Loveteam

3.5K 79 1
                                    

Charmaine

Walang text.

Walang tawag.

Wala ring gift.

Two weeks ago, ang saya-saya ni Charmaine pag-gising pa lang sa umaga.

Five days after that, wala man lang paramdam si Irvin sa kanya.

Ano na nangyari?

Di na kasi sila nagkikita recently dahil tapos na ang shooting ng movie. Busy na ito malamang sa bagong teleserye samantalang abala rin siya doon sa mini-series na ginagawa niya kay Direk Chris pa rin.

Sa susunod na linggo ay may pre-movie promo sila ni Irvin sa isang mall. Sigurado siyang makikita niya ang lalaki doon. Take note, dededmahin n'ya ito ng bonggang-bongga.

May bagong offer pa nga raw na indie film sa kanya ayon kay Tita Precy nang mag-usap sila kahapon. Natuwa siya sa magandang balita. Pero bakit ganon? Masaya naman siya sa bago niyang project pero parang may kulang.

"Char, final song mo na." Tinawag siya ni Rowena mula sa dressing room niya sa El Gracia.

"Okay.. Lalabas na ako." Sinilip niya ulit ang kanyang cellphone at wala talagang message galing kay Irvin.

Masama na ito. Naghihintay siya sa wala.

Bumalik siya ng stage at kinuha ang kanyang gitara.

"Enjoying the night so far?" She said to the jampacked customers of the acoustic bar.

"Yes!" Sagot naman ng mga tao.

"Any request for my final song?" May lalaking tumayo at nag-abot sa kanya ng isang tissue paper na may mga nakasulat na songs.

Binasa niya ang naroon. "All I ask by Adele, Teardrops on my Guitar, Waiting in Vain." Tumigin siya sa mesa noong lalaking nag-abot ng tissue.

"Parang nangangamoy heartbreak." Tinuro noong guy iyong babaeng kasama nito. Kumaway iyong girl.

"I can't make you love me... I know this... Sige, for my final song tonight. I dedicate this to.. what's her name?"

"Jenni.." Sigaw ng lalaki.

"Okay Jenni.. this is for you."

She strummed her guitar for the intro of the song by Bonnie Raitt.

Turn down the lights

Turn down the bed

Turn down these voices inside my head

Lay down with me

Tell me no lies

Just hold me close, don't patronize

Don't patronize me

She looked at Jenni's table. Nakita niyang uminom ito ng beer.

'Cause I can't make you love me if you don't

You can't make your heart feel something that it won't

She looked on the other tables. May kanya-kanyang mundo ang mga audience niya. Some are lovers, some are barkada having fun in the night.

Here in the dark, in these final hours

I will lay down my heart and I'll feel the power

Ibinalik niya ang mata kay Jenni. Tinakpan nito ang mukha gamit ang kamay. Could she be crying?

But you won't, no you won't

Vengeful HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon