Chapter 12

5.2K 86 0
                                    


     Pagdating ng binata sa kanilang bahay ay agad siyang sinalubong ng kanyang ina.

Esther: Anak, parang malungkot ka ata. May nangyari ba sa school?

Marcus: Wala naman po. Sige po magpapahinga na po ako.

     Agad na iniwan ng anak ang ina niya.

Esther: Ah... anak?

     Dumating naman bigla si Edgardo.

Edgardo: Anong nangyari?

Esther: Hindi ko alam, pero parang may hindi magandang nangyari.

Edgardo: Hayaan mo na. Baka pagod lang ang anak mo.

     Biglang lumapit ang isang katulong sa mag-asawa na may dalang sobre na naglalaman ng sulat. Isang itim na sobre na ang tintang gamit ay dugo. Nagtinginan ang mag-asawa nang natanggap nila ang sobre, hindi nila alam kung bakit pero hindi maganda ang kanilang kutob sa kung ano man ang nilalaman ng naturang papel. Binuksan ito ni Edgardo at tumambad sa kanila ang isang imbitasyon mula sa Reynang Bampira na si Reyna Vladina.

     Ang sabi sa imbitasyon:

     Isang magandang araw sa inyo'y bumabati!

     Sana'y nasa masiglang pangangatawan at maayos na sitwasyon kayo sa oras na matanggap niyo ang imbitasyon na ito. Malapit nang sumapit muli ang pulang buwan at sa araw na buo ito ay nais kung makita kayong lahat. Sa parehong lugar sa aking palasyo tayo'y magtitipon-tipon. Gusto kong isuot niyo ang pinakamagara at pinakamagarbo niyong kasuotan sa napakahalagang okasyong ito. Dapat lahat ay pumunta, lalo na ang mga bagong kasal na may mga bagong anak na nais kung makilala. Pero seguraduhin niyo na sa oras ng aming pagkikita ay karapatdapat siyang humarap sa akin bilang inyong pinuno.

     Sa iba pang detalye o kung meron kayong katanungan ay pwede kayong sumulat. Ipadala niyo lang sa address na nakasulat sa sobre at gagawin namin ang lahat na sagutin ang mga nais niyong liwanagin sa lalong madaling panahon.

     Sumasainyo,

     Reyna Vladina Greta

     Pagkatapos basahin ng mag-asawa ang liham ay biglang nabuo sa kanilang mga dibdib ang kaba at pangamba.

Esther: Anong gagawin natin?

Edgardo: Huwag kang mag-alala. Kaarawan na ni Marcus sa susunod na linggo, kaya bago sumapit ang buong pulang buwan ay bampira na siya.

     Wika ng padre de pamilya sabay yakap sa kanyang asawa na labis na nag-aalala.

V ( A Vampire's Kiss )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon