Exposed

4.3K 86 5
                                    

Charmaine

"Take your clothes off." Pahayag ni Direk Chris matapos sabihin at iarte ni Charmaine ang mga linya sa harap ng panel.

"Po?" Nabigla pa niyang tanong.

"Maghubad ka na." Pag-ulit nito na walang-kurap na nakatingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa narining.

"Ba-bakit ako maghuhubad?"

"Di ka yata na-orient ng manager mo," sabi ng middle-aged na babaeng naroon din sa panel. "You will need to go topless sa mga love scenes. We need to see your body if you will be fit for the role. Kung hindi mo kaya, pwede ka ng lumabas at ng di nasasayang ang mga oras natin dito."

Napahawak tuloy siya sa pinaka-ibabaw na butones ng blusa niya. Naka-skirt at polo-blouse siya ng araw na iyon.

Apat ang bumubuo ng panel. Si Direk Chris, iyong babaeng masungit, si Irvin at iyong isa pang lalaki na di niya kilala. In short, maghuhubad siya sa harap ng tatlong lalaki. Kahit pa man may mga tsismis na gay daw si Direk Chris, lalaki pa rin iyon sa isip niya. Lalong-lalo na sa harap ni Irvin ... maghuhubad siya!

Hindi niya kaya! Lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa blusa. Nagdesisyon siyang lumabas na.

"You won't even try?" Narinig niyang sabi ulit ng babae. "This could be your gatepass back to the limelight. Ano ba naman na makita namin ang boobs mo e kailangan naman sa eksena."

Humakbang pa ulit siya palabas.

"The contract is good with a very nice compensation. You won't even try?"

Bakit ba ang kulit ng babaeng iyon?

Well, tama siya. Kung makukuha niya ang role, mababayaran niya ang mga utang nila at di na niya kakailanganing problemahin ang pagbabayad sa pagpapagamot sa kanyang ama. Labag man sa loob niya ang nais ipagawa ng mga ito ay mas nangibabaw ang matinding pangangailangan niya sa pera kaya napapihit siya at bumalik sa gitna.

Sandaling pagpapakita lang naman ito ng katawan. Pwede nilang tingnan, pero di naman mahahawakan. Iyon na lang ang inisip niya para lumakas ang loob.

Huminga muna siya ng malalim at pinilit na pakalmahin ang sarili. Sa unang butones na natanggal ay nangilabot siya sa nerbyos. Pakiramdam niya ay hihiwalay na ang kanyang kaluluwa sa sobrang tensyon. Oo nga at liberated siyang manamit pati na rin sa pagkilos. May pagka-wild pa nga siya noong teenager siya pero ang maghubad sa harap ng ibang tao ay wala sa bokabularyo niya kaya ganon na lang katindi ang kanyang kaba.

Napagawi ang tingin niya kay Irvin. Titig na titig ito sa kanya. Kung iyong tatlong judges ay abala sa pagdidiskusyon, ito ay walang patlang na nakatingin lang sa kanya. Katulad ng malamig na pagtitig nito sa kanya noong una silang magkita sa ospital ay ganon pa rin ang nararamdaman niya habang tinititigan siya nito ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay pinapana siya nito ng bolang may lamang ice-cold water.

Natanggal na niyang lahat ang butones pero di pa niya inaalis ang blouse. Hinintay niyang matuon sa kanya ang pansin ng mga nagtatalong judges.

"Are you ready?" Tanong ni Direk Chris nang mapansin ng mga ito na naghihintay na siya.

"Yes I am." Pagkasagot sa direktor ay tinanggal niya ang pantaas pati na rin ang hook ng bra. Ibinaba niya ang dalawang strap at malaya ng nasilayan ng mga judges ang boobs niya.

Naiihing natatae ang pakiramdam niya habang ine-eksamin ng mga ito ang katawan niya. Bigla tuloy na nilamig siya kahit di naman nakatodo ang aircon at kanina pa nga ay pinagpapawisan siya.

"Nice curves," sabi ni Direc Chris. "What do you think Irvin?"

Napatuon tuloy ang tingin niya kay Irvin. Nakita niyang napalunok muna ito bago sinagot si Direk. "Okay."

Vengeful HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon