Chapter 4

7.3K 139 0
                                    

Isang gabi, sa hapagkainan. Sa isang napakahabang mesa na kasya ang dalawampung tao, kulay itim rin na gawa sa mamahaling kahoy, maging ang mga upuan nito, nakahanda ang pagkarami-raming pagkain na akalain mo ay may pagtitipong magaganap ay kumakain ang buong pamilyang V.

Si Don Faustino na nakaupo sa dulo, si Edgardo sa kanyang kanan at si Esther naman sa kaliwa habang si Marcus ay nakaupo katabi ng kanyang ama. Isang anunsyo ang ginawa ni Marcus na ikinagulat ng lahat.

Marcus: Gusto ko na pong pumasok sa paaralan.

Biglang dumulas ang kutsilyong ginagamit ni Esther sa paghihiwa niya ng mamahaling stake na nagmula pa sa mataba at malusog na baka na nilunod sa wine nang matagal at saka pinahiran ng mga mamahalin at mga hindi pangkaraniwang sangkap na akala mo ay kumakain siya sa isang kilalang restaurant sa Paris. Napatigil ang lahat sa sinabing yun ni Marcus.

Esther: Bakit? Ayaw mo na ba sa guro mo? Gusto mo kumuha tayo ng bago?

Marcus: Hindi naman po sa ganun. Naging malaking tulong din po ang mga itinuro niya sa akin. Gusto ko lang po talagang mag-aral nang normal na tulad ng iba.

Edgardo: Anong ibig mong sabihin Marcus? Hindi pa ba sapat ang ginagawa namin para sa'yo?

Marcus: Hindi naman po sa ganun, pero....

Don Faustino: Pumapayag na ako.

Biglang tiningnan ng tatlo ang matanda. Mahal na mahal ni Don Faustino ang kanyang nag-iisang apo.

Don Faustino: If that's what you want, then so be it. Bukas na bukas din ay mag-eenroll ka. Hindi pa naman huli ang lahat, kakabukas lang ng klase kaya makakahabol ka pa.

Marcus: Salamat po lolo.

Hindi mabayaran ng kahit na anong yaman ang sayang nararamdaman ng binata. Pagkatapos ng hapunan ay pinuntahan kaagad ni Edgardo ang kanyang papa' sa opisina nito.

Edgardo: Papa, what was that?

Don Faustino: The what?

Edgardo: Pinayagan niyo ang inyong apo na mag-aral kasama ang ibang tao? Alam niyo po ba ang ginagawa niyo?

Don Faustino: Oh definitely yes.

Sagot ni Don Faustino sa anak habang sinisindihan niya ang kanyang paboritong tobacco na nagmula pa sa Mexico.

Edgardo: Your putting my son's life in danger papa'.

Don Faustino: Tao pa rin siya Edgardo, hindi pa siya tulad natin. Kaya hayaan mo siyang maging malaya habang may oras pa.

Edgardo: Pero alam mo papa' na malapit na siyang maging tulad natin. Bakit mo siya pinayagan?

Don Faustino: Dahil hindi ko kayang tingnan ang apo ko na nakakulong sa malaking bahay na ito. Mahal ko siya, at kung mahal mo ang isang tao ay kailangan mo siyang palayain at hayaang gawin ang magpapasaya sa kanya. Tulad nang pagpapalaya ko sa iyo noon.

Tumalikod bigla ang ama sa anak at hinarap ang nagliliyab na tsiminea sa loob ng kanyang opisina na paboritong lugar niya sa naturang silid.

Napatigil bigla si Edgardo sa sinabi ng ama at sa narinig niyang 'yun ay bigla siyang napangiti. Tuluyang bumukas ang kanyang puso at tuluyang naunawaan ang lahat.

V ( A Vampire's Kiss )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon