Chapter 20

4.7K 86 5
                                    

Ang araw ng kaarawan ni Marcus ay dumating na.

Pagising ni Marcus ay pilit niyang pinapasigla ang kanyang sarili sa araw niya. Ayaw niya kasing madamay ang mga taong pilit na pinapasaya siya sa araw ng kapanganakan niya. Kaya naman pagdating niya sa hapagkainan ay nakangiti niyang sinalubong ang kanyang lolo at mga magulang.

Marcus: Good morning po.

Don Faustino: Good morning apo and happy birthday.

Esther: Happy birthday anak.

Edgardo: Happy birthday.

Marcus: Thank you. Thank you so much.

Don Faustino: What do you want apo for this special day of yours.

Marcus: Good health maybe and of course, you guys. I just want to see you happy, always happy.

Esther: O anak ha, umuwi ka nang maaga mamaya at may konting salo-salo tayo mamayang gabi. Tayo-tayo lang naman.

Marcus: Sure, sige po.

Pumasok si Marcus sa paaralan na parang walang nangyari. Parang normal na araw lang, papasok sa loob ng silid -aralan, makikinig sa guro, isusulat ang natutunan at iintindihin. Pagkatapos ng klase, lilipat naman sa isa. Makikinig naman sa bagong guro, pagbreak na, lalabas ng silid, pupuntang canteen at bibili ng pagkain.

Naglakad siya sa buong campus na parang walang kakilala. Kumikibo at nakikipag-usap lamang siya kapag kinakailangan. Ni hindi niya hinanap si Samantha. Pero sa kasamaang palad ay nagtagpo sila ni Jack sa hallway. Nang makita ni Marcus ang grupo nina Jack ay agad siyang umatras at 'di na nagpatuloy sa kung saan man siya papunta. Bumalik siya sa kanyang dinaraan at laking gulat na lang niya nang nasa tabi na niya si Jack at bigla siya nitong inakbayan.

Jack: Hey, o wait, wait lang. Huwag ka munang bad trip. Bad trip ka naman kaagad eh. Alam mo good boy na ako ngayon. Kasi nga 'di ba naalala mo nandito erpat ko kahapon? Pinatawag ng faculty kaya 'yun, siya na daw mismo ang bahala sa akin kung may gagawin pa akong karantaduhan.

Kinuha na ni Jack ang kamay niya kay Marcus at hinayaan na ang binata.

Jack: Bakit nga pala wala si Samantha ngayon? Ha?! LQ ba kayo kahapon?!

Nagtawanan ang barkada ni Jack sa sinabi ng kanilang leader.

Jack: Oh yes good boy na ako Marcus. Good boy na ako pero sa loob lamang ng campus.

Bulong ni Jack sa kanyang sarili.

Hindi pinansin ni Marcus si Jack maging ang sinabi nito sa kanya na wala ang dalaga sa buong campus.

Kinahapunan, habang naghihintay si Marcus sa kanyang sundo ay bumalik sa kanyang isipan ang nangyari kahapon sa kanilang dalawa ni Samantha.

At wika niya sa kanyang sarili:

Mahal kita Samantha. Ikaw ang unang babaeng minahal ko at siguro ang panghuli na rin. Dahil sa sobrang mahal kita hindi na kita guguluhin pa, kahit masakit okay lang. Ganyan kita kamahal. Basta't masaya ka kahit na sa piling ng iba ay masaya na rin ako para sa'yo.

At dumating na nga ang sundo ng binata at saka agad na umuwi pabalik ng mansyon.

V ( A Vampire's Kiss )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon