Chapter 31

4.5K 69 0
                                    

Isang linggo na rin ang lumipas at ang araw na pinakahihintay ng buong estudyante ng University of Makati - Recoletos ay dumating na rin sa wakas. Habang abala ang lahat sa paghahanda sa main event ng paaralan ay may nagaganap naman na pagtitipon sa bahay nina Jack kasama ang kanyang barkada.

Barkada 2: So what's the plan?

Jack: Ang kunin mula sa kamay ni Marcus si Samantha.

Barkada 2: In the middle of the crowd?

Biglang tiningnan nang matalas ni Jack ang isa sa kanyang mga miyembro.

Jack: Are you underestimating me? Huh?

Sa sobrang bilis ng kanyang paggalaw ay naglaho na parang bula sa paningin ng kanyang mga barkada si Jack at laking gulat na lang nila nang makita nila ito sa likuran ng kasamahan nila na nagquestion sa kakayahan ng kanilang pinuno.

Jack: Pity.

Bigla niyang binaon sa likuran ng kanyang miyembro ang kanyang kamay at ang buong braso niya. Tumagos ito sa katawan ng kawawang nilalang. Paghugot niya rito ay natumba ito sa harapan mismo ng kanyang ibang miyembro, duguan at wala ng buhay.

Jack: Any questions?

Walang sumagot ni isa.

Jack: Just stick to the plan. Grab the girl and bring her to me at the junk shop. Is that clear?

Yes Jack.

Sagot ng lahat.

Kinahapunan ay sinundo ng sasakyan ni Mother Sophia si Samantha sa kanilang tahanan. Sumakay siya rito at agad na tumungo papunta sa lugar ng sikat na fashion designer ng mga V.

Pagdating niya ay agad siyang pinapasok sa isang malaking kwarto na magara. Mula sa mga kagamitan hanggang sa mga dingding nito. Bumukas ang napakalaking pinto at pumasok ang anim na babae at agad siyang pinalibutan. Pinaupo siya sa upuan at iniharap sa isang mesang may salamin. Kinalaunan ay pumasok na si Mother Sophia, pinagmamasdan lamang ang kanyang mga manggagawa na gawin ang dapat nilang gawin. Ang mas lalo pang pagandahin si Samantha at ilabas ang tunay niyang pagkakababae sa lahat.

Habang sa mansyon ng mga V ay abala naman si Marcus sa paghahanda ng kanyang susuotin para sa Grand Ball mamayang gabi.

Ilang oras na rin ang nakakalipas at malapit nang matapos si Mother Sophia kay Samantha. Nang tuluyan na ngang matapos ang kanyang make-up ay si Mother Sophia na mismo ang sumama sa dalaga sa ibang kwarto. Sa loob ng isang kwarto na walang kagamit-gamit ay isang mannequin ang nakatayo sa gitna na siyang tanging may ilaw suot ang isang napakaganda at napakagarbong damit. Gawa sa mga hindi pangkaraniwang materyales. Pinaghalong itim at cream ang kulay nito.

Samantha: Akin po ba ito?

Mother Sophia: It's all yours and just yours.

Hindi makapaniwala ang dalagita sa kanyang nakita. Halos maluha-luha siya sa sobrang tuwa. Hindi siya makapaniwala na darating ang panahon na makakapagsuot siya ng isang mamahaling kasuotan.

Samantha: Ang ganda.

Mother Sophia: Suot na natin?

Samantha: Sige po.

Kinagabihan, ay pumasok si Esther sa loob ng kwarto ni Marcus at nadatnan niya ang kanyang anak na patapos na sa kanyang pagsusuot. Nilapitan niya ito at tinulungan sa mga kulang.

Esther: Ang gwapo talaga ng anak ko. Excited?

Marcus: Ma, tinatanong pa po ba 'yan?

Esther: Sabi ko nga. Mahal mo talaga siya noh?

Marcus: Sobra.

Napangiti bigla sa Esther sa sinabi ng anak.

Esther: Manang-mana ka nga sa papa mo.

Pagkatapos magbihis ni Samantha ay si Mother Sophia na mismo ang naghatid sa kanya sa kotse na maghahatid sa kanya sa venue.

Samantha: Mother thank you po talaga nang sobra.

Mother Sophia: You're welcome. Basta mag-enjoy lang kayong dalawa.

Samantha: We will Mother, we will.

Mother Sophia: O hala sige, lakad na at baka mahuli ka pa.

Samantha: Sige po.

Agad na sumakay ang dalaga sa sasakyan at ganun din si Marcus sa sasakyan niya at agad na tumungo papuntang venue.

V ( A Vampire's Kiss )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon