Chapter 13

5.2K 87 0
                                    

Kinagabihan, sa hapagkainan ay wala ang presensya ng binata. Tinawag ni Don Faustino ang isa sa mga katulong na nakatayo malapit sa kanila.

Don Faustino: Pakitawag nga si Marcus at sabihin mong kakain na. Hindi magandang pinaghihintay ang pagkain.

Katulong: Opo.

Aalis na sana ang katulong nang biglang tumayo si Esther.

Esther: Ako na po papa'. Manang sige na po. Excuse me.

Umalis si Esther sa hapagkainan at iniwan ang mag-ama.

Edgardo: Kung gusto niyo po mauna na po tayo papa'.

Don Faustino: No, hihintayin natin si Marcus. Sabay-sabay na tayong kumain.

Edgardo: Baka po kasi....

Don Faustino: I'm fine. No worries. Hindi pa naman ako gutom.

Edgardo: Kayo po ang bahala.

Nang narating na niya ang kwarto ng anak ay agad siyang kumatok sa pintuan.

Esther: Anak, Marcus, okay ka lang ba? Kakain na.

Tawag ng ina sa anak sabay bukas ng pinto. Nakita ni Esther si Marcus na nakaupo sa balkunahe ng kanyang kwarto. Nakatingala sa langit. Nilapitan niya ito at kinausap.

Esther: Anak may problema ba?

Marcus: Wala naman po.

Wika ng binata na halatang may bahid ng kalungkutan.

Esther: Anak ina mo ako. Hindi mo ako maloloko.

At tuluyan na nga niyang nilapitan ang nag-iisang anak.

Esther: Ano ba kasi ang nangyari?

Marcus: Wala po talaga, promise. Hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon. Kaya hindi muna ako kakain.

Sagot ng binata sa ina sabay tayo at naglakad papunta sa kanyang kama.

Esther: Sige, kung gayon, magpapahatid na lang ako ng pagkain dito.

Kahit na alam ni Esther na may bumabagabag sa kalooban ng anak ay hindi na niya ito kinulit at nirespeto niya na lamang ang desisyon ni Marcus na mapag-isa. Tuluyan niyang nilisan ang kwarto at bumalik sa may hapagkainan.

Pagkatapos nilang kumain ay agad na lumabas si Esther at pinuntahan ang driver na nagsundo kay Marcus.

Esther: Dominique, may gusto akong itanong sa iyo.

Dominique: Ano po 'yun ma'am?

Esther: Ano ang nangyari kanina sa paaralan at ganon na lamang ang lungkot ng anak ko?

Dominique: Hindi ko po alam ma'am pasensya na po. Pero kanina po sa halip na sumakay siya sa sasakyan ay nagbisikleta po siya.

Esther: Bisikleta? Anong bisikleta?

Agad na dinala ng driver ang kanyang amo sa hardin kung saan nakaparada ang nasabing sasakyan.

Esther: Sige salamat.

Dominique: Sige po ma'am maiwan ko na po kayo at tatapusin ko lang po ang ginagawa ko.

Nilapitan ni Esther ang bisikleta at kanya itong hinawakan, hinimas at pinakiramdaman. Pumikit siya at pilit na binabasa ang memorya at ala-ala ng bisikleta. Nakita niya sa kanyang isipan ang mga pangyayari. Mula sa pagbigay ng bisikleta ni Marcus kay Samantha hanggang sa pagsauli ng dalaga nito sa kanya. Nang nakita na ni Esther ang sagot sa mga katanungan niya ay bumalot sa kanyang mukha ang pag-aalala.

Agad siyang nagdesisyon na lisanin ang mansyon. Tumalon siya nang napakalakas at naglaho nang tuluyan.

V ( A Vampire's Kiss )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon