Kinaumagahan ay nagising si Marcus na kakaiba ang pakiramdam kumpara sa ibang araw na nagising siya. Napakagaan ng kanyang pakiramdam, hindi siya nakakaramdam ng antok o pagod man lang. Tiningnan niyang muli ang kanyang sarili sa isang pirasong salamin at halatang-halata ang namumula niyang mga mata at matatalas niyang pangil.
Biglang dumating si Esther at binati ang anak.
Esther: Good morning anak.
Marcus: Good morning ma.
Biglang napansin ni Marcus na hindi siya nakasuot ng salamin sa kanyang mga mata pero napakalinaw ng kanyang paningin. Napansin din 'yang wala na ang braces sa kanyang bibig. Tiningnan niya ang kanyang ina na may halong gulat. Ginantihan naman siya ng kanyang ina ng napakagandang ngiti.
Esther: Isa lang 'yan sa mga pagbabagong mapapansin mo sa iyong sarili anak. Marami ka pang madidiskubre.
Marcus: Pero paano 'tong mata at pangil ko?
Esther: Ikaw lang ang makakakontrol niyan. Kumalma ka at kontrolin mo ang mga 'yan sa pamamagitan ng iyong isip.
Kaya pumikit sa Marcus, kumalma at nag-isip na mawawala na ang kulay pula sa kanyang mga mata at matatalas na mga pangil. Nang sa kanyang pagmulat ay nawala nga ang mga ito.
Esther: Sa pamamagitan ng ating emosyon anak ay nagagawa natin ang mga bagay na 'yan, sa oras na maghari ang galit sa ating sarili paminsan-minsan ay lumalabas ang ating mga katangian ng kusa. Kaya mag-ingat ka.
Agad na naghanda si Marcus para pumasok muli sa paaralan. Naligo siya at kita sa kanyang katawan ang ganda ng hubog nito. Ang bakat ng mga laman na tamang-tama ang pagkakahulma. Ang puti at kinis ng kanyang balat na halos kasing tulad na ng sa sanggol. Ang mabango at malinis niyang itsura ay mas lalong sumisibol. Ang kanyang pagiging magandang lalaki ay mas lalong umusbong ngayong isa na siyang kalahating bampira.
Nag-iba din ang panlasa ni Marcus pagdating sa mga damit. Nang tiningnan niya ang kanyang closet ay para siyang nandiri sa kanyang mga nakita. Mga necktie, bowtie, polos, slax pants at iba pang mga kasuotan na hindi na niya kayang isipin na suotin. Napabuntong hininga na lamang siya at napatalikod bigla sa kanyang closet dahil wala siyang mapili-pili sa mga dating damit niya. Nang sumalubong sa kanya ang isang RRJ leather jacket, white Lee t-shirt, black Levi's maong pants, black Converse shoes at black RayBan sunglasses na nakalapag sa kanyang higaan. Nang nasuot na niya ang mga ito ay agad siyang bumaba at nasurpresa siya nang makita niya ang kanyang buong pamilya sa paanan ng hagdanan, naghihintay sa kanya.
Marcus: Hey, good morning. What are you guys doing down there?
Don Faustino: Waiting for you apo.
Edgardo: We just can't wait anak to see the new Marcus V.
Esther: Nagustuhan mo ba anak?
Marcus: I love it. Thanks ma.
Esther: Alright, let's have some breakfast.
Marcus: No ma, it's almost time. So kailangan ko nang umalis. Mag dridrive thru na lang ako.
Paalam ng binata sabay halik sa kanyang mama.
Edgardo: But wait hindi pa handa ang hahatid sa'yo.
Marcus: No need... I'm driving.
Agad na nilabas ang black sports car na siyang gagamitin ni Marcus papunta sa kanyang eskwelahan.
Sumakay siya rito at agad na pinaandar.
Marcus: Bye guys.
Saka umalis nang tuluyan nang napakabilis.
Habang nakatayo sina Don Faustino, Edgardo at Esther sa may pintuan pinagmamasdan ang pag-alis ng kalahating bampira na na si Marcus.
BINABASA MO ANG
V ( A Vampire's Kiss )
VampireNaging batas na ng lahi ng mga bampira ang umibig sa isang mortal at magsilang sa isang kalahating-tao at kalahating imortal. Itago ang tunay nilang katauhan hanggang sa tumungtong sa tamang edad para na rin sa kaligtasan ng buong angkan. Isa na ri...