Chapter 14

5.2K 90 0
                                    

Samantala sa bahay nina Samantha, sa loob ng kanyang kwarto ay kakalabas lang ng dalaga sa kanyang banyo, bagong paligo. Pumunta siya sa kanyang salamin at umupo. Kinuha niya ang kanyang suklay at inayos ang buhok. Pero habang nakatingin siya sa kanyang sarili sa salamin ay hindi maalis-alis sa kanyang isipan ang nangyari kanina. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya pero para siyang nakokonsensya sa pagbalik niya ng bisikleta kay Marcus. Parating bumabalik sa kanyang memorya ang malungkot na mukha ng binata nang hindi niya tinanggap ang regalo nito sa kanya.

Pero sa pagmumuni-muni ng dalaga ay hindi niya namalayan si Esther na dumaan sa kanyang bintana na nakalutang.

Nang natapos na si Samantha sa kanyang ginagawa ay napabuntong hininga na lamang siya at nagdesisyong matulog na lamang. Nang nakapuwesto na siya sa kanyang higaan ay tuluyan na niyang pinatay ang malaking ilaw sa kanyang kwarto at binuksan ang lampshade malapit sa kanyang kama na nakapatong sa isang maliit na mesa. Habang mahimbing na natutulog ang dalaga ay lumabas naman bigla si Esther mula sa isang madilim na bahagi ng naturang silid. Nilapitan niya si Samantha at pinagmasdan.

Esther: Mahal ka ng anak ko at hindi ako pabor dito. Dahil alam ko darating din ang araw na masasaktan lang kayo pareho. Pero mahal na mahal ko ang anak ko kaya hindi ko siya pipigilan kung ikaw talaga ang tinitibok ng kanyang puso kaya sana huwag mo naman siyang paglaruan at saktan. Kung hindi mo siya gusto sabihin mo na sa kanya nang diretso at huwag nang paaasahin pa.

Biglang nagising si Samantha at binaling kaagad ang kanyang mga mata sa kinatatayuan ni Esther pero wala na siyang nakita. Tanging bukas na bintana na lamang ang kanyang nadatnan habang hinihipan ng malamig na hangin ang kurtina nito. Agad niya itong nilapitan at sinara nang tuluyan.

Sa mansyon naman ng mga V....

. kakarating lamang ni Esther pero sinalubong siya kaagad ng asawa sa may sala.

Edgardo: Mahal, saan ka galing?

Esther: May pinuntahan lang ako. Pwede ba sa kwarto na lang tayo mag-usap, may sasabihin lang ako sa'yo na importante.

Agad na naglakad ang mag-asawa papunta sa kanilang silid pero wala silang kamalay-malay na nasa ikalawang palapag lang pala si Don Faustino nakikinig at pinagmamasdan sila.

Sa loob ng kwarto ng mag-asawa....

Edgardo: Saan ka ba talaga nanggaling?

Esther: Umiibig na ang anak mo Edgardo. Sa isang purong tao, isang purong mortal.

Edgardo: Ano bang problema dun mahal ko.? Eh 'di ba 'yan naman talaga ang tama? Alam mo na bawal tayong magmahal ng tulad natin, dahil kapag ang dalawang purong bampira ay magkakaroon ng anak ay magiging buong bampira ito na dilikado sa buong lahi natin. Kaya kailangan nating magmahal ng mortal para ang dugo ng magiging supling ay kalahating tao at kalahating bampira.

Esther: Alam ko naman yun pero, paano kung hindi siya matanggap ng babae? Alam mo kung ano ang kayang gawin ng isang tulad natin kapag puso na ang nasaktan.

Sa parehong gabi ay may isang babae ang tumatakbo sa kalagitnaan ng isang madilim na kalsada, humihingi ng tulong.

Babae 1: Saklolo! Saklolo! Tulungan niyo ako!

Nang biglang may tumalon sa kanyang dinadaanan at maging sa likuran niya hindi kalayuan sa kanyang kinatatayuan.

Babae 1: Halimaw ka! Demonyo! Layuan mo na ako! Hindi na kita mahal! Kung alam ko lang kung ano ka talaga sana hindi na ako nagpaloko sa'yo!

Jack: Kung hindi ka lang naman mapapasaakin, mabuti pang mabura ka na lang dito sa mundo kesa sa mapunta ka sa iba.

Mabilis na lumapit si Jack sa kasintahan, kasing bilis ng hangin. Hinawakan niya ang leeg nito at kinagat na may dalang matinding galit. Napuno ng dugo ang kanyang bibig maging ang buong katawan ng babae habang nakatayo lamang mula sa malayo ang kanyang barkada. Walang pakialam sa kung ano man ang nagyayari. Nang tuluyan nang nalagutan ng hininga ang biktima ay agad nila itong iniwan sa gitna ng kalsada.

Balik sa mansyon....

Esther: Ayokong mangyari yun sa anak natin. Hindi man niya gustuhin ay tiyak na magagawa niya pa rin ang karumaldumal na bagay na iyan dahil yan na talaga ang nakasulat sa palad nating mga bampira bilang bahagi ng sumpa.

Nang bumuhos na nang tuluyan ang nararamdamang takot ni Esther sa kanyang puso ay agad siyang niyakap ng asawa at sinubukang pakalmahin.

Edgardo: Ssssssshhhhhh, tahan na. Alam kong hindi mangyayari 'yan.

Habang si Don Faustino naman ay nasa kanyang sariling silid, nakadungaw sa bintana na para bang alam na niya ang nangyayari.

V ( A Vampire's Kiss )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon