Chapter 5

7.2K 134 2
                                    

Samantala, sa loob naman ng kwarto ni Marcus ay hindi na mapakali ang binata habang nililigpit niya ang kanyang mga gamit sa paaralan. Hindi na siya makapaghintay na sumikat ang araw at tuluyang pumasok sa isang totoong paaralan na matagal na niyang inaasam. Habang nagliligpit ang binata ay bigla namang sumulpot si Esther mula sa isang madilim na bahagi ng kwarto.

Esther: Marcus anak.

Hindi na nagulat si Marcus, nasanay na kasi siya.

Marcus: Ma, 'di po ba sinabihan ko na kayo na huwag niyo nang gagawin yan. Yang bigla na lang kayong sumusulpot mula sa kung saan.

Esther: Marcus anak, umupo ka nga muna.

Nag-usap nang seryoso ang mag-ina habang nakaupo sila sa isang sofa sa loob ng kwarto ng binata.

Esther: Kailangan mo ba talagang gawin 'to?

Marcus: Ma, hindi ko po alam kung bakit niyo po ako nilalayo sa iba. Kung ano man po ang rason niyo, huwag po kayong mag-alala, malaki na po ako. Kaya ko na po ang sarili ko.

Esther: Oo, malaki ka na nga dahil nakakapagdesisyon ka na sa sarili mo. Nakakapag-isip ka na kung ano ang gusto mo. Pero nais ko lang sanang malaman mo at itanim mo sa puso't isipan mo na mahal na mahal ka namin ng papa at lolo mo. Kaya sa paglabas mo ng bahay na ito, ano man ang maging unang impresyon ng tao sa iyo o kung ano man ang ihusga nila sa iyo, lagi mong tandaan na naiiba ka at espesyal ka.

Marcus: Salamat po.

Binigyan ni Esther ng isang matamis na halik ang anak sa noo at saka hinayaang magpatuloy sa pagliligpit.

Marcus: Ay syanga po pala....

At bigla na lamang naglaho si Esther.

Marcus: Si mama talaga o.

Kinaumagahan....

Maagang nagising ang excited na binata. Agad siyang nagligpit at naligo. Napakagaan at napakasaya ng kanyang pakiramdam. Sinuot niya ang kanyang paboritong black slax, isang puting polo tapos ininsert niya sa loob ng kanyang pants, sinara niya lahat ng botones hanggang sa leeg at panghuli ang isang pulang bow tie. Hinding hindi niya pwedeng makalimutan ang kanyang napakakapal na salamin dahil nga naman hindi siya mabubuhay kung wala ito. Kinuha niya ang kanyang bag at tuluyang bumaba sa unang palapag. Binabati niya ang bawat taong nakakasalubong niya.

Marcus: Good morning... good morning. Good morning to you... what a beautiful day, isn't it?

Taglay ni Marcus ang katangian ng pagiging isang bampirang galing sa mamahaling angkan. Maputi, matipuno, matikas, at magandang lalaki. Yun nga lang ay natatabunan ang mga ito ng pagiging nerdy niya. Tanging siya lamang ang nakaputi habang kumakain ang buong pamilya niya sa hapagkainan. Kahit na anong pilit ng tatlo na hindi pansinin ang tuwang nararamdaman ng binata ay hindi nila ito maiwasang huwag punain. Ramdam kasi sa buong silid ang saya na bumabalot sa buong pagkatao ni Marcus ngayong ang matagal na niyang inaasam na mag-aral sa isang totoong paaralan ay matutupad na rin sa wakas. Maging ang mga katulong na nakatayo at nag-aabang malapit sa mesa habang kumakain ang mga amo nila ay ramdam ang saya ni Marcus.

Pagkatapos niyang kumain ay agad siyang nagpaalam at saka umalis. Pagkabukas na pagkabukas ng napakalaking pintuan sa main entrance ng mansyon ay sumalubong sa kanya ang sikat ng haring araw. Tunay ngang napakaganda ng araw, tila sumasabay sa tuwang nararamdaman ng binata. Napakapayapa ng panahon. Dumating na ang black limousine na sasakyan ni Marcus papuntang paaralan. Nang nakasakay na siya ay tuluyan na itong umalis palabas ng mansyon. Isang mahabang daan pa ang kailangang tahakin bago makarating sa main gate ng kanilang bahay. Ganyan kayaman ang Pamilyang V. Habang palabas ang sasakyan ay hindi maiwasang buksan ni Marcus ang bintana at pagmasdan ang bawat puno at halaman na kanilang nadadaanan. Sa pinakaunang pagkakataon ay lalabas siya ng kanilang bakuran nang mag-isa. Senyales na siya'y tuluyang malaya na.

V ( A Vampire's Kiss )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon