na palibutan ang dalawa na siyang agad naman nilang sinunod.
Samantha: Huh?
Nais liwanagin ni Samantha ang lahat kay Marcus pero napalitan ang pagtataka niya nang takot nang mapansin niya ang mga tauhan ni Jack na pinapalibutan sila. Pinaatras niya muna si Samantha at tsaka siya inatake ng mga ito.
Samantha: Marcus!
Napakabilis ng mga galaw nila. Hindi ito kita ng mga hubad na mga mata ni Samantha dahil siya'y isang purong mortal.
Pero dahil sa pag-ibig ni Marcus sa kasintahan ay nagawa niyang makipagsabayan sa bilis at lakas ng kanyang mga kalaban kahit na mag-isa lamang siya. Habang abala si Marcus ay kinuha ito ni Jack na pagkakataon para kunin si Samantha at itakas ang dalaga. Para siyang hangin na lumapit sa likuran at tuluyang dinukot ang dalaga.
Marcus: Samantha!
Sa sobrang galit ni Marcus ay bumuhos ang buo niyang lakas na parang mas naging tumindi ang kanyang pagkahalimaw. Sumigaw siya nang napalakas at isinuntok ang kanyang kamao sa lupa. Lumikha ito ng napakalakas na puwersa na dumaan mula sa kanyang kamay papunta sa lupa at sumabog sa mga katawan ng kanyang mga kalaban. Tumalsik sila sa tindi ng lakas nito. Nagkaroon ng pagkakataon ang binata na makatakas at sundan si Jack
BINABASA MO ANG
V ( A Vampire's Kiss )
VampireNaging batas na ng lahi ng mga bampira ang umibig sa isang mortal at magsilang sa isang kalahating-tao at kalahating imortal. Itago ang tunay nilang katauhan hanggang sa tumungtong sa tamang edad para na rin sa kaligtasan ng buong angkan. Isa na ri...