Chapter 34

4.2K 63 1
                                    

Nahabol naman ni Marcus si Jack. Hinarangan niya ang dinaraan nila na siyang nagpahinto kay Jack. Itinulak niya si Samantha at saka hinarap ang kanyang karibal.

Marcus: Pwede ba Jack tigilan na natin 'to at kalimutan na ang lahat?! Pwede ba?!

Jack: 'Yan ang hinding-hindi mangyayari!

Bigla na lang sinugod ni Jack si Marcus. Lalaki sa lalaki. Pangil sa pangil. Lakas sa lakas. Bampira sa bampira

Samantha: Marcus mag-ingat ka!

Pero masyadong malakas si Jack. Sa tindi ng galit na nag-uumapaw sa kanyang kaluluwa ay umaangat nang konti ang kapangyarihan niya kay Marcus. Hanggang sa tumilapon na nga si Marcus nang tuluyan.

Sa sobrang pagmamahal ay hindi na nakaramdam ng takot si Samantha kay Jack. Tumakbo siya papunta sa kasintahan na duguan.

Samantha: Marcus. Mahal ko.

Kumuha ng napakalaking bato si Jack at itinapon sa nanghihinang binata.

Samantha: Huwag!

Pero laking gulat niya nang sumabog ito sa ere at parang may sumalo rito para hindi tamaan si Marcus. Biglang may bumaba na nilalang mula sa itaas at hindi makapaniwala si Jack sa kanyang nakita. Ang isa sa mga miyembro ng konseho ay nasa harap niya.

Jack: Don Faustino?

Si Don Faustino na hindi na naka wheelchair dahil sa angking lakas na binibigay sa kanya ng kanyang kapangyarihan bilang isang kalahating bampira.

Don Faustino: Sa ngalan ng ating lahi at sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng Pulang Buwan bilang isa sa mga Konseho at tagapaghatol ay pinapatawan kita ng parusa maging ang mga kasamahan mo sa hindi mo pagsunod sa sagradong utos ng ating mga ninuno. Ang aking hatol... kamatayan!

Dumating rin sina Edgardo at Esther at ganun din ang mga kasamahan ni Jack.

Jack: 'Yan eh kung mapapatay niyo ako, tanda.

Don Faustino: Tingnan natin.

Muling nagkagulo sa tambakan ng mga bakal. Si Don Faustino kay Jack habang si Edgardo naman at Esther sa ibang miyembro ng Black Hunters.

V ( A Vampire's Kiss )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon