Naglalakad pa rin ang dalawa sa hallway ng kanilang paaralan. Wala namang imik si Marcus. Sunod lang siya nang sunod kay Samantha. Paano ba naman kasi, eh nakatali ang kamay ng dalaga sa kanyang braso. Sa isang classroom na walang tao pumasok ang dalawa at sinara ni Samantha ang pinto. Sa pagpasok nilang dalawa ay binitiwan na rin sa wakas ni Samantha ang braso ni Marcus at saka nagbuntong hininga. Isang napakalalim na buntong hininga.
Marcus: Okay ka lang?
Samantha: Okay? Mukha ba akong okay? Alam mo ba kung sino ang mga taong nakaharap mo kanina, ha? Ang Black Hunters lang naman 'yon, ang siga at hari ng paaralang ito.
Marcus: Ibig mong sabihin pakitang-tao lang ang tapang na ipinakita mo kanina?
Biglang tumawa nang napakalakas si Marcus.
Samantha: Eh anong nakakatawa don?
Marcus: Eh paano kung pinatulan ka ng mga 'yon?
Samantha: 'Yun na nga, buti na lang hindi. Kaya ikaw...
Kinausap nang malapitan ni Samantha ang bagong dating na estudyante na parang siya ang amo at si Marcus ang kanyang katulong.
Samantha: ... sa susunod mag-ingat ka sa mga tinataasan mo ng boses. Ang bago mo pa lang dito ang lakas na ng pantog mo.
Sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa ay biglang napangiti si Marcus, at muli, tila bumagal ang takbo ng oras. Hindi lang yan, tila lumiwanag rin ang paligid, tumahimik at pumayapa.
Marcus: Pero salamat pa rin.
Wika ng binata sa dalaga na mararamdaman mo talagang nagmula sa kaibuturan ng kanyang puso ang bawat salita na binigkas ng kanyang mga labi.
Biglang napalunok ng laway si Samantha at umatras. Awkward. Hindi kasi sanay ang dalaga na may nagpapasalamat sa kanya, lalo na kapag sobrang seryoso.
Samantha: Walang ano man. Basta mag-ingat ka lang sa susunod.
Agad na umalis si Samantha ng kwarto at iniwan ang nakangiting binata sa loob nito.
Kinahapunan, sa loob ng gym ay nagkumpulan ang napakaraming estudyante. Sa intablado, isang lalaking nakasalamin at may tamang pangangatawan na leader pala ng School Council ang nakatayo habang nakahawak ng microphone. Parang may sasabihin siyang importante sa kanyang mga kapwa mag-aaral.
Isa sa mga nagkukumpulan ay si Samantha, kung saan kasi ang gulo nandon din siya. Siya pa. Hindi niya namalayan na sa kanyang likuran ay nakatayo ang kaninang pinagtanggol niyang binata.
Lalaki 1: Magandang hapon po sa inyong lahat. Ngayong hapon ay may magaganap na auction, isa sa mga miyembro ng school council ay willing na magbahagi ng konti mula sa kikitain niya sa e-auauction natin ngayon. Ngayong hapon na ito ay gusto niyang ibenta ang kanyang pinakamamahal na... bisikleta!
Anunsyo ng presidente ng school council sabay hila sa tela na ginamit na pangtakip ng naturang sasakyan. Isang magandang bisikleta na kulay pink na pareho ng sikat na bike ngayon sa mga Koreanobela sa telebisyon. Mula sa likuran ay rinig na rinig ni Marcus ang bulong ni Samantha sa kanyang sarili.
Samantha: Ang ganda.
Wika niya.
BINABASA MO ANG
V ( A Vampire's Kiss )
VampireNaging batas na ng lahi ng mga bampira ang umibig sa isang mortal at magsilang sa isang kalahating-tao at kalahating imortal. Itago ang tunay nilang katauhan hanggang sa tumungtong sa tamang edad para na rin sa kaligtasan ng buong angkan. Isa na ri...