Chapter 9

5.4K 103 1
                                    

Halos gabi na rin nang natapos ang auction. Nagsi-uwian na ang lahat sa kanilang mga tahanan, kasama na rito ang dalagang si Samantha. Hindi kalayuan mula sa kanya ay may isang imahe ang papalapit at bigla siya nitong tinawag.

Hey!

Nang lumingon siya, nakita niya sa Marcus na nakasakay sa bisikletang binili niya sa auction. Nang naabutan na siya nang binata ay bigla itong huminto.

Marcus: Hey! Pauwi ka na?

Samantha: Oo bakit?

Marcus: Maglalakad ka lang ba?

Samantha: Oo, hindi naman kasi kami mayaman tulad niyo.

Nagsimula muling maglakad si Samantha habang ang binata naman ay ayaw siyang tantanan.

Marcus: Well, hindi na ngayon.

Samantha: What do you mean?

Biglang hinarangan ni Marcus ang dinadaanan ng dalaga na medyo ikinagulat naman ng kausap niya

Marcus: Because this is for you.

Agad na tiningnan ni Samantha ang bisikleta at naiwang speechless. Kinuha ni Marcus ang kanyang isang kamay at nilagay niya sa hawakan ng naturang sasakyan. Dahil rito ay nabaling ni Samantha ang tingin niya kay Marcus. Sa pinakaunang pagkakataon ay may isang lalaki ang nagbigay sa kanya ng regalo.

Biglang dumating ang limousine na sundo ni Marcus, sumakay ang binata rito at iniwan ang dalaga sa daan na nanatiling speechless.

Binuksan ni Marcus ang bintana at....

Marcus: Marcus nga pala. See you tomorrow.

Huling hirit niya bago tuluyang umalis at iwan ang dalaga na tulala at hindi pa rin makapaniwala.

Pinagmasdang muli ni Samantha ang regalong natanggap sa bagong kakilala. Hinimas niya ito at tinitigan nang ilang segundo. Nang nakontento na siya, siya'y muling naglakad.

Oo naglakad lamang siya habang hila-hila niya ang bisikleta, hindi niya ito sinakyan dahil sa tulala pa rin siya sa nangyayari at wala sa kanyang tamang pag-iisip. Baka kasi kung sasakyan niya ay matumba lamang siya at maaksidente.

Kaya pinili na lang niyang maglakad hanggang sa nakarating siya sa kanilang bahay.

Pagdating niya sa kanilang tahanan ay hindi muna siya pumasok. Sa halip, ay nanatili muna siya sa labas at umupo sa gilid ng kalsada katabi ng nakaparada niyang bagong bisikleta. Tinitigan niya itong muli at nagbuntong hininga. Tumingala siya sa langit na punong puno ng mga bituin ng gabing 'yun habang sa Black Mansion naman ng Pamilyang V ay nasa balkunahe ng kanyang kwarto si Marcus pinagmamasdan rin ang mga dyamante na kumikislap-kislap sa kalangitan.

V ( A Vampire's Kiss )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon