Pagdating niya sa loob ng campus, paghinto na paghinto ng kanyang sasakyan ay rinig na rinig at pansin na pansin ang ingay na nalilikha nito habang dumudulas ang mga gulong nito sa semento dahil sa bilis ng kanyang pagpapatakbo.
Ang nangyari dati noong unang dumating si Marcus sa Unibersidad ng Makati -Recoletos ay nangyari ulit. Agad na napansin ng lahat ang sasakyan ng binata. Hinintay ng lahat na lumabas ang nakasakay rito, isa sa mga naghintay si Samantha. Maging ang mga nasa second and third floor ay huminto at naki-osyoso. Hanggang sa ang matagal nang hinihintay ng lahat, ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan. Nakatitig ang lahat rito, akala nila bago ang estudyante na nasa loob ng sasakyan dahil first time nila itong nakita sa campus. Nang tuluyan na nga itong bumukas ay mas lalong tumaas ang excitement ng lahat. Nagsitayuan ang mga nakaupo at nagsilabasan ang mga nasa kwarto. Hindi nagtagal lumabas na nga nang tuluyan si Marcus. Sa unang pagharap niya sa mga tao bilang bagong Marcus ay biglang tumahimik ang paligid, wala silang masabi sa kanilang nakita. Hindi sila makapaniwala. Parang huminto ang oras panandalian, parang mga estatuwa ang nakasaksi sa pagdating ng bagong Marcus. Tanging ang yapak ng mga paa ni Marcus sa semento ang maririnig sa sobrang tahimik. Lalo na si Samantha.
Hindi rin kalayuan ay nagmamasid lang pala ang mga Black Hunters.
Agad na kumalat sa buong campus ang nangyari kaninang umaga. Rinig na rinig ang bulong-bulungan ng bawat isa. Naging hot topic kaagad ng araw na iyon ang pagdating ng kakaibang Marcus. Kahit saan pumunta si Marcus ay hindi mapigilan ng lahat na mapatingin sa kanya. Ang iba dahil sa labis na pagkamangha, ang iba sa sobrang gulat at ang iba naman ay masyado nang nagwagwapuhan sa kanya. Pagdating ni Marcus sa klase niya ay hindi kaagad sila nakapagsimula dahil maging ang propesor nila ay natulala nang makita siya.
Propesor: Eheeeemm.. ahm, Mr. V can you please remove your sunglasses.
Nagtinginan ang mga kaklase ni Marcus sa isa't isa.
Agad naman itong sinunod ng binata, at sa pag-alis niya ng kanyang sunglasses ay napalunok ang lahat maging ang guro na nag-utos nito. Para silang nasilaw sa kagandahan ni Marcus. Pero nanatiling kalmado at mapagkumbaba ang binata.
Propesor: Ehhhhhheemmm... thank you. All right, let's start. So as I mentioned the last time....
Pagdating ng break, hanggang sa cafeteria ay ganon pa rin ang pinag-uusapan ng lahat. Mapababae man o lalaki, mapaestudyante o guro. Wala silang bukang-bibig kundi si Marcus. Kahit na naiilang na si Marcus sa mga nangyayari ay nagpatuloy pa rin siya sa kanyang normal na pamumuhay tulad ng dati bilang isang estudyante. Iniisip na lang niya na pumasok siya dahil 'yun ang gusto niya at dahil gusto niya ring makapagtapos sa isang totoong paaralan na siyang matagal na niyang pinapangarap. Nang nakahanap na ng mesa si Marcus ay agad siyang umupo rito nang biglang may lumapit sa kanya at gustong samahan siya sa pagkain dahil wala na rin namang bakanteng mesa kundi ang sa kanya nalang. Wala kasing gustong tumabi sa kanya. Pagtingala ni Marcus ay bigla siyang kinagabahan.
Samantha: Excuse me. If you don't mind. Can I join you?
Marcus: Ha? Ah, yah sure go ahead.
Sagot ng binata habang nakatingin sa pagkain niya at hindi sa kinakausap niya.
Napakatahimik ng dalawa habang magkasama sila sa iisang mesa. Walang imikan, walang pakialamanan, walang pansinan. Halos tumagal din ng tatlong minuto ang ilangan ng dalawa hanggang sa....
Samantha: You look great today.
Napatingin si Marcus kay Samantha.
Samantha: I mean different. Better.
Bumalik naman kaagad si Marcus sa kanyang kinakain pagkatapos sabihin ni Samantha ang mga katagang 'yon.
Marcus: Excuse me.
Pagkatapos kumain ni Marcus ay agad siyang umalis at iniwanan ang dalaga na mag-isa. Hindi man aminin ni Samantha ay kita sa kanyang mukha na nasasaktan siya sa ginagawang pag-iwas ni Marcus sa kanya.
Habang naglalakad si Marcus sa hallway ay saka dumating ang grupo ni Jack. Nagsitabihan ang lahat at nagbigay daan sa kilabot na grupo. Hindi nagbago ang timpla ni Marcus. Patuloy pa rin ang kanyang paglalakad, walang bahid ng takot o pangamba ang kanyang mukha. Nang nalagpasan na niya ang Black Hunters ay bigla siyang tinawag ng pinuno nito.
Jack: Hoi!
Huminto naman si Marcus at lumingon sa tumawag sa kanya.
Marcus: Bakit?
Jack: Ano ang tinira mo at nagbago ka, ha? Well I can't deny it you look impressive! Expensive clothes, cool car, positive aura, beautiful face I mean, great improvement!
Nilapitan ni Jack si Marcus.
Jack: Ba't ayaw mong magsalita, ha?
Nang wala siyang natatanggap na sagot rito ay agad niyang hinagis ang kanyang kamao kay Marcus pero laking gulat ni Jack nang sinalo ito ng binata ng kanyang palad. Nang nagkasalubong ang kamay ng dalawa ay biglang may malakas na hangin ang sumabog sa naturang lugar na nagpagalaw sa mga lockers kahit na hindi naman ito natatamaan. Sa sobrang lakas ng dalawa ay kung anong pwersa ang kumawala. Nang nakita ni Jack na parang patas lang ang laban sa mga oras na iyon ay unti-unti niyang binababa ang kanyang kamao at saka bumitaw naman si Marcus sa pagkakahawak rito.
Jack: Hindi lang pala itsura mo ang nagbago, pati ang lakas at katangian mo. Balang araw malalaman ko rin kung ano talaga ang nangyari sa'yo at bakit nagbago ka bigla.
Pagkatapos sabihin 'yun ni Jack ay agad siyang umalis kasama ang kanyang grupo. Pero habang naglalakad siya ay hindi maalis sa kanyang mukha ang pagkainis. Dahil sa pinakaunang pagkakataon ay may nakapigil sa kanyang kamao at pumantay sa lakas niya.
BINABASA MO ANG
V ( A Vampire's Kiss )
VampireNaging batas na ng lahi ng mga bampira ang umibig sa isang mortal at magsilang sa isang kalahating-tao at kalahating imortal. Itago ang tunay nilang katauhan hanggang sa tumungtong sa tamang edad para na rin sa kaligtasan ng buong angkan. Isa na ri...