Sail

3.3K 71 12
                                    

Charmaine

Pagod na pagod at hapong-hapo ang katawan ni Charmaine matapos ang maghapong shoot ng coffee commercial. Ilang beses siyang nagpabalik-balik sa pagda-dive sa pool dahil di niya makuha ang gustong atake ni Direk Basti.

Pangalawang araw na nila sa Phuket, Thailand. Dito sa Marriot vacation club resort sila naka-check-in kasama ang team nina Direk Basti mula sa Pilipinas. Sabay-sabay silang bumiyahe at kasama rin nila sina Wena at Joy pero ang bossing nitong si Irvin ay di pa rin dumarating.

Naging matagumpay ang pelikula nila ni Irvin. Hindi man ganon kalaki na sobrang box-office pero bawi naman ang producer at usap-usapan pa rin ang kanilang acting sa movie. Kaya nga umalis siya ng bansa na may ngiti kahit pa missed na missed na niya si Irvin.

Isang linggo na niya itong hindi nakikita. Matapos siya nitong ihatid sa apartment noong premiere night ay nagpaalam na aalis nga raw kinabukasan upang puntahan si Ana sa LA. Tapos na raw ang operasyon ng bunsong kapatid kaya dadalawin muna. Nabanggit rin nito na sa Thailand na sila magkikita. Inasahan nga niyang kahapon na narito na dapat si Irvin pero hindi nga raw nakarating dahil may biglang inasikaso. Kaya tuloy pakiramdam niya ay may humpak na espasyo sa kanyang puso habang di ito nasisilayan.

Hindi naman niya matawagan dahil nag-aalangan siya na makaabala at ayaw rin naman niyang ma-misinterpret nitong atat siya. Nahalikan lang akala mo ay may commitment ng pinanghahawakan. Ayaw naman niyang ma-brand siya nitong naghahabol.

Pride.

Iyan ang umiiral kay Charmaine kaya kahit apektado ay tinitiis na lang. Kahit gustong marinig kahit boses man lang ay isinasawalang-bahala na huwag lang masabihang assumera.

Kasi ba naman, matapos nilang maghalikan ay parang walang nangyari kahit ramdam nila kapwa ang intensidad ng naganap. Parang eksena lang na kinunan at shinoot na noong nag-pack-up ay uwian na.

Dahil floating pa ang kanyang utak nitong mga nagdaang araw at blinded pa sa tuwa at kilig, hindi agad nag-sink-in sa kanya na may nagbago na sa estado nila ni Irvin.

Ano na ba sila? Boyfriend-girlfriend na ba?

Ni wala man lang kumpirmasyon.

Kung bakit ba naman kasi nakakatulala at nakakaumid ang epekto ng kiss na iyon kahit pa ilang beses nang may namagitang halikan sa kanilang dalawa ni Irvin.

Madalas pa nga ay nangingiti at nagde-daydream si Charmaine. Ganito ba talaga pag in-love?

Kay Joy nga niya nalaman na di ito darating kahapon. Pero sigurado naman daw na hahabol ito bago matapos iyong limang araw nila sa Thailand. Kaya nga inuna na muna ang mga eksena niya para di naman masayang ang araw. Bukas itutuloy iyong underwater shots niya.

Pakiramdam niya tuloy ay nakabitin sa ere. Nakabalag sa alanganin.

Katulad ngayon, naaalala na naman niya ang pakiramdam ng labi nito habang tulala sa may bintana at tinatanaw ang majestic view ng sunset sa beach sa labas. Ang ganda sa lugar na ito. Para siyang nasa paraiso n hinaluan ng modernong mundo. Bawat tingnan niya ay bago sa kanyang paningin.  Kung nakapunta man siya noon sa ibang bansa ay karaniwang sa city. Di katulad dito na nature talaga at tabi pa ng beach. Masarap balikan ang lugar na ito para sa isang totoong bakasyon.

Magkakasama sila nina Wena at Joy sa resort apartment. Napakaganda at maluwang ang unit. Kumpleto sa gamit, may kitchen, dalawang bedroom at balcony na overlooking ng beach. Umalis iyong dalawa para mamasyal daw sa resort. Hindi na siya sumama dahil sa pagod. Libre ang stay nila. Kasama iyon sa package ng kontrata.

Naisipan niyang magbabad sa tub matapos tingnan ang kanyang cellphone para lang madismaya dahil wala pa ring text si Irvin.

Kukunin na sana niya ang kanyang gamit nang biglang tumunog ang doorbell. Binuksan niya ang pinto at tumambad sina Direk Basti at Asnee na anak ng CEO ng Blends Coffee.

Vengeful HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon