Chapter 29

4.4K 73 0
                                    

Pagkatapos ng gabing 'yun ay muling bumalik sa dati ang mga buhay-buhay ng bawat miyembro na parang wala lang nangyari, pero, hindi si Marcus. Hindi pa rin siya makapaniwala na totoong isang kalahating bampira si Jack.

Ang araw ng klase ay muling sumapit. Sa isang malaking theatre room ay nagtipon-tipon ang lahat para sa isang mahalagang anunsyo. Umakyat ang dean sa entablado para ihatid ang mensahe sa lahat.

Dean: Good morning everyone. What a nice day, isn't it? But I'm sure it will be nicer once I tell you the wonderful news for today. To celebrate the 50th Anniversary of this prestigious and high-respected university, the faculty and staff as well as the school council decided to offer everyone a night of fun and music. One week from now we are going to have a Grand Ball!

Nagpalakpakan ang lahat at halatang excited ang bawat isa, lalong-lalo na ang mga kababaihan.

Naging makulay ang buong paaralan habang papalapit ang araw ng Grand Ball hindi lang dahil sa mga palamuti at mga desenyong nakalagay sa bawat lugar ng naturang eskwelahan ay dahil na rin sa mga masisigla at magagandang ngiti ng bawat isa. Lahat ay naging abala sa paghahanda sa kanilang mga sarili sa nalalapit na big event. Hindi rin naman pahuhuli ang magkasintahang sina Marcus at Samantha. Muli sa lilim ng punong Acacia sila'y magkasama.

Marcus: Hindi ka ba excited?

Samantha: Hhhhmmmmm.... medyo.

Marcus: Medyo? Bakit medyo lang?

Samantha: Eh kasi for sure gastus na naman 'yan.

Marcus: Yun lang ang problema mo?

Samantha: Hindi lang 'yun meron pa.

Marcus: Ano?

Samantha: Yung make-up.

Biglang natawa si Marcus sa sinabi ng kasintahan niya.

Samantha: O ba't ka natatawa? Seryoso ako noh.

Marcus: Alam ko, pero bakit ka nag-aalala sa make-up?

Samantha: Eh hindi kasi ako sanay.

Biglang hinawakan ng binata ang pisngi ng dalaga at iniharap ang mukha nito sa kanya sabay sabi....

Marcus: You don't need make-ups anymore just to show your beauty. Your expressive eyes and pretty smile are more than enough.

Samantha: Thank you.

Marcus: Alam ko na. May pupuntahan tayo. Tara!

Samantha: Saan?!

Agad na lumabas ng campus ang dalawa gamit ang sasakyan ng binata.

V ( A Vampire's Kiss )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon