Lust

6.2K 85 2
                                    

Charmaine

Pack-up na naman ang taping. Pangatlong beses na ito sa loob ng dalawang linggo.

Wala pa rin kasi si Irvin. Hindi na naman sumipot. Dalawang linggo na itong hindi nakikita at nakakausap ni Charmaine. Doon pa sa birthday party ni Ana sila huling nag-usap at nainis pa nga siya sa boyfriend dahil sa kabubuntot ni Maricar.

"Hey Babe, wanna go clubbing tonight?" Tumabi sa inuupuan niyang sofa si Paolo. Naroon sila sa "bahay" nila sa set. Nire-review niya ang script habang naghihintay kung tuloy ba talaga ang taping o hindi. Dahil nga nag-announce na si Direk na sa makalawa na lang ulit ang taping at magkakaroon daw ng revision sa script kaya uuwi na lang siya.

"I'm grounded," sagot niya. Pinagalitan kasi siya ng kanyang ama noong inabot siya ng umaga sa club last week kasama ang mga kaibigan at si Paolo.

Naiirita na nga siya sa kabubuntot nito. Isang beses na may hiningi siyang pabor noong nasa out-of-town show siya sa Cabanatuan dahil nasiraan sila ng service at ito nga ang nagmaneho para sa kanila ay di na siya nito tinantanan sa panliligaw. Alam naman nito na boyfriend niya si Irvin pero ang kulit-kulit pa rin.

He leaned closer and whisphered to her ear. "Gusto mo tulungan kitang tumakas."

Itinulak niya ito. "Tumigil ka nga. Ayaw ko ng ma-bad-shot pa lalo sa akin ang papa ko. Kaya pass muna ako."

"Takot ka pala sa tatay mo e." Natatawa pang sabi ni Paolo.

"Aba natural! Tatay ko iyon. Hindi sa takot kundi respeto. Kahit naman ganito ako e nirerespeto at mahal ko ang Papa ko." Sa inis niya ay tumayo na siya para hanapin si Yaya Lucing.

"Hangout na lang tayo mamaya. Wanna go to my place?"

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang lalaki, "Paolo, I have other things in mind. Nagsimula na ako ng homestudy para sa highschool. Kaya please, huwag mo na akong pilitin kung ayaw mong magalit ako sa iyo."

Itinaas nito ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Okay... If that's what you want." He went away.

Salamat naman. Tinantanan din niya ako, sabi ni Charmaine sa isipan niya.

Naisip niyang tawagan ang kanyang manager. "Tita Precy, wala pa rin bang balita kay Irvin?" Tanong agad niya nang mag-hello ang manager.

"Wala pa rin akong balita. Hindi pa rin ba sumasagot si Irvin sa mga tawag mo?"

"Out-of-service pa rin. Ano kayang nangyari sa kanya? Iyong parents niya hindi po ba nakausap ni Tito Pio?"

"Umalis na raw ulit ng bansa. Wala pa rin akong konkretong balita sa totoo lang. Puro tsismis ang naririnig ko."

"Tsismis? Kagaya ng ano po?"

"Naaksidente daw si Irvin at dinala sa ibang bansa dahil comatose ito."

Bigla siyang pinangilabutan sa narinig.

"Sabi naman na nagbakasyon daw si Irvin sa ibang bansa at iyong isa ay ipinasok daw sa rehab dahil nagdo-droga."

"Si Irvin addict? E napaka-good boy noon e."

"Iyon na nga. Sa mga tulad nating kilala siya syempre hindi tayo dapat basta-basta naniniwala. O sige na at may meeting pa ako."

"Okay Tita." She ended the call.

Nasaan na nga kaya ang kanyang ka-loveteam?

Lumipas pa ang isang buwan at naglabas na ng statement si Tito Pio na nakausap daw nito ang mga magulang ni Irvin at sinabing pinatigil na ito sa pag-aartista at sa ibang bansa na maninirahan ang pamilya nito. Biglaan daw ang naging pag-alis dahil sa kinailangang mag-migrate na ng pamilya nito. Nagpa-presscon pa nga ito. Sinagot ng mga magulang ni Irvin ang lahat ng nabinbing kontrata ng anak.

Vengeful HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon