Pagkatapos ng araw na iyon na nag-aminan ang dalawa sa nararamdaman nila para sa isa't isa ay naging opisyal na ang kanilang relasyon bilang magkasintahan. Hindi nila ito itinago sa publiko. Naging bukas sila sa lahat at agad itong nalaman ng buong campus lalo na ang grupo nina Jack na siyang nagpalaki pa lalo sa pagkamuhi niya kay Marcus. Mapapansin na mahal na mahal ng dalawa ang isa' t isa. Nakaw-tingin ang bawat sandali na magkasama sila. Kitang-kita na masayang-masaya sila sa tuwing magkasama. Sa tuwing umuuwi ang binata ay napakalaki ng ngiti nito sa labi habang si Samantha naman ay hindi na matanggal-tanggal ang ngiti sa mukha hanggang sa makauwi sa kanila.
Isang araw ay muling ibinigay ni Marcus ang bisikleta kay Samantha na buong puso namang tinanggap ng dalaga. Sa sobrang saya ay napayakap pa ang dalaga sa kasintahan at binigyan ito ng isang matamis na halik. Ilang araw na rin ang lumipas nang naging silang dalawa pero hindi pa rin humuhupa ang pagiging sweet ng dalawa sa isa't isa. Parati na silang nakangiti at masayahin sa tuwing umuuwi, si Marcus sakay ng kotse niya habang si Samantha naman ay ng bisikleta niya.
Napansin rin ito nina Don Faustino, Esther at Edgardo. Alam nila kung bakit at hindi na rin sila nakialam. Masaya na rin sila para kay Marcus.
Hanggang isang gabi sa hapagkainan..
Don Faustino: Siyanga pala Marcus apo meron pala kaming sasabihin sa'yo.
Marcus: Ano po 'yun lolo?
Don Faustino: Meron tayong pupuntahan na isang importanteng pagtitipon.
Marcus: Importanteng pagtitipon?
Edgardo: Oo anak, oras na para makilala mo ang ating mga kauri. Ang konseho at lalong-lalo na ang pinuno ng ating lahi.
Esther: Ginaganap ito anak kapag pula ang buwan na sumasapit lamang kada ika-sampung taon.
Marcus: Kailangan ba talaga akong sumama?
Don Faustino: Oo apo. Huwag kang mag-alala kasi pagkatapos ka naming mapakilala sa iba eh uuwi tayo kaagad. Kailangan lang nating magbigay respeto sa naging tradisyon na ng ating lahi.
Marcus: Sige po. Naiintindihan ko.
Ang araw ng Sabado ay sumapit na. Ang araw na kailangang ipakilala ang mga bagong bampira ay dumating na. Sinuot ng mga V ang mga pinakamagara at pinakamahal nilang kasuotan. Purong itim ang tela ng kanilang mga damit. Napakaganda nilang tingnan, ginamit nila ang black limousine na ginamit nuon ni Marcus papasok sa paaralan.
Sa loob ng kotse....
Esther: Everything will be okay anak. Ganyan na ganyan din ako noong una. Kinakabahan, pero I was wrong. Everything went fine actually marami nga akong naging mga amiga pagkatapos.
Nang biglang nag ring ang cellphone ni Marcus. Si Samantha tumatawag.
Marcus: Hi, good evening.
Samantha: Hi, good evening. Miss you na.
Marcus: Ha? Ang bilis naman kaka-weekend pa nga lang.
Samantha: Bakit hindi mo ba ako namimiss?
Marcus: What kind of question is that? Of course I do, so much.
Nagtinginan bigla ang tatlo.
Samantha: Saan ka ngayon?
Marcus: Kasama ko sina lolo, papa at mama may pupuntahan lang kaming importante.
Samantha: Ah okay sige, tawag na lang ako ulit mamaya.
Marcus: No, just wait for my call. Ako na ang tatawag sa'yo.
Samantha: Ingat kayo.
Marcus: Thanks. See you tomorrow.
Samantha: Bye.
Marcus: Bye.
Nang binaba na ni Marcus ang telepono ay napansin niya kaagad na nakatingin sa kanya ang kanyang pamilya.
Marcus: What?
Nagtawanan sila bigla habang papunta sila sa palasyo ng reyna ng mga bampira.
Matagal-tagal rin ang byahe ng buong pamilya hanggang sa nakarating sila sa isang gubat. May kinuha si Don Faustino na isang kahon at binuksan ito. Pagkabukas niya ay bumungaw ang isang medalyon na nakahiga sa isang pulang tela na makinis. Kulay lila ang napakalaking bato nito na parang dyamante. Hinawakan niya ito at inangat saka nagwika.
Don Faustino: Deschide poarta!
Biglang may kung anong bumukas hindi kalayuan sa kanilang sasakyan na parang isang pintuan at dito tuluyan silang pumasok. Manghang-mangha si Marcus nang makita niya mismo ang pagtagos ng kanilang sasakyan sa ibang mundo. Lumabas sila sa isang mahabang daan sa gitna ng kapatagan. Ang daan ay papunta sa isang palasyo sa dulo ng isang burol na ang ilalim ay malalakas na alon na nagmumula sa dalampasigan. Pagdating na pagdating nila sa kanilang destinasyon ay napakaraming sasakyan na ang nakaparada sa labas. Sinalubong sila ng isang tauhan sa palasyo at itinuro ang lugar kung saan nila pwede iparada ang kanilang sasakyan. Pagbaba na pagbaba ng pamilya ay nalula ang binata sa sobrang laki nito.
Marcus: Wwwwooooowwwww...
Ang tanging lumabas sa bibig niya.
BINABASA MO ANG
V ( A Vampire's Kiss )
VampireNaging batas na ng lahi ng mga bampira ang umibig sa isang mortal at magsilang sa isang kalahating-tao at kalahating imortal. Itago ang tunay nilang katauhan hanggang sa tumungtong sa tamang edad para na rin sa kaligtasan ng buong angkan. Isa na ri...