Protective

3.5K 66 3
                                    

Charmaine

Puro sermon ang inabot ni Charmaine kay Tita Precy matapos ma-ere ang interview niya sa The Talk. Nang mismong gabing iyon ay pinuntahan siya ng kanyang manager at kinompronta sa padalos-dalos na hakbang raw na ginawa niya. Ngunit wala siyang pagsisising maramdaman. Sa totoo lang, mas gumaan nga ang kanyang pakiramdam. Kahit nga si Irvin ay di siya napigilan sa ginawang pagpapa-interview. Tahimik itong nanood at sumuporta habang ginaganap iyon.

Syempre, mixed reaction ang mga taong nakapanood. As the saying goes ika nga, you can not please everybody. Sa kaso niya, she can't convince everybody. Knowing her bad image before ay mas kapani-paniwala na totoo ang sinasabi ni Maricar.

But still.. she stands on the truth. Sa tingin niya ay wala siyang ginawang masama. Napapanahon na para linisin ang kanyang nasirang pangalan.

Nag-aalala rin siya na baka makaapekto iyon sa kanilang pelikula. Subalit, noong sandaling iyon ay buong-buo ang loob niya kaya anuman ang kahihinatnan ay nakahanda na siyang harapin ang kapalit nito.

Magdadalawang linggo na siyang laman ng mga tabloid, social media at mga talk shows. Pero di na siya ulit nagkomento pa sa mga nasabi niya kay Tito Dave. Iyong tungkol sa paratang ni Maricar ay sinagot niya ng buong-buo. Hindi nga lang niya kinuwento ang pagbabantang ginawa ng dalaga. Binigyan pa niya ito ng pagkakataon.

Pero sa susunod na may gawin pa itong masama sa kanya ay di na siya magdadalawang-isip na idetalye sa media ang bahaging iyon. Maging ang scandal niya noon sa mga advertisers na binash niya sa video ay inamin niya rin at ginamit na rin niya ang pagkakataon para humingi ng tawad sa lahat ng nasaktan sa pagiging iresponsableng teenager.

Inamin niyang lasing na lasing siya noon sa video. Iyong kumalat na video ay parte ng consequence niya sa laro nilang magbabarkada. Dahil nga natalo siya ay kinailangan niyang gawin iyon dahil parte iyon ng kanilang katuwaan. Ang hindi nga lang niya inasahan ay may trumaydor sa mga kaibigan niya at kinuhanan siya habang isa-isa niyang binabastos ang mga endorsements niya noon.

Nasabi rin niya ang lahat ng kanyang pinagdadaanang kahirapan mula sa pagkasunog ng kanilang pabrika, pagkawala ng kanilang bahay hanggang sa pagkakasakit ng kanyang ama. Pati na rin ang kawalan niya ng trabaho na halos magmakaawa siya sa kanyang manager para may pambayad sila ng renta. Mugtong-mugto ang mata niya matapos ang interview.

Tabong-tabo nga sa rating ang The Talk noong iniere ang episode.

Sa likod ng intrigang kinaharap ni Charmaine ay patuloy pa rin si Irvin sa pagpaparamdam na mahal siya nito. Gifts, frequent visits on the set o sa bahay nila, calls or dinner lalo na kung magkasama sila after a movie promo ay walang mintis.

Sanay na sanay na nga siyang bahagi si Irvin ng araw niya. Kahit bago pa siya makatulog ay ang kwentuhan nila ang nagpapa-antok sa kanya. Natatakot na nga siya sa kanyang sarili dahil alam niyang nahulog na talaga siya ng lubusan kay Irvin.

Sa totoo lang ay di na kailangan nitong mag-effort ng sobra dahil nakalugar na sa puso niya ang binata. Mas natatakot lang siya ngayon dahil alam niyang mahal na niya si Irvin at ang akusa ni Maricar na pang-aagaw ay malamang na maging totohanan nga sa bilis ng mga pangyayari.

Sino ba naman ang di mabibihag ni Irvin? Bukod sa guwapo na, mabait at maalaga ay masarap pa itong kausap. Palagi pa siya nitong pinatatawa kahit madalas na alanganin ang mga jokes nito.

Bakit ba di niya nakita noon ang mga katangian ni Irvin noong mga teenagers pa sila? E di sana, hindi na lang nangyari ang masaktan niya ito. E di sana hindi na lang naputulan ng paa ang kapatid nito.

"Charmaine, heto iyong dalawang script na pinabibigay ni Tita Precy. Pumili ka na raw kung alin ang gusto mo sa dalawang offer." Ibinaba ni Wena ang dalawang folders sa lap niya habang mine-make-up-an para sa premiere night ng movie nila ni Irvin sa Mall of Asia Cinema ngayong gabi.

Vengeful HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon