Pagpasok ng Pamilya V sa kwartong nakareserba sa kanila sa loob ng palasyo ay agad na nagtanong si Marcus.
Marcus: Can someone please explain to me what just happened earlier?
Edgardo: Kumalma ka lang anak.
Marcus: Kumalma? Pa nasaksihan ko lang naman kung paano paslangin ng kinikilala niyong pinuno ang ibang bisita. And you expect me to calm down?
Don Faustino: What you've just witnessed is no longer new to us. It's a ritual that a leader will sometimes do every time there's a very big gathering just like this. Hindi lahat ng mga pinuno ginagawa 'yun. Ang iba, iba ang ginawa para malaman nila kung sino ang mga rebelde.
Marcus: Rebelde?
Esther: May iba kasi sa ating mga kalahi anak ang hindi sumusunod sa ating batas. May iba ay pumapatol at umiibig sa kanilang kapwa bampira kaya nakakabuo sila ng isang purong bampira na mahigpit na ipinagbabawal dahil ang pinuno lamang ang dapat na tanging may buong dugong bampira.
Edgardo: That's why dinala ka namin rito para maunawaan mo at malaman mo ang lahat.
Pinapatuyo nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga tuwalyang nilagay sa kanilang kwarto habang nag-uusap.
Marcus: Kaya pala tayo nagdala ng mga maleta akala ko mag-oovernight tayo dito. Para pala dun ang mga dala nating mga extrang damit.
Esther: Tama anak.
Don Faustino: Holy water ang tubig na lumabas sa mga sprinklers na tanging mga buong bampira lamang ang natatablan. Kung napansin mo apo nakontrol ng Mahal na Reyna kanina ang mga rebelde at dahil 'yun sa singsing na suot niya na bigay ng Pulang Buwan sa kauna-unahan pinuno ng ating lahi. Ang dahilan kung bakit ang pinuno lang ang dapat na maging isang buong bampira ay para panatilihin ang kapayapaan. Kung pantay-pantay ang kapangyarihan ng mga miyembro at respeto sa bawat isa pwede tayong mamuhay ng tahimik at matiwasay.
Edgardo: Hindi tulad ng mga bampirang napapanood mo anak sa telebisyon, hindi tayo immortal. Tumatanda tayo, nanghihina at namamatay rin kapag panahon na natin. Kaya tayo kalahating tao, kalahating bampira. Dahil may mga katangian pa rin tayo na tulad ng sa tao pero ang lakas, liksi at ibang katangian ay hindi pangkaraniwan na siya namang iba natin sa kanila.
Esther: Pagdating naman sa pinuno ay tanging ang Pulang Buwan lamang ang pipili nito at siya din ang magdedesisyon kung hanggang kailangan ang pamumuno niya. Sa pamamagitan ng singsing ay nagiging buong bampira ang mapipili at bawal siyang umibig hanggat siya ang namumuno.
Sa kalagitnaan ng pag-uusap ng pamilya ay may biglang kumatok sa pintuan.
Don Faustino: Tuloy.
Butler: Don Faustino magsisimula muli ang pagtitipon sampung minuto po mula ngayon.
Don Faustino: Sige, salamat. Susunod na kami.
Butler: Sige po, tutuloy na po ako. Salamat.
Don Faustino: O narinig niyo 'yun. Sige na maghanda na kayo.
Muli, bumalik ang lahat sa isang bagong kwarto na kasing laki ng dati at nagtipon-tipon ulit.
BINABASA MO ANG
V ( A Vampire's Kiss )
VampireNaging batas na ng lahi ng mga bampira ang umibig sa isang mortal at magsilang sa isang kalahating-tao at kalahating imortal. Itago ang tunay nilang katauhan hanggang sa tumungtong sa tamang edad para na rin sa kaligtasan ng buong angkan. Isa na ri...