Charmaine
Gimbal!
Iyon ang tamang salita sa naramdaman ni Charmaine sa smack kiss on the lips na ginawa ni Irvin.
Wala siyang maapuhap na salita. Wala siyang maisip na aksyong gawin. In short, blanko ang utak niya. Parang natauhan na lang siya nang sunod-sunod na nagkislapan ang flash ng mga camera mula sa mga naimbitahang press sa contract signing.
"Nagkabalikan na ba kayo ni Charmaine? Irvin, sabihin mo sana ang totoong estado ng relasyon n'yo." Narinig niyang tanong ng isa sa mga press na nakapalibot ngayon sa kanila.
"Pang-promo lang ba ang ginagawa ninyo?"
"What you see is what you get." Pa-misteryosong sagot pa ni Irvin.
Gusto niya sanang kontrahin ang sagot nito pero bigla siyang hinila ni Irvin at dinala doon sa isa pang mesa sa gitna. Nilubayan sila ng mga press pansamantala dahil nagsimula na ang programa.
Nagbigay ng opening remarks si Tita Divina. Nagsalita rin ng backgrounder si Direk Chris. Pagkatapos ng mahabang introduction nito ay nagpirmahan na at natapos na ang programa. May ilan pang mga reporters ang nagtangka siyang tanungin pero hinaharangan ito ni Irvin kaya agad silang nakalayo sa press.
Nang marating nila ang labas ng restaurant ay dinala siya nito sa kotse nito at pinapasok sa loob. Atubili mang pumaroon ay sumunod pa rin siya.
"Saan ka umuuwi?" Tanong nito. Mukhang naghahanda na talaga itong umalis.
"Bababa ako Irvin."
"Ihahatid na kita." Balik na naman sa seryoso na may pagka-sarcastic ang mukha nito.
"Hindi naman ako nagpapahatid sa iyo. Kaya buksan mo ang kotse at bababa ako."
"Gusto mong bumaba? E di lalo kang pinagkaguluhan ng mga reporter."
"Sino ba ang basta-basta na lang nanghahalik ng walang permiso? Scirpted ba iyon? Next time naman Irvin pag may gagawin kang ganon ay abisuhan mo ako para naman hindi ako nagmumukhang tanga. Noon pa man, palagi n'yo na itong ginagawa sa akin. Hanggang ngayon ba naman?"
"Wala akong kailangang i-explain."
"Fine." Mataray at umuusok na ang ilong ni Charmaine sa inis. "Buksan mo ang pinto ng sasakyang ito at lalabas na ako."
Hinampas ni Irvin ang maibela. Narinig niyang tumunog ang autolock at nabuksan ang pinto.
Nanggagalaiti sa galit si Charmaine. Kulang na lang ay sipain niya ang gulong ng Porche nito at batuhin ang windshield ng mamahaling sasakyan.
Nagtatakbo siya at ang unang taxi na dumaan ay pinara niya kaagad.
"Ate, boyfriend mo ba iyong si Irvin?" Tanong ni Rowell sa kanya habang nagliligpit ng gamit sa ospital. Naroon sa chemotheraphy session ang papa niya. Nakaupo naman ito sa sofa at nagbabasa nga ng dyaryo.
Nasa-front page sila ng tabloid na binabasa ni Rowell. Nakita na niya ang dyaryong iyon kanina. Kuha iyon sa contract signing kahapon. Itatago niya sana ang babasahin kaya lang sa panahon ng kabi-kabilang multi-media access kahit itago pa niya kay Rowell ay malalaman at malalaman nito ang naging relasyon nila ni Irvin noon. Wala pa kasi si Rowell sa poder nila noon kaya hindi pa personal na nagkakaharap ang dalawa.
"Hindi a," mabilis niyang tugon.
"Pero siya yung kapartner mo doon sa bago mong pelikula, Ate. Mag-iingat ka sa kanya. Mukha siyang dangerous."
"Dangerous ka d'yan? Si Irvin? Matagal ko ng kilala iyan. Saka iyang balitang iyan ay walang katotohanan. Part iyan ng script para ngayon pa man ay pag-usapan na ang pelikula namin." Naisip na lang niyang idahilan iyon para huwag na itong magtanong pa.
BINABASA MO ANG
Vengeful Heartbeat
RomanceFirst shooting day nina Irvin at Charmaine ay kissing scene agad. May tatlo pang bed scene na kukunan kaya kabadong-kabado si Char lalo pa at ang sikat at magaling na aktor na si Irvin De Silva ang kapareha niya. "Di ka ba tinuruan humalik ng boyf...