Samantala, si Samantha naman ay pumuntang library, naghanap siya ng libro na gagamitin niya sa kanyang gagawing report. Nang nahanap na niya ang mga kakailanganin niya ay agad siyang nagtungo sa mga mesa, pero halos puno ang mga ito. Ginala niya ang kanyang mga mata hanggang sa nakakita siya ng isa. Agad siyang naglakad patungo rito nang biglang naunahan siya ni Marcus. Bigla siyang napahinto at napatitig. Gustuhin niya mang umalis at lisanin ang lugar pero may kung anong hangin ang nagtutulak sa kanya na samahan ang binata. Sa halip ay nagpakawala na lamang siya nang isang malaking buntong-hininga at saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa mesa.
Samantha: Hi.
Muli napatingala si Marcus pero hindi ito sumagot nang makita ang dalaga.
Kahit na walang natanggap na sagot si Samantha ay umupo pa rin siya at sinamahan si Marcus. Kinuha niya ang kanyang ibang gamit na kakailanganin niya sa gagawin niyang report. Binuksan niya ang aklat na nahanap niya at sinulat ang mga impormasyong kakailanganin at magagamit niya. Nang biglang nagsalita ang kanyang kasama.
Marcus: Sinusundan mo ba ako?
Wika ng binata habang hindi nakatingin sa kanyang kausap at patuloy sa ginagawa niya.
Samantha: Excuse me?
Nang sumagot si Samantha ay saka lamang siya hinarap ni Marcus.
Marcus: Ang sabi ko, sinusundan mo ba ako?
Biglang napaisip ang dalaga.
Samantha: No.
Marcus: Really now? Noong una sa cafeteria ngayon naman dito sa library. Are you sure about that?
Samantha: I know what you're thinking and definitely you are wrong.
Marcus: Talaga? Dahil ba nagbago na ako, lalo na ang itsura ko ay ikaw ngayon 'tong buntot nang buntot sa akin?
Samantha: Ganyan ba talaga kababaw ang tingin mo sa akin?
Biglang tumahimik panandalian.
Marcus: Maybe?
Nagulat ang dalaga sa sagot sa kanya ng lalaking noon lamang ay umamin sa kanya na mahal siya.
Samantha: Nagbago ka na nga, dahil hindi na ikaw ang dating Marcus na nakilala ko.
Agad nagligpit si Samantha at lumabas ng library.
Maging si Marcus ay nagulat sa sinabi niya. Pero sa halip na ubusin niya ang kanyang oras sa pag-aalala ay ibinalik na lamang niya ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa nang mahagip ng kanyang mga mata ang isang bagay na nakalapag sa ibabaw ng mesa. Ang diary ni Samantha. Kinuha niya ito at binuksan sa bahaging may bookmark. Binasa niya ito at ang sabi:
July 1, 2014
Dear Diary,
What a day.
Ang araw na kinakatakutan ko. Ang mahuli ako ni kupido at tamaan ng kanyang pana. Kaninang umaga sa paaralan ay sabay kaming kumain ni Marcus, bagong estudyante sa paaralan. Nilibre ko siya, oo, sa kuripot kong 'to ay may gana pa akong nanglibre sa taong kakilala ko lang. Hindi ko rin alam kung bakit, kahit ako mismo ay hindi ko maipaliwanag. Ang tanging alam ko lang ay masaya ako sa oras na iyun na magkasama kami. Lalo na nang ipinagtanggol niya ako sa sigang pinuno ng grupong Black Hunters. Sa pinakuanang pagkakataon ay may nagtanggol na lalaki sa akin. Kinabahan din ako at the same time. Muntik na kasi siyang pinatulan ni Jack. Pero si Marcus, hindi ko siya nakitaan ng konting takot o kaba man lang sa kanyang mukha na para bang lalabanan niya talaga si Jack kahit anong mangyari. Kinabahan din ako kasi ayoko ko ring masaktan siya. Pagkatapos naming kumain ay naglakad kami sa buong campus hanggang sa nakarating kami sa isang puno ng acacia. Napakasarap ng simoy ng hangin. Napakatahimik, matiwasay at very relaxing ang feeling habang nakaupo lang kaming dalawa sa lilim ng punong 'yun. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko kahit kaming dalawa lang sa lugar na iyon. Na para bang ayoko nang matapos ang araw knowing that magkakahiwalay din kami by the end of the day. Pero may nangyari na hindi ko inaasahan. Nagtapat si Marcus ng nararamdaman niya sa akin. He asked me a question that I'm keep on avoiding from guys, that's why I chose to be like this. Hard, rough, tough and difficult. Pero si Marcus, iba siya. Bigla akong nagbago nang makilala ko siya. I don't know why. Gaya nga nabanggit ko he told me about his feelings for me. That he love me. Pero naging matatakutin ako. Sa halip na sagutin ko siya ay tumayo ako at may planong iwan siya. But he stopped me and with all respect he told me that he wouldn't force me to love him as well immediately. He's willing to wait but he just wanted to know if he has a chance. And I said NO.
But the truth is, I really want to say YES during that time, I really do. But it's just that I'm scared na baka nabigla lang siya sa kanyang nararamdaman at iiwanan niya lang ako. Ako na anak lamang ng isang delivery truck samantalang siya ay nag-iisang anak ng mga V. Siya lang naman ang isa sa mga tagapagmana ng V Telecommunications. Ayokong saktan siya o biguin siya pero I don't have a choice. Ayokong darating ang panahon na masisira lang lahat ng mga pangarap ng mga magulang ko sa akin dahil lang sa isang lalaki. Mabuti na 'yong ako na mismo ang lumayo at iwasan ang mga bagay-bagay na pwedeng maging dahilan ng tuluyang pagbagsak ng aming pamilya.
Hanggang dito na lamang.
Nagmamahal,
Samantha
Nang nabasa na ni Marcus ang nilalaman ng diary ni Samantha ay kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkagulat. Agad siyang nagligpit at umalis ng library. Hinanap niya si Samantha sa buong campus, nagtanong-tanong siya, pero lahat sila ay walang alam. Hanggang sa naalala niya ang puno ng Acacia kaya naman ay agad niyang pinuntahan ang naturang lugar na iyon. Hindi nga siya nagkamali, nandoon nga ang taong hinahanap niya. Sa lilim ng puno nakaupo, umiiyak.
Hindi namalayan ni Samantha ang paglapit ni Marcus sa kanya hanggang sa napansin na lang niya ang mga paa nito. Kaya tumingala siya.
Samantha: Marcus?
Sinamahan ni Marcus si Samantha kaya tinabihan rin niya ito at saka binigay ang diary sa nagmamay-ari.
Samantha: Ang diary ko.
Marcus: I'm sorry.
Samantha: Binasa mo?
Marcus: Yes, and I'm sorry.
Samantha: It's okay, at least sa pamamagitan nito ay nasabi ko lahat ng hindi ko kayang sabihin sa'yo nang harap-harapan.
Marcus: You don't have to be scared. I am willing to give up everything just to be with you. Even my own life.
Napangiti si Samantha sa sinabing 'yun ni Marcus sa kanya habang walang tigil naman ang kanyang mga luha sa kakapatak.
Marcus: I love you.
Samantha: I love you too.
Sa wakas ay nasabi na rin nilang dalawa sa isa't isa ang gusto nilang sabihin at natapos ang araw na iyon sa isang matamis na halik sa labi.
BINABASA MO ANG
V ( A Vampire's Kiss )
VampireNaging batas na ng lahi ng mga bampira ang umibig sa isang mortal at magsilang sa isang kalahating-tao at kalahating imortal. Itago ang tunay nilang katauhan hanggang sa tumungtong sa tamang edad para na rin sa kaligtasan ng buong angkan. Isa na ri...