Chapter 15

5.3K 89 1
                                    

Kinaumagahan, Sabado, walang pasok, sa hardin ng mga V nagkita ang mag-ina.

Esther: Napakaganda ng panahon, hindi ba anak?

Marcus: Opo.

Esther: Gusto mo bang mag shopping?

Marcus: Okay lang po ma, wala po kasi ako sa mood.

Esther: Gusto mo mag travel?

Marcus: Ayoko ko po. Salamat na lang po.

Esther: Malapit na ang ika-dalawampu't isang kaarawan mo. Hindi ka ba excited?

Marcus: Okay lang.

Esther: Anak may problema ba? Hindi ka na ba masaya sa school mo?

Marcus: Hindi naman po. Actually thankful nga po talaga ako dahil sa wakas nag-aaral na rin ako sa totoong paaralan.

Esther: Anak kung ano man ang bumabagabag sa iyong kalooban, please tell me.

Marcus: Okay lang po talaga ako.

Samantala, sa bahay nina Jack na hindi rin patatalo sa laki ay tumambay ang kanyang barkada kasama siya.

Barkada 1: So paano 'yan bro wala ka ng syota?

Wika ng isa sa mga miyembro ng grupo ni Jack sabay inom ng kanyang beer. Napatawa bigla si Jack sa sinabi ng kaibigan.

Jack: Baka nakakalimutan mo bro na si Jack Salazar ang kausap mo. I don't need to look for a girl, because they will just self-invitingly approach me like a metal attracted to a strong magnet.

Barkada 2: Weeeehhhh, eh bakit si Samantha hindi.

Nagtawanan bigla ang lahat maliban sa leader ng grupo. Biglang naging seryoso ang mukha ni Jack at tumahimik ang lahat nang bigla siyang tumalon at inatake ang nagbiro sa kanya. Binuhat niya ito at idinikit sa pader at kinausap habang pilit na pinipigilan ang kanyang galit.

Jack: Samantha is not just a simple girl like any other girls in the campus. She's special, you understand? And we know that special things here on earth are not that easy to get. Just like a precious pearl in a wide and deep ocean. You need to dive, swim and dig just to get it. Not as easy as you think.

Nang nasabi na ni Jack ang nais niyang ipahatid ay binitawan na niya ang lalaki at tinapos ang kanyang iniinom na mamahaling rhum.

Pagdating ng araw ng Lunes unang araw ng pagpasok sa paaralan at opisina ay agad na dumiretso si Marcus sa kanyang kwarto na para bang may iniiwasan siya. Sa oras ng klase ay hindi siya makapag focus sa guro o sa kung ano man ang gingawa nila sa loob ng silid-aralan. Parating bumabalik sa kanyang ala-ala ang pagreject ni Samantha sa kanyang regalo. Parati itong nasa isip niya na para bang isang bubble gum na nakadikit na sa kanyang puso't isipan nang pagkatagal-tagal at ang hirap nang tanggalin dahil sa tumigas na ito. Hindi siya makahinga nang tama na para bang nagiging lason na sa kanyang katawan at buong pagkatao ang ginawa ng dalaga sa kanya. Dumodoble na ang kanyang paningin sa bawat tao na kanyang nakikita na siyang dahilan kung bakit parati niyang niyuyugyog ang kanyang ulo, at sa panghuling beses na ginawa niya ito ay hindi niya namalayan na tinatawag na pala siya ng kanilang propesor. Ilang ulit nang tinawag ng kanilang propesor ang kanyang pangalan pero parang malabo ito at hindi niya marinig-rinig. Hanggang sa...

Propesor: Mr. Marcus V!

Marcus: Po?!

Nang bumalik na ang kanyang katinuan ay napansin niya na lahat ay nakatingin sa kanya.

Propesor: Will you please answer my question.

Tumayo ang binata ng dahan-dahan at....

Marcus: Paul the Apostle, originally known as Saul of Tarsus, was an apostle who taught the gospel of Christ to the first-century world. He is generally considered one of the most important figures of the Apostolic Age.

Tumahimik bigla ang buong silid panandalian.

Propesor: Very good Mr. V, I thought you're not listening. All right so during those time....

Marcus: Ahm prof, sorry to interrupt you but, may I... go out.

Propesor: Sure.

Lumabas kaagad ang binata sa klase nila at naglakad sa hallway papunta sa... wala. Hindi niya alam kung saan siya pupunta.

Sa kanyang paglalakad ay nakasulubong niya ang taong pilit niyang iniiwasan... si Samantha. Nakaupo sa isang upuan sa lilim ng isang puno.

V ( A Vampire's Kiss )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon