Ang oras para sabihin kay Marcus ang lahat-lahat ay dumating na.
Don Faustino: Apo, tayo ay naiiba sa lahat. Tayo ay may mga katangian at abilidad na hindi kaya ng isang normal na tao. May mga ginagawa tayo na hindi pa nagagawa ng isang mortal, ng isang purong tao.
Marcus: Anong ibig niyong sabihin? Hindi ko naiintindihan.
Don Faustino: Hindi ka purong tao.
Nang sinabi 'yon ng matandang bampira ay agad na bumuhos ang emosyon ni Esther. Bigla naman siyang tiningnan ng anak bago nito ibinalik ang mga mata sa kanyang lolo.
Marcus: Hindi ako purong tao?
Don Faustino: Hindi tayo purong tao.
Marcus: Hindi ko naiintindihan. Anong ibig niyong sabihin?
Edgardo: Anak, kumalma ka lang. Alam kung nalilito ka pero hayaan mong ipaliwanag namin lahat sa iyo... lahi tayo ng mga kalahating bampira.
Marcus: What? No, this is not true.
Biglang nilisan ni Marcus ang hapagkainan pero laking gulat niya nang nasa harap na niya ang kanyang ama.
Edgardo: Hindi ka ba nagtataka kung bakit masyado kaming mabilis kumpara sa'yo? Kumpara sa ibang taong kilala mo?
Pero hindi nakinig si Marcus sa paliwanag ng kanyang ama, sa halip ay tumalikod siya at nagpatuloy sa paglalakad. Sa sobrang galit ay biglang nilabas ni Edgardo ang kanyang mga pangil at handa na sanang ipasa ang ilan sa kanyang mga kapangyarihan sa anak. Nang biglang tumakbo nang mabilis si Esther at pinigilan siya.
Esther: Huwag. Hayaan mo muna siya. Ako na ang bahala sa kanya mahal ko.
Walang pumigil kay Marcus nang umalis ito at bumalik sa kanyang silid. Naiwan naman si Don Faustino na nakaupo pa rin sa dulo ng mesa habang si Esther ay nakayakap kay Edgardo. Hindi man lang nila natapos ang salo-salong inaasahan nilang magiging masaya sana.
Sa loob ng kwarto ni Marcus ay tiningnan ng binata ang kanyang sarili sa salamin. Hindi naman maalis sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang pamilya sa kanya na ang lahi nila ay kalahating tao, kalahating bampira. Hanggang sa binuhos niya ang galit na nararamdaman niya sa salamin. Sinuntok niya ito nang napakalakas at nabasag ito nang pinung-pino. Pumunta siya sa kanyang higaan at pinaghahagis ang mga unan at telang nakabalot sa buong kama. Kinalat niya ang kanyang mga gamit at pinagbabasag ang ibang mga kagamitan sa loob tulad ng frames at vases.
Hindi masukat ang lungkot at panghihinayang na nararamdaman ng binata sa kanyang puso. Naghalo na ang kabiguan at pagkadismaya sa kanyang dibdid. Binuhos niya lahat ng emosyon hanggang sa humiga siya sa kanyang kama at nakaidlip sa sobrang pagod.
Pagkagising niya sa kalagitnaan ng gabi ay nakaramdam siya ng konting kirot sa kanyang ulo. Tumayo siya ng dahan-dahan nang napansin niya na nawala na ang sugat sa kanyang mga kamay na dulot ng kanyang pagsuntok sa salamin. Wala na rin ang dugo sa kanyang balat pero ang mga patak nito ay kitang-kita pa sa kanyang higaan. Tiningnan niya nang maigi ang kanyang braso at wala kahit na konting galos ito hanggang sa napansin niya ang dalawang marka na maliliit na parang mga butas sa kanyang braso malapit sa kanyang pulso.
Bigla niyang naalala ang lahat ng nangyari. Tumayo siya nang tuluyan at agad na pumunta sa may salamin pero dahil nga basag na ito ay kumuha siya ng kaperaso bahagi at nakita niya ang kanyang sarili na pula ang mga mata at may dalawang mahahabang pangil.
Marcus: Hindi. Hindi. Hindi...!!!!!
Esther: Marcus anak.
Biglang dumating si Esther sa loob ng kwarto ng anak.
Esther: Patawarin mo kami. Kailangan naming gawin 'to kasi ayaw ka naming mapahamak.
Marcus: Mapahamak? Saan?
Esther: Sa kamay ng kapwa natin kalahating bampira.
Marcus: Bakit?
Esther: Nakasaad kasi sa batas na lahat ng mga anak ng mga kalahating bampira ay kailangan nang maging isa sa atin sa oras na tumuntong ito sa saktong gulang. Kaya namin sinabi lahat sa'yo kanina dahil kaarawan mo.
Marcus: No. Ayoko ko nito. Kunin niyo 'to sa akin. Kunin niyo 'to ma, please.
Esther: Naiintindihan kita. Huwag kang mag-alala may solusyon ako para sa iyo, dahil ayokong magdusa ka sitwasyong ganito.
Dahan-dahang lumapit si Esther sa anak.
Esther: Pagkatapos maipasa sa isang nilalang ang lason ng pagiging bampira ay pwede niyang iligtas ang kanyang sarili kung ayaw niya talagang maging miyembro ng naturang lahi.
Biglang may lumabas na bagay mula sa kamay ni Esther, isang punyal.
Esther: Ang Punyal ng Kalayaan. Matatanggal lamang ang sumpa kung mapapansalang ng isinumpa ang nagbigay nito sa kanya. Pagkatapos ay hindi na siya gagambalain pa ng iba pang kalahating bampira dahil nakasaad din 'yun sa kautusan.
Iniabot ni Esther kay Marcus ang punyal at itinutok sa sarili ang matalas na bahagi ng naturang bagay.
Marcus: Ikaw?
Biglang bumuhos ang emosyon ni Esther para sa anak.
Inalis ni Marcus ang punyal at niyakap niya ang kanyang ina.
Esther: I'm sorry anak. I'm sorry.
Pagkatapos nang nangyaring 'yun. Pagkatapos niyang malaman ang lahat-lahat tungkol sa kanyang sarili at pagkatapos niyang tanggapin ang tunay niyang pagkatao dahil sa naghari ang pagmamahal niya sa kanyang ina kaysa sa galit at hindi niya ito kayang bawian ng buhay. Nagmuni-muni siya sa kanyang balkunahe habang pinagmamasdan ang punyal na iniwan ng kanyang pinakamamahal na ina.
BINABASA MO ANG
V ( A Vampire's Kiss )
VampireNaging batas na ng lahi ng mga bampira ang umibig sa isang mortal at magsilang sa isang kalahating-tao at kalahating imortal. Itago ang tunay nilang katauhan hanggang sa tumungtong sa tamang edad para na rin sa kaligtasan ng buong angkan. Isa na ri...