Surrender

3.7K 105 1
                                    

Irvin

"Parang awa mo na Irvin. Siputin mo ang guesting kay Tito Boy! Bukas iyon. Huwag na huwag mong kakalimutan." Mahigpit na paalala ni Tito Pio habang pabalik-balik itong naglalakad sa sala ng condo ni Irvin. "Ginawan ko na nga lang ng dahilan kung bakit wala ka as presentor sa Myx awards kagabi. Kaya tigilan mo na yang paglalasing mo." Litanya pa nito at may kasamang hampas pa sa kanyang braso nang lumapit ito.

"Aray naman," reklamo niya habang pasalampak na nakahiga sa sofa.

Hinampas ulit siya nito sa kabilang braso naman. "Ano bang problema mo at ilang araw ka ng ganyan?"

Itinaas niya ang dalawang kamay at nag-inat. Medyo nahihilo pa siya sa dami ng nainom kagabi.

"Tigilan mo na iyan. Nag-away ba kayo ni Maricar? Babae lang iyan. Maghanap ka ng iba." Tuloy-tuloy pa ring sermon nito at namay-awang pa.

"Tandaan mo. Hindi ka pwedeng ganyan palagi. Bibigyan lang kita hanggang ngayong araw na ito para ayusin ang sarili mo. Tingnan mo, may shooting ka ngayon ng MTV pero pina-cancel ko na dahil di ka makausap ng matino. Bukas, may shooting ka ng movie. Please puntahan mo. Maawa ka sa producer at kina Charmaine. Huwag mo sayangin oras nila."

Lalo tuloy kumirot ang ulo niya pagkarinig sa pangalan ni Charmaine. Isang linggo na ang nagdaan nang malaman nito ang katotohanan. Mula noon ay di pa sila nagkikita ng dalaga. Should he rephrase his thought, hindi pa siya nagpapakita kay Charmaine. Wala pa siyang lakas ng loob na harapin ito matapos ang nangyari. Palagi siyang umiiwas. Buti na nga lang at puro hiwalay na eksena ang kinukunan sa kanya nitong huli.

(Flashback)

"Bakit ka ba naglalasing?" Ininom ni Irvin ang natitirang whisky sa kopita.

Paano ba niya sasagutin itong si Charmaine kung bakit siya naglalasing? Simple lang naman ang kasagutan. Dahil si Charmaine mismo ang rason kung kaya siya nagkakaganito. Matapos niyang maamin at masabi ng di sinasadya sa dalaga doon sa kanilang bed scene na mahal pa rin niya ito ay bumaliktad na ang kanyang mundo. Mabuti na nga lang at inakala ni Charmaine na dialogue niya pa rin iyon.

Yes, it's true. He still cares for her. He still adores her. He still loves her. He will never get over her.

That's the fact that his system is having a hard time digesting. After all these years, Charmaine will still be the end of it all.

Kung sa mahabang prusisyon si Charmaine ang simbahan sa kasabihang iyon.

Kahit anong galit, pagsumpa at paghihiganti ang isipin niya para sa dalaga ay walang katuturan dahil palaging sa huli, iyong pagmamahal pa rin niya ang nagwawagi. Kaya nga mula noong araw na iyon ay pinipilit niyang kalimutan ang taong sanhi ng kanyang paghihirap. Hindi nakakatulong na ang mismong taong iyon ay nasa harapan niya.

"Why are you here?"

Her beautiful faced turned pale. "Vin, may ---"

May problema kaya si Char? Agad siyang nabahala. Hindi ito basta susugod sa condo niya ng walang dahilan. Ano na naman bang napasukan nito? Palagi na lang siyang nag-aalala kay Charmaine. Alam niyang hirap na hirap na ito sa mga dinadalang suliranin. Kaya nga natunaw na lang lahat ng galit niyang nabuo noon. Ngayon, sarili naman niya ang kinagagalitan.

"May kumakalat daw na sex video sa dressing room recently. I'm afraid na baka tayo yon Vin. Alam mo na ba iyon? Natatandaan mo pa ba iyon?"

What the hell was that?

Images of their hot scene on that dressing room appeared on his mind.

He remembered her soft skin, her proud bosom, her hot lips. A certain member of his body is getting alive. When he looked at her, he saw her pouted lips. "The hell I care." Trying to hide what's really going on with his head.

Vengeful HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon