Chapter 16

4.6K 82 0
                                    


Medyo nasurpresa si Marcus sa paglapit ni Samantha sa kanya.

Samantha: Iniiwasan mo ba ako?

Hindi kaagad nakasagot ang binata.

Marcus: Ahm, why should I?

Samantha: I don't know, maybe na offend ka sa pagbalik ko sayo ng bisikleta.

Marcus: Kung na offend man ako, eh ano naman sa'yo?

Samantha: It's not in my vocabulary Mr. Marcus V to hurt somebody's feelings intentionally.

Marcus: Sorry.

Biglang nagulat ang dalaga sa sinagot ng kausap niya.

Samantha: Ano ba?!

Si Marcus na naman ang nagulat nang sumigaw bigla ang kausap niya.

Samantha: Bakit ba ang bait mo, ha?! Anong klaseng nilalang ka?! Matuto ka namang magalit! Matuto ka namang mainis! Ano... pagsalitaan mo ako nang masama. Murahin mo ako, saktan mo ako, sampalin mo ako. Ano, ha?!

Biglang napangiti si Marcus sa inasal ni Samantha sa harap niya hanggang sa hindi na nga niya mapigilan ang kanyang nararamdaman at inilabas na niya nang tuluyan ang malakas niyang tawa.

Samantha: Eh ano naman ang nakakatawa don?

Marcus: Eh kasi, hahaha, kasi, ahm, hahaha.

Samantha: Niloloko mo ba ako?

Marcus: No, ahahaha, sorry. I just can't help myself. All right. Wait, okay, serious na. No doubt tinawag ka nilang sigang babae ng campus.

Habang nag-uusap ang dalawa ay bigla namang dumating ang sundo ni Marcus.

Marcus: O, nandito na pala ang sundo ko, I have to go.

Nang palakad na si Marcus papunta sa sasakyan ay nakasunod naman sa kanya si Samantha.

Samantha: Oi, wait lang. Hindi ka pa nakakaganti sa akin. Hoi, ano ba? Bigyan mo naman ako ng peace of mind.

Nang tuluyan nang nakasakay si Marcus at isasara na sana niya ang pintuan ay biglang....

Samantha: Ano ba Marcus V!

. muling bumukas ang pinto at hinarap ni Marcus ang nagwiwild nang si Samantha.

Marcus: You really want to make it up to me? Okay, ilibre mo ako bukas. See you tomorrow.

Sabay pasok sa loob at tuluyan na ngang umalis ang sasakyan.

Samantha: Libre?

Wika ng dalaga sa sarili habang nakakunot-noo at hindi maipinta ang mukha.

V ( A Vampire's Kiss )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon