Chapter 8

5.3K 100 2
                                    

Lahat ay nagpalakpakan at naghiyawan maliban na lamang sa grupo nina Jack na isa rin sa mga nagkukumpulan.

Jack: Losers.

Excited na ang lahat na magsimula ang gagawing auction.

Lalaki 1: Uulitin ko po, ang ilan po sa kita ng bisikletang 'to ay mapupunta sa school council funds na tutulong sa amin na gawin ang ilang projects dito sa loob ng school.

Dagdag niya.

Lalaki 1: Kaya naman, huwag na nating patagalin ito. Let the ball rolling. Let's start with 1, 000 pesos.

Biglang dumami ang mga tao sa loob ng gym na naging dahilan ng pagkakahiwalay ni Marcus kay Samantha.

Babae 1: 1, 500!

Babae 2: 3, 000!

Lalaki 2: 3, 500!

Lalaki 1: Oops, 3, 500. Meron pa ba?! Going once..., going twice... and....

Marcus: 5, 000!

Lalaki 1: There you go, now we are starting, 5, 000!

Biglang napalingon si Jack sa pamilyar na boses at maging si Samantha, at tumambad nga sa kanila ang binatang si Marcus na nakataas pa ang kamay sa ere.

Dahil rito, ay nagkaroon si Jack ng dahilan na....

Jack: 8, 000!

Nagulat ang lahat nang sumigaw na ang leader ng tigasing grupo. Tumingin ang lahat sa kanya, na ikinagulat rin ni Marcus at Samantha. Sa unang pagkakataon ay nagbigay ng presyo ang binata sa auction sa kanilang school na ayon sa kanya ay "JUST FOR LOSERS".

Nang nagsimula nang magbigay ng presyo si Jack ay biglang parang namatay na mga kandila ang iba. Ni hindi na sila nagsalita o nagbigay ng kanilang presyo. Nang biglang....

Marcus: 10, 000!

Nabaling lahat ng atensyon sa bagong dating na estudyante. Lahat ay nagbulungan kaagad. Hindi sila makapaniwala na isang hamak na baguhan lamang ang susubok na kalabanin si Jack.

Lubos naman itong ikinapikon ni Jack, kaya naman....

Jack: 15, 000!

Ha!

Ang tanging nasabi ng lahat. Samantala, hindi naman makapaniwala ang lalaki sa ibabaw ng entablado at ang tanging naisagot niya ay....

Lalaki 1: Ooooooo....kkkkkkaaaaayyyyyy.......

Hindi niya akalain na lalaki ang presyo nang ganon, dahil sa totoo lang ay nagkakahalaga lang naman ng 10, 000 pesos ang bisikleta.

Lalaki 1: Gusto ko lang pong klaruhin, cash po ito. Ngayon din po namin kaagad kukunin ang pera, kaya naman siguraduhin niyo lang po na may dala po kayo ngayon. We don't accept cards, and we don't accept pay later.

Agad na kinuha ni Jack ang wallet niya at nilabas lahat ng kanyang pera.

Jack: 25, 000!

Mas lalong nawindang ang lahat. Masyadong mataas na ang presyong binibigay ni Jack. Bitbit niya sa kanyang kamay ang pera habang nakataas ito sa ere habang nakatingin sa kalaban. Pero sa kanilang surpresa....

Marcus: 35, 000 pesos, cash!

Lalaki 1: All right.

Napalunok ang announcer....

Lalaki 1: Going once, twice....

Unti-unting bumababa ang kamay ni Jack kasama ang kanyang mga pera.

Lalaki 1: Okay, sold to that guy for 35, 000 pesos! Congratulations!

Sabay turo kay Marcus at biglang naghiyawan ang lahat dahil sa unang pagkakataon ay natalo si Jack, na tiyak hinding hindi niya makakalimutan hanggang sa kanyang kamatayan.

V ( A Vampire's Kiss )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon