Sa kwarto ni Marcus...
Nasa balkunahe na naman ang binate, walang tigil sa kakangiti dahil sa tuwing naaalala niya si Samantha at ang paglapit nito sa kanya nang kusa ay nag-uumapaw na kilig ang nararamdaman niya. Hindi mapigilan ni Marcus na itago ang kanyang kasiyahan. Palakad-lakad siya sa buong kwarto, hindi alam ang gagawin. Kung pwede lang hilahin niya ang araw na sumikat nang muli ay gagawin niya. Hindi na siya makapaghintay pa na mag umaga ulit. Hihiga siya sa kanyang kama, kinalaunan ay tatayo na naman siya. Pinapahid niya ng kanyang mga palad sa kanyang mukha, pilit niyang kinakalimutan si Samantha kahit isang saglit lang. Pero kahit anong sigaw ng kanyang isipan na kalimutan ang dalaga ay ganoon na lang ang bulong ng kanyang puso sa pangalan ni Samantha.
Marcus: All right. Okay. Hey Marcus, you need to forget her even just for a second. All right? Okay. Ahm... aaaahhhhhhhhhhh. Naku naman, I need to go to sleep now!
Hihiga na sanang muli ang binata nang may kung anong biglang dumaan sa kanyang bintana. Napakabilis, rinig na rinig niya ang hangin nang dumaan ito. Bigla siyang napatingin sa naturang bahagi ng kwarto niya at napatigil. Walang takot niya itong nilapitan at tuluyang sinara. Pati ang kurtina na nasa gilid ay ginalaw niya para takpan ang bintana sa kanyang balkunahe na gawa sa salamin.
Sa pangalawang pagkakataon, kakahiga niya lang nang biglang may dumaan na naman nang napakabilis. Pero sa pagkakataong ito ay nasa loob na ng kanyang kwarto.
Marcus: Sinong nandyan?
Dahan-dahang tumayo ang binata mula sa kanyang kama nang bigla na naman itong dumaan sa kanyang likuran.
Marcus: Magpakita ka! Hindi ako natatakot sa'yo!
Nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan.
Marcus.
Paglingon niya sa parte ng kwarto kung saan nanggagaling ang boses ay laking gulat niya ng makita niya si Jack na nakatayo malapit sa pintuan.
Jack: Marcus, Marcus, Marcus.
Marcus: Paano ka nakapasok rito?
Jack: Sa pamamagitan ng bintana mo. Ay, nakalimutan ko, wala ka palang alam tungkol sa lahi natin.
Marcus: Lahi natin? Anong ibig mong sabihin?
Jack: Tulad nga ng sabi ng ina mo, espesyal ka Marcus.
Marcus: Pwede ba diretsuhin mo na ako Jack, huwag mo nang isali si mama sa usapang ito.
Jack: Okay. Hindi ka purong tao.
Marcus: What?
Jack: Tao ka pala. Purong tao ka pa, sa ngayon.
Marcus: Anong ibig mong sabihin?
Biglang lumapit si Jack kay Marcus na hindi namamalayan ng binata sa sobrang bilis niyang gumalaw.
Jack: Isa kang kalahating bampira Marcus. Isa ka sa mga anak ng dilim.
Sagot ni Jack sa tanong ni Marcus. Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay unti-unting nagbago ang kanyang anyo. Biglang pumula ang kanyang mga mata at tumubo rin ang kanyang mga pangil. Binuksan niya ang kanyang bibig at kinagat si Marcus sa leeg.
Marcus: Aaahhhh!
Sigaw ni Marcus mula sa mahimbing niyang pagkakatulog.
Agad na hinimas ni Marcus ang kanyang leeg, nang wala siyang makapa ay lumapit siya sa salamin sa loob ng kanyang kwarto. Binuksan niya ang maliit na ilaw malapit rito at tiningnan niya ang kanyang leeg. Wala siyang nakitang kagat o konting galos man lang.
Napabuntong-hininga na lamang ang binata sa sobrang kaba na kanyang nararamdaman. Para kasing totoo ang kanyang panaginip.
BINABASA MO ANG
V ( A Vampire's Kiss )
VampireNaging batas na ng lahi ng mga bampira ang umibig sa isang mortal at magsilang sa isang kalahating-tao at kalahating imortal. Itago ang tunay nilang katauhan hanggang sa tumungtong sa tamang edad para na rin sa kaligtasan ng buong angkan. Isa na ri...