Sinamahan ni Edgardo ang kanyang ama sa kanyang mag-ina na nagpapahinga sa isang magarbong silid na dating silid niya. Malaki ang kama, malawak ang kwarto at ang mga tela ng kurtina na nakapalibot rito at maging ang nakabalot sa hinihigaan nila ay dekalidad at mamahalin. Sa pagpasok ng mag-ama ay sumalubong sa kanila ang isang inang nagpapatulog ng kanyang pinakamamahal na anak. Nang nakita ni Esther ang kanyang asawa at manugang ay agad siyang bumaba sa kama at nagbigay galang.
Esther: Don Faustino....
Don Faustino: Papa'. Mula ngayon ay papa' na ang itatawag mo sa akin.
Ang sinabing 'yun ni Don Faustino ay sadyang nagpagaan ng loob ni Esther, para siyang binunutan ng tinik sa kanyang dibdib. Lumapit siya sa kanyang bagong ama at agad na ipinakita ang anak nila ni Edgardo.
Don Faustino: Ito na ba ang apo ko?
Sabay karga sa bata.
Don Faustino: Ano naman ang pangalan niya?
Edgardo: Marcus, papa'.
Don Faustino: Marcus. Napakagandang pangalan. Bagay na bagay sa kanya. Ang isa sa aking mga tagapagmana.
Nag-iisang anak lamang si Edgardo at kahit kailan ay wala siyang naging kahati sa pagmamahal ng kanyang mga magulang. Kaya naman nang mawala sa kanila ang kanilang ilaw ng tahanan ay labis niya itong dinamdam na pilit na pinunan ni Don Faustino sa loob ng labing-limang taon.
Nang dumating sa edad na 25 ay umibig sa Edgardo sa isang purong dugong tao na si Esther. Isang hamak na tindera lamang ng bulaklak si Esther noon na parating dumadaan sa harap ng kompanya nina Edgardo, ang V Express Telecommunications. Sa unang tagpo pa lang nila ay nahulog na kaagad ang loob nila sa isa't isa. Pero dahil nga sa estado ng pamumuhay ni Esther ay hindi payag ang papa' ni Edgardo na si Don Faustino V, ang presidente at may-ari ng kanilang kompanya. Kaya naman, dahil nga sa nahulog na nang tuluyan si Edgardo kay Esther ay tumakas siya kasama ang iniirog niya, nagpakalayo at namuhay ng isang taon malayo sa mundo. Sa kanyang pagbabalik kasama ang bagong binuong pamilya ay magbabagong muli ang lahat. Ang lahat-lahat.
Lumaking mabait at matalinong bata si Marcus. Itinago at inilayo ng mag-asawa ang kanilang anak sa ibang bata. Sa halip na papasukin nila ito sa mga mamahaling paaralan ay pinag-aaral na lang nila ito sa kanilang bahay, homestudy kung baga. Sa tulong na rin ng isang guro na isa ring bampira na pilit na itinatago ang katauhan mula sa kanyang estudyante na utos na rin ng kanyang mga amo. Hindi ipinag-alam kay Marcus ang tungkol sa kanilang lahi. Namuhay sila na parang mga normal na mga tao sa loob ng Black Mansion ng mga V. Lumalabas rin sila paminsan-minsan, kasama nga lang ng sampung katulong at sampung bodyguards na buntot nang buntoy sa kanila saan man sila magpunta. Sa tuwing nakikihalubilo sila sa ibang tao ay mapapansin talaga ang kanilang pamilya. Parati kasi silang nakasuot ng itim at puti. Maging ang mga kasama nilang mga katulong at bodyguards. Sa tuwing nakikipaglaro si Marcus na ngayon ay limang taong gulang na sa ibang bata ay parati siyang natutukso. Nerd kasi siya, masyadong pormal ang kanyang suot na akala mo pupunta ng party, masyadong maayos ang buhok na akala mo ay dinilaan ng kabayo, nakasuot ng salamin na napakakapal at may braces ang mga ngipin. Kaya naman lumaki siyang mag-isa parati. Hanggang sa nagbinata siya at tumungtong ng kolehiyo sa edad na 20. Ang araw na kinakatakutan nina Edgardo at Esther.
BINABASA MO ANG
V ( A Vampire's Kiss )
VampireNaging batas na ng lahi ng mga bampira ang umibig sa isang mortal at magsilang sa isang kalahating-tao at kalahating imortal. Itago ang tunay nilang katauhan hanggang sa tumungtong sa tamang edad para na rin sa kaligtasan ng buong angkan. Isa na ri...