Chapter 32

4.1K 65 0
                                    

Naging makulay at maliwanag ang buong campus dahil sa mga palamuti at ilaw na nakalagay. Napakaraming sasakyan ang nakaparada sa parking lot na umabot na hanggang sa labas ng school. Unang nakarating sa venue ang binatang si Marcus na medyo kinakabahan. Tiningnan ng binata ang kanyang relo, limang minuto na lang at magsisimula na ang programa.

Tinawagan niya ang kasintahan niya pero sa kasamaang palad ay out of coverage ito.

Marcus: Samantha nasaan ka na ba?

Samantala sa loob ng kotseng sinasakyan ng dalaga ay kinuha niya ang kanyang cellphone na nawalan na ng baterya.

Samantha: Ai ano ba yan, bakit ngayon pa?

Nagpapalala pa lalo ang mabagal na usad ng trapiko sa kalsada sa pagiging late ni Samantha para sa event.

Habang naghihintay si Marcus ay biglang may lumapit sa kanya.

Babae 1: Ahm sir pasok na po tayo sa loob.

Marcus: Ah pasensya na miss pero hindi pa kasi dumarating ang girlfriend ko.

Babae 1: Okay lang po yan sir, papapasukin pa rin po naman siya ng mga guwardiya. Kailangan lang po talaga nating pumasok para makapagsimula na tayo.

Marcus: Ah ganun ba? O... sige.

Wala nang nagawa ang binata kundi ang sumunod sa isa sa mga organizers ng ball.

Tuluyan nang sinara ang pintuan ng malawak at malaking activity area ng school at saka nagsimula ang event.

Eksakto namang dumating ang sasakyan na gamit ni Samantha. Pagkapasok na pagkapasok ng sasakyan sa loob ng paaralan ay agad itong bumukas at tumakbo ang dalaga papunta sa venue suot ang kanyang napakagandang ball gown. Pagdating na pagdating niya sa harap ng main entrance ng activity area ay inayos niya muna ang kanyang sarili at saka tuluyang pumasok sa loob. Ang mga naka-assign na ushers na mismo ang nagbukas ng pintuan para sa kanya na sumabay naman sa opisyal na pagbubukas ng Grand Ball.

Host: Once again I welcome you all for tonight's....

Biglang napatigil ang host sa kanyang pagsasalita nang makita niyang papasok si Samantha sa pintuan na kaharap lang mismo ng stage. Dahil sa natigilan ang host at napatulala ito habang nakatitig sa pinto ay hindi rin napigilan ng mga tao na tingnan ang nagpatigil sa kanya at lahat sila ay nasurpresa sa kanilang nasaksihan.

Bumungad sa kanilang mga mata ang napakagandang si Samantha. Lahat sila ay hindi makapaniwala. Umangat sa lahat ng kababaihan ang presensya ng dalaga. Nagningning lalo ang gabi at lumiwanag lalo ang mga ilaw. Lalapitan na sana ni Marcus ang kasintahan nang biglang... namatay ang lahat ng ilaw.

Nagsitalunan mula sa kung saan ang grupo ni Jack at agad na inatake ang dalaga at dinukot. Nagkagulo bigla sa loob. Dahil sa angking kakayahan ng mga kalahating bampira ay kaya nilang makakita sa kalagitnaan ng dilim kaya naman ay hindi rin sila nakatakas sa matatalas na mga mata ni Marcus. Sinira nila ang pintuan at tuluyang tumakas kasama si Samantha na agad namang sinundan ng binata.

V ( A Vampire's Kiss )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon