Chapter 11

5.4K 93 1
                                    


     Sa labas ng library nag-usap ang dalawa.

Marcus: May problema ba?

Samantha: Oo meron. Bawiin mo ang bisikleta.

Marcus: Bakit hindi mo nagustuhan?

     Hindi nakasagot kaagad ang dalaga, sa halip ay....

Samantha: Basta! Bawiin mo 'yon. Iiwan ko ang bisikleta mamaya sa parking area. Kunin mo!

     Pagkatapos sabihin ni Samantha ang gusto niyang sabihin kay Marcus ay agad siyang umalis at iniwan ang binata sa hallway.

     Samantala... sa Black Mansion ng mga V ay may pagpupulong na nagaganap.

Edgardo: Kailangan na nating sabihin ang lahat kay Marcus. Malapit na ang kanyang ikadalawampu't isang kaarawan at sa oras na dumating 'yon ay kailangan na natin siyang gawing isa sa atin.

Esther: Kailangan ba talaga nating gawin 'yan mahal? Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Hindi ko alam kung matatanggap niya ang katotohanan.

Edgardo: Kailangan mahal ko, dahil nakasaad 'yan sa batas natin na sa oras na tumungtong ng ikadalawampu't isang taong gulang ang isang lalaking anak ng bampira ay kailangan na siyang salinan ng kapangyarihan at lakas ng isang bampira.

Don Faustino: Puwes, itakas natin siya.

     Wika ng matanda habang nakadungaw sa bintana.

Edgardo: Itakas? Papa' naman, alam mo na hindi natin 'yan pwedeng gawin kung hindi ay ipapahanap tayo ng mga tauhan ng Mahal na Reyna. Alam mo kung gaano siya kalakas at alam mo ring hindi natin kaya ang kanyang kapangyarihan.

Don Faustino: Hindi ko lang kasi alam kung magiging masaya siya sa oras na isalin natin sa kanya ang sumpang ito.

Edgardo: Mas nanaisin ko pa papa' na maging bampira ang anak ko kesa sa paslangin siya ng mga kauri natin dahil lang sa hindi pagsunod sa alituntunin.

Don Faustino: Kayo ang magulang....

     Sagot ng ama sa anak.

Don Faustino: ... kaya nirerespeto ko ang inyong desisyon.

     Sabay alis ng kwarto.

     Magdadapit-hapon na, oras na ng uwian. Kakarating lang ng sasakyan na sundo ni Marcus. Papasok na sana siya rito nang maalala niya ang bisikleta. Binigay niya muna ang kanyang gamit sa kanilang driver at nagpaalam.

Marcus: Manong sandali lang po ha.

     Pumuntang parking area ang binata at doon nakita nga niya ang pink na bisikletang bigay niya kay Samantha. Nilapitan niya ito, pinagmasdan at hinimas. Kita mo sa kanyang mukha ang lungkot. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niya kay Samantha at bakit ibinalik ng dalaga sa kanya ang kanyang regalo. Habang sa 'di kalayuan ay nakatayo lamang si Samantha, pinagmamasdan ang binata, at nakapinta rin sa kanyang mukha ang awa, hindi niya alam kung bakit, basta ang alam niya malungkot siya.

     Hindi nagtagal ay kinuha din ito ni Marcus at saka lumapit sa driver.

Marcus: Manong magbibike na lang po ako pauwi.

Driver: Sigurado po kayo sir?

Marcus: Opo.

Driver: Sige po sir. Kayo po ang masusunod.

     Ipinasok na ng driver ang mga gamit ng kanyang amo sa sasakyan pagkatapos ay umalis na habang nakasunod naman si Marcus sa kanya na nakabisikleta at si Samantha naman ay pinagmamasdan lamang ang kanyang pag-alis.

V ( A Vampire's Kiss )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon