Pagdating ni Marcus sa Black Mansion ay agad siyang sinalubong ng kanyang lolo.
Don Faustino: Nandito na pala ang apo ko. Sige umakyat ka na at magpahinga, because tonight will be your night.
Kahit papaano ay napangiti din naman ni Don Faustino ang apo sa sinabi niyang 'yon.
Marcus: Sige po lolo. See you tonight.
Pag-akyat na pag-akyat ni Marcus ay saka naman dumating ang mga magulang niya.
Edgardo: Is everything fine papa'?
Don Faustino: Hopefully.
Wika ng matanda sabay alis.
Sa loob ng kwarto ng binata ay nakabalot ang kalungkutan hatid ng bigong puso ni Marcus. Pilit mang limutin ng kanyang isipan ang nangyari pero hindi ito magawa-gawa ng kanyang puso.
Samantala, sa ibaba naman ay napuno ng mga pagkain ang buong hapagkainan ng Pamilya V. Wala man silang bisita ay masasabi mo pa ring magarbo ang paghahandang ginawa ng pamilya ni Marcus. Lahat ng mga hinanda ay puro mamahalin at tiyak tanging mayayaman lamang ang nakakapaghanda ng mga naturang pagkain. Lahat sila ay nakasuot ng itim na damit, mga mamahalin at dekalidad na mga kasuotan.
Hindi naman mapakali ang tatlo lalong-lalo na si Esther. Kita sa mga mukha nila ang takot at pangamba sa magiging reaksyon ng binata ngayong kailangan na nilang sabihin ang lahat. Kinakabahan sila na baka hindi matanggap ni Marcus ang tunay nilang lahi. Hindi sila makahinga na parang walang hanging pumapasok sa mga butas ng kanilang mga ilong. Hindi sila nag-uusap o nagkikibuan. Walang pansinan, walang tinginan, walang imikan. Lahat kabado, lahat nalilito kung paano nila sasabihin. Kung ano ang dapat nilang sabihin, ano ang una nilang dapat sabihin. Dadahan-dahanin ba nila, bibilisan, ibubulong? Kahit na ano na lang ang pumapasok sa kanilang isipan. Iiyak ba si Marcus sa sobrang lungkot, sa sobrang takot, sa sobrang saya? Sisigaw ba si Marcus sa sobrang galit, sa sobrang panghihinayang, sa sobrang pagsisisi? Tatakbo ba si Marcus pabalik sa kwarto niya o palabas ng Bahay? Itatakwil ba sila ni Marcus o lalayas ba siya sa mansion?
Kahit sila ay hindi alam ang sasabihin o gagawin sa oras na malaman na ni Marcus ang katotohanan. Hanggang sa bumaba na nga si Marcus suot ang mamahaling black suit na pinatahi pa ni Esther sa isa sa mga mamahaling designer sa bansa.
Marcus: Hi, good evening. Are you all okay?
Nabigla si Marcus nang sinalubong lamang siya ng kanyang pamilya ng titig.
Esther: Ah, oo anak. Masyado lang kaming nabighani sa suot mo. Napakagwapo mo naman kasi anak. Manang mana ka talaga sa papa at lolo mo.
Marcus: Ma, I always wear this kind of suit remember? Hindi na po kayo dapat nabibigla.
Edgardo: Iba naman 'to ngayon anak. This is a very special night.
Marcus: Of course it's my birthday.
Edgardo: This would be different compare to your past celebrations.
Marcus: What do you mean papa?
Esther: Ah....
Magsasalita na sana si Esther nang biglang naunahan siya ni Don Faustino na hinding-hindi nagpapahalata na kinakabahan rin.
Don Faustino: Why don't we have dinner first and let's talk while eating. Shall we?
Esther: Tama. Let's start?
Umupo na ang apat pagkatapos ng maikling pag-uusap.
Nang nagsimula na ang magarbong salo-salo ng Pamilya V ay biglang panandaliang naghari ang katahimikan hanggang sa nagsalita na nga si Marcus.
Marcus: Are you okay guys? It seems that you're so quiet.
Wala pa ring nagsalita ni isa.
Marcus: Is there something wrong?
Tiningnan ni Marcus si Esther pero wala siyang natanggap na kahit na ano kundi isang ina na nakatitig sa anak lamang habang nabubuo ang mga luha sa mga mata.
Biglang bumalot ang kaba sa dibdib ni Marcus dahil hindi niya alam ang mga nangyayari pero sigurado siyang meron siyang hindi alam na dapat niyang malaman.
Marcus: Lolo?
Pero wala pa rin siyang natanggap na sagot, sa halip, ay yumuko si Don Faustino at hindi kayang tingnan ang apo.
Marcus: Papa?
Napalunok lamang din si Edgardo ng laway habang nakatitig sa anak.
Marcus: Wala ba talagang magsasalita?
Napatayo si Marcus sa harap ng hapagkainan sa sobrang inis dahil wala siyang makuha-kuhang sagot.
Don Faustino: Apo, why don't you take your seat.
Nabuo na nga ang tensyon sa loob ng silid.
Marcus: No lolo I need to know what's going on. This my birthday and this should be a wonderful night for all of us. But it seems that you have something to tell me. What is it?
Edgardo: Anak....
Esther: No. Anak umakyat ka na muna sa itaas. Kasi...
Edgardo: Esther?
Esther: What?
Edgardo: What do you think you're doing? We've talked about this already.
Esther: Edgardo mahal ko.
Don Faustino: Enough!
Biglang tumahimik muli.
Don Faustino: Apo, maupo ka at sasabihin na namin ang lahat.
Magsasalita sana si Esther para pigilan si Don Faustino nang biglang hinawakan ni Edgardo ang kanyang kamay nang napakahigpit sabay tingin. Tingin na may dalang mensahe na magiging okay ang lahat.
BINABASA MO ANG
V ( A Vampire's Kiss )
VampireNaging batas na ng lahi ng mga bampira ang umibig sa isang mortal at magsilang sa isang kalahating-tao at kalahating imortal. Itago ang tunay nilang katauhan hanggang sa tumungtong sa tamang edad para na rin sa kaligtasan ng buong angkan. Isa na ri...