Chapter 19

5K 75 0
                                    

Sabay na naglakad ang dalawa.

Samantha: Salamat ha.

Marcus: Wala 'yun. Kahit sinong lalaki naman siguro ay ipagtatanggol ang kahit sinong babae na binabastos, hindi ba?

Samantha: Well, unfortunately, hindi lahat. Lalo na kung ang grupong 'yun ang kaharap.

Nang makarating ang dalawa sa isang malaking puno ng Acacia sa loob ng campus ay umupo sila sa lilim nito.

Marcus: He likes you.

Samantha: Sino? Si Jack? Eh kahit sino namang babae eh gusto niya, hindi lang ako.

Marcus: But what about you, do you like him?

Samantha: Nagpapatawa ka ba?

Natawa na naman bigla si Marcus sa sagot ng dalaga.

Marcus: But do you like someone else?

Biglang napatingin si Samantha kay Marcus pagkatapos siyang tanungin ng binata. Isang tanong na biglang nagpabilis sa tibok ng kanyang puso. Isang tanong na nagdulot ng kaba at takot sa kanyang dibdib. Isang tanong.

Samantha: I don't know. Why? I mean, what about you, do you....

Marcus: Yes... you.

Biglang napatayo si Samantha mula sa kinauupuan niya at sinundan naman ito ni Marcus.

Marcus: I'm so sorry. It is not my intension...

Samantha: Stop. You don't have to explain. Kailangan ko nang mauna, ahm, my tatapusin pa kasi ako sa library.

Agad na naglakad si Samantha papalayo kay Marcus. Para siyang hinihingal na para bang hindi siya makahinga, na kinakabahan siya, na natatakot siya. Sinundan siya ni Marcus at saka hinawakan ang kanyang braso para pigilan siya.

Marcus: I just want to know your answer. I wont force you to answer me if you love me too or not. But, is there a chance?

Bumibilis ang bawat pagpitik ng puso ni Samantha. Pilit niyang hinahabol ang kanyang paghinga. Dahan-dahang lumalaki ang kaba na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Walang boses ang lumalabas sa kanyang bibig pero kailangan niyang sumagot para makaalis at makatakas na siya sa lugar na iyon.

Samantha: No.

Sabay alis, iniwanan ang binatang si Marcus na bigo sa ilalim ng puno ng Acacia.

Sa pag-alis ni Samantha ay biglang lumakas ang hangin at napakaraming dahon ang nalalaglag mula sa sanga ng nasabing puno na tila nakikidalamhati sa dalawa.

Kinagabihan, sa loob ng kanyang kwarto ay tulala si Samantha na nakaupo sa kanyang kama. Nakayakap sa kanyang sariling mga tuhod at binti. Pilit na pinipigilan ang pagluha ng kanyang mga mata. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam si Samantha ng tinatawag na pag-ibig. Wala siyang mapagsabihan. Wala siyang mapagkwentuhan. Kaya naman ay kinuha niya na lamang ang kanyang diary mula sa kanyang bag at nagsulat.

Wika niya:

July 1, 2014

Dear Diary,

What a day.

Ang araw na kinakatakutan ko. Ang mahuli ako ni kupido at tamaan ng kanyang pana.

Kaninang umaga sa paaralan ay sabay kaming kumain ni Marcus, bagong estudyante sa paaralan. Nilibre ko siya, oo, sa kuripot kong 'to ay may gana pa akong manglibre sa taong kakikilala ko lang. Hindi ko rin alam kung bakit, kahit ako mismo ay hindi ko maipaliwanag. Ang tanging alam ko lang ay masaya ako sa oras na iyun na magkasama kami. Lalo na nang ipinagtanggol niya ako sa sigang pinuno ng grupong Black Hunters. Sa pinakunang pagkakataon ay may nagtanggol na lalaki sa akin. Kinabahan din ako at the same time. Muntik na kasi siyang pinatulan ni Jack. Pero si Marcus, hindi ko siya nakitaan ng konting takot o kaba man lang sa kanyang mukha na para bang lalabanan niya talaga si Jack kahit anong mangyari. Kinabahan din ako kasi ayoko ko ring masaktan siya. Pagkatapos naming kumain ay naglakad kami sa buong campus hanggang sa nakarating kami sa isang puno ng Acacia. Napakasarap ng simoy ng hangin. Napakatahimik, matiwasay at very relaxing ang feeling habang nakaupo lang kaming dalawa sa lilim ng punong 'yun. Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko kahit kaming dalawa lang sa lugar na iyon. Na para bang ayoko nang matapos ang araw knowing na magkakahiwalay din kami by the end of the day. Pero may nangyari na hindi ko inaasahan. Nagtapat si Marcus ng nararamdaman niya sa akin. He asked me a question that I'm keep on avoiding from guys, that's why I chose to be like this. Hard, rough, tough and difficult. Pero si Marcus, iba siya. Bigla akong nagbago nang nakilala ko siya. I don't know why. Gaya nga ng nabanggit ko he told me about his feelings for me. That he loves me. Pero natakot ako. Sa halip na sagutin ko siya ay tumayo ako at nagplanong iwan siya. But he stopped me and with all respect he told me that he wouldn't force me to love him as well immediately. He's willing to wait but he just wanted to know if he has a chance. And I said NO.

Napatigil panandalian sa pagsusulat si Samantha at hindi nagtagal ay tumulo ang kanyang luha sa papel na kanyang sinusulatan. Pinunasan niya ng kanyang kamay ang kanyang mukha at saka nagpatuloy.

But the truth is, I really want to say YES during that time, I really do. But it's just that I'm scared na baka nabigla lang siya sa kanyang nararamdaman at iiwanan niya lang ako isang araw. Ako na anak lamang ng isang delivery truck samantalang siya ay nag-iisang anak ng mga V. Siya lang naman ang isa sa mga tagapagmana ng V Telecommunications. Ayokong saktan siya o biguin siya pero I don't have a choice. Ayokong darating ang panahon na masisira lang lahat ng mga pangarap ng mga magulang ko sa akin dahil lang sa isang lalaki. Mabuti na 'yong ako na mismo ang lumayo at iwasan ang mga bagay-bagay na pwedeng maging dahilan ng tuluyang pagbagsak ng aming pamilya.

Hanggang dito na lamang.

Nagmamahal,

Samantha

V ( A Vampire's Kiss )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon